Skip to playerSkip to main content
Hinalughog ng mga awtoridad ang compound at mga bahay ni Tarlac Rep. Noel Rivera na pinakakasuhan kaugnay ng flood control scandal. Pero ang search warrant ay para sa kasong ‘illegal possession of firearms.’


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Chino Gaston
00:30Mel, nagpuntahan dito sa public plaza ng bayan ng Concepcion Tarlac, ang mga taga-suporta ni Congressman Noel Rivera para magsagawa ng Peace Prayer Rally, magsagawa na rin ng vigil at magbigay ng kanilang suporta sa kanilang kongresista.
00:45Yung mga parehong supporters na ito ay kaninang umaga nagpunta rin sa tapat na kanyang bahay matapos nga pasukin ng mga tauhan ng PNP at ng Philippine Army, bit-bit ang search warrant para sa mga armas pero wala o manong nakita ang armas ang mga otoridad.
01:00Madaling araw kanina nagtipon-tipon ang mga tauhan ng PNP-CIDG, Intelligence Service ng AFP, PNP Special Action Force at Philippine Army.
01:14Ang kanilang target, ang 3G Construction and Development Corporation Compound at ilang bahay na pag-aari ni Tarlac 3rd District Representative Noel Rivera at kanyang pamilya.
01:24Mula kampong rame, tumulak ang grupo papuntang Concepcion Tarlac. Ayon sa kampo ng kongresista, dakong alas 5 ng umaga, pinasok ng mga otoridad ang compound at kasunod nito ang bahay ni Rivera at bahay ng kanyang anak.
01:39Mahigpit ang seguridad at maging media, bawal lumapit kahit sa gain.
01:45Nang mabalitaan ng pangyayari, nagtipon-tipon ang mga taga-suporta ni Rivera sa labas ng kanyang bahay pero hindi sila pinalapit ng PNP-SAC.
01:53Sa labas ng gate, kita ang mga nakahulay-asul na mga tauhan ng PNP-CIDG. Nakabantay din ang isang truck ng mga sundalo at mga van ng PNP-SAF.
02:04Pasado alas 12 ng tanghali, pumasok na ang coaster ng PNP at sinundo ang mga tauhan ng CIDG.
02:13Habang isa-isang nagsialisan ang mga pulis at sundalo,
02:16Sa loob ng kanyang bahay, nagpasalamat si Rivera sa kanyang mga taga-suporta.
02:26Ayon kay Rivera, search warrant daw para sa kasong illegal possession of firearms ang isinilbing search warrant ng mga pulis.
02:33Kasama sa hinalughog ng mga pulis, ang bahay ni Rivera na may sariling maliit na golf course at multi-purpose hall.
02:39Wala nga sila nakuhang baril basa search warrant nila sa akin.
02:44Ayon sa kampo ng kongresista, walang nahanap na illegal na baril na siyang pakay ng search warrant na isinilbi,
02:50hindi lamang sa compound ng kanyang kumpanya, kundi maging sa iba pang mga bahay na pag-aari ng pamilya.
02:55At ang pagsilbi nito, ang kanilang balak-westiyonin pagdating ng tamang panahon.
03:01Kasama ang 3G Construction and Development Corporation sa pinakakasuhan ng Independent Commission on Infrastructure o ICI,
03:10kaugnay ng umanoy-manumalyang flood control projects.
03:13Nasa ICI na yan, nasal na yan. Nasa bootsman natin. Harapin ko lang doon.
03:17Harapin niyo na lang?
03:18Siyempre, natulong lang yun. Nandun na siguro. Kung ano man ang ako sa akin, harapin ko.
03:22Yung 3G, inyo talaga na mag-asawa yun sa'yo?
03:24Matagal na yun.
03:25Sinusubukan pa rin makuha ng GMA News ang pahayag mula sa CIDG.
03:36May alas 7 talaga ng gabi. Nakatakdang magsimula ang prayer vigil dito sa plaza ng Concepcion, Tarlac.
03:44Kung saan inasang darating din si Congressman Noel Rivera para magbasalamat sa kanyang mga taga-suporta
03:50at maghayag darin ng kanyang salo-ubin.
03:53Mel.
03:54Marami salamat sa yo, Chino, Gaston.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended