24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Inereklamo sa inyong kapuso, action man, ang pagsira sa basketball court at daycare center sa isang barangay sa San Mateo Rizal.
00:11Sumbong ng ilang residente, bigla o manong inangkin ng kanilang kabarangay ang compound.
00:16Pinaimbestigahan namin yan.
00:22Ito ang dating half court sa isang bahagi ng Barbola Street, sa barangay ang 51 sa San Mateo Rizal.
00:29Pero noong nakarang taon, nilagari, minartilyo at walang habas itong sinira.
00:36Kasunod dyan ang pagwasak sa katabing daycare center sa parehong lugar.
00:40Binakuran at pininturahan din ito ng no trespassing.
00:44Nakakapanlumo po kasi imbis po yung mga kabataan po nakapaglaro po rito, yung mga kapit-bahay namin na may nagagamit, pagpesta, pag may mga gatherings po.
00:53Sobrang laki po ng epekto, hindi lang po para sa akin kasi po sa mga sumunod na henerasyon.
00:58Sinira rin po nila agad dyan, hindi po sila nagpakita ng papel.
01:03Ang swira sa court at daycare center, isang residente umano na umaangkin sa compound kung saan ito itinayo.
01:10Pagkakalam po namin, base po sa assessor's office na ito pong lugar na ito ay government property.
01:20Buwis po ng taong bayan ito.
01:22So kaya po nakalungkot po na nasira at sinira lang po ng pansariling interest na dapat po napapaglaba ng nakakarami rito sa aming lugar.
01:31Humarap sa inyong kapuso action man ang umaangkin sa compound,
01:33pero tumanggi siyang magpakita ng anumang dokumentong magpapatunay na sila ang may-ari.
01:39Hindi rin kami nagmamayari.
01:41Nung lupa na kinatatayo, ano, sinasabing proyekto daw po nung dating kapitan.
01:47Sabi ko sa kanila, may dokumento kami pinangahawakan na kami nagmamayari.
01:51Kung may reklamo kayo, hindi sa korte tayo magkita-kita.
01:55Nitong October 23, naglabas ng Cease and Disease Order ang Lokala Pamahalaan ng San Mateo Rizal
02:01na naguutos kay Formento na itigil ang pag-angkin sa naturang property.
02:06Ayon sa verification ng Municipal Assessor's Office at alinsunod sa batas,
02:11nananatiling public domain ang lugar na hindi kailanman pwedeng angkinin ng sino man.
02:16Ipinagutos din ang Lokala Pamahalaan kay Formento na ibalik sa dating kondisyon ng Sinirang Court at Daycare Center
02:23sa loob ng sampung araw.
02:25Kung hindi makakasunod sa Formento, i-endorso na ito sa Municipal Legal Office
02:30para masampahan ang kaukulang kasong sibil, administratibo at kriminal.
02:40Sumangguni kami sa Lokal na Pamahalaan ng San Mateo Rizal.
02:43Ano mang government property area-area ng ating pamahalaan ay ating puprotektahan at ating pangangalagaan.
02:51Ang ating punubayan ay nagpadala kaagad ng engineering team upang tingnan po ang initial assessment ng mga nangyayari.
03:03Nag-issue po ng letter para po mapakalma ang sitwasyon at mag-status ko.
03:10Wala umunong kaukalang demolition permit ang pamilya para sirain ang basketball court at daycare center.
03:16Sa ngayon, ay daraan muna sa proseso ang sumbong.
03:19Ito po ay subject pa po for re-survey.
03:24Igagalang naman ng mga concerned citizen ang pagdaraan ng proseso.
03:28Tututukan namin ang sumbong na ito.
03:34Para sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page
03:37o magtungo sa GMA Action Center sa GMA Network Drive Corner, Samar Avenue, Diliman, Quezon City.
03:43Dahil sa aramang reklamo, pang-aabuso o katewalian.
03:45Tiyak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
03:52Mga Kapuso Legal Wife, pero hindi makuha ng isang byuda ang pensyon ng pumanaw niyang mister.
03:59Ang nailagay kasing status ng huli sa death certificate, single kahit kasal sila.
04:04Kaya humingi siya ng tulong sa team ng inyong Kapuso Action Man.
04:08Problemadong dumulog sa inyong Kapuso Action Man ang byudang si Susanita.
04:17Agosto 2024 parao kasi, sumakabilang buhay ang kanyang mister na si David sa edad na 80.
04:23Pero sa kalit na married, single ang naitalang civil status sa death certificate nito.
04:30Sa kanilang marriage certificate, January 1999, ikinasal ang dalawa.
04:34Nasa Laguna kasi siya namatay.
04:37Eh ako nasa Kabite.
04:40Nagpirma doon sa death certificate yung son-in-law lang niya.
04:45Tapos yung nilagay ng son-in-law niya ay single.
04:49Hindi daw alam eh.
04:50Dahil dito, naghihirapan si Susanita na makuha ang inaasakan niyang beneficyo bilang legal wife.
04:57Hindi ako makakuha ng pension sa SSS.
05:01Transfer yung pension niya sa akin.
05:03Nakatulong sa atin na malaki yan para sa maintenance ko na gamot.
05:13Dumulog ang inyong Kapuso Action Man sa Philippine Statistics Authority o PSA.
05:17Ang preparation po ng death certificate ay depende po yan kung saan po namatay yung ating kababayan.
05:23Maaari pong sa hospital or tinatawag nating community death.
05:28So pag community death po ito, ang magiging responsible for the reporting of the death
05:32ay yung mga kamag-anak na nakakalam po nung datos nung ikinamatay ng kababayan natin.
05:38Para maitama ang maling civil status.
05:40This is a very substantial entry doon sa death certificate.
05:44So kailangan po itong maitama sa pamamagitan ng mag-file ng petisyon sa court
05:49para ma-correct from single to married po siya.
05:52Gano'ng katagal ng proseso o serene?
05:54Depende po yan sa bilis ng decision ng court.
05:59Kung kailan nila ma-decide yung case.
06:01So maaari po silang makipag-ugnayan siguro sir sa public attorney's office
06:05kung siya ay walang kakayanan
06:07para po matulungan siya sa pag-file ng kaso po sa court.
06:10Ang huling hakbang ng annotation, itatakda ng PSA.
06:14Once that the correction is already final and executory na po siya
06:19at na-register na po yan sa local civil registrar,
06:22what we can assure you pag nakarating na po dito sa amin yung record
06:25is to expedite the annotation of the record
06:28para mailagay yung maitama.
06:32Nagpapasalamat naman si Susanita sa payo ng PSA.
06:35Tututukan namin ang sumbong na ito.
06:41Para po sa inyong mga sumbong,
06:42pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page
06:45o magtungo sa GMA Action Center
06:47sa GMA Network Drive Corner sa Maravino, Diliman, Quezon City.
06:50Dahil sa anumang reklamo, pang-aabuso o katiwalian,
06:53tiyak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
Be the first to comment