00:00The best actor in a leading role in the Asian Academy Creative Awards is a prestigious award for many international actors such as Park Bogum and Jacob Elordi.
00:22Maki-chika kay Nelson Canlas.
00:25Ako, si Domingo Zamora. Hindi ako mabuti na ako.
00:32Heart-wrenching. Touching.
00:46At inspiring.
00:48Gusto ko lang kung sabihin na hindi mo masamang tao si Dom.
00:53Pinatunayan ni kapuso drama king Dennis Trillo ang kanyang versatility bilang aktor nang gumanap bilang si Domingo Zamora o Dom sa 2024 MMFF entry na Green Bones.
01:06Talaga namang tumatak sa marami ang pag-arte ni Dennis mula sa pinakasimple hanggang sa pinakamabibigat na eksena ng pelikula.
01:16Kakauntiman kasi ang speaking lines ni Dennis on point at ramdam na ramdam naman ang emosyon sa kanyang mata-mata acting.
01:28May dahilan kung bakit domsaltig ang tawag sa kanya.
01:31Patunay dyan ang mga natanggap niya at ng pelikula na iba't ibang awards sa loob at sa labas ng bansa.
01:42Ang pinakahuli ang pagkilala sa kanyang husay sa prestigyosong Asian Academy Creative Awards.
01:50Dahil sa kanyang galing sa acting sa Green Bones, itinanghal siya bilang Asia's best actor in a leading role.
01:58Si Dennis ang national winner ng bansa sa kategorya kung saan kalinya niya ang mga kilalang international actors na sina Jacob Elordi at Park Bogum.
02:10Sarap sa pakiramdam na pagkatapos ng isang taon, marami pa rin nakakapansin doon sa mga trabaho ang ginawa namin.
02:19Yan yung nakakatuwa eh kasi parang nabibreak na natin yung barrier at nakalagpas tayo doon sa ibang entablado na mas marami yung nakaka-appreciate.
02:31Hindi lang mga Pilipino kundi pati yung mga ibang lahat.
02:33Higit sa husay, ang mahalaga raw para kay Dennis ay patuloy na masariwa ng marami ang tunay na mensahe ng Green Bones.
02:42Yan naman yung importante eh, yung matuto yung mga tao doon sa kwento.
02:48Malaman nila yung moral lesson ng buong pelikula at ma-apply nila yun sa mga kanilang mga buhay.
02:55Si GMA Entertainment Group Vice President Gigi Santiago Lara ang tumanggap ng award sa ngala ni Dennis at ng Green Bones.
03:05Nelson Canlas updated sa Showbiz Happenings.
Comments