Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kabilang po ang mga dati at kasalukuyang senador sa mga inirekomenda ng ICI sa ombudsman na investigahan kaugnay sa flood control projects.
00:09Ang ilan sa kanila, pumalag sa aligasyon at sinabing patunay ang referral na walang sapat na ebidensyal laban sa kanila.
00:16Balitang hatid ni Joseph Morong.
00:21Ang hostisya ay stricto.
00:23Sa ikawalong referral nito sa ombudsman, sampu ang inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure o ICI na kasuhan ng plunder, direct o indirect bribery at corruption of public officials.
00:37Kabilang dyan si dating senador Bong Revilla.
00:40Ilan sa mga pinagbasehan ng rekomendasyon ng ICI ay yung mga sinumpaang salaysay ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na isinumitin niya sa komisyon.
00:50Why did we give weight on the affidavit of UC Bernardo?
00:56Well, I see sincerity on this part.
01:01Nung humarap sa Senado si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
01:05sinabi niyang personal siyang naghatid ng kahong-kahong pera na nagkakahalaga ng 125 million pesos kay Revilla sa bahay nito sa Cavite noong 2024.
01:14Iba pa raw yan sa 250 million pesos na hinatid rin daw niya sa bahay ni Revilla bago magsimula ang kampanya para sa 2025 elections.
01:24Ayon sa tagapagsalita ni Revilla, umpesa pa lamang ay handa ng humarap sa ICI si Revilla pero hindi raw siya binigyan ng pagkakataong madepensahan ang kanyang sarili.
01:33Ang mga nagdawit daw sa pangalan ni Revilla ay kasama sa mga bumuo at nagpatakbo ng sindikato na anayay nakinabang sa bilyong-bilyong pisong pondo.
01:44Oras daw na mabigyan ang pagkakataon ng ombudsman na kahanda raw si Revilla na sagutin ang mga paratang.
01:50Bukod kay Revilla, pinakakasuhan din ng kaibigan at campaign donor ni Sen. Chis Escudero na si Maynard Ngu, pinsan ni Sen. Mark Villar na si Carlo Aguilar, aid ni dating Sen. Nancy Binay na si Carline Yap Villar, staff ni dating Sen. Grace Po na si J.Y. De La Rosa at isang mesis patron.
02:08Gayun din ang mga opisyal ng DPWH na si Jean Ryan Altea, Gerard Opulencia, Manny Bulusan at Ruel Umali.
02:16Sa salaysay ni Bernardo, sinabi niya naghatid siya ng kabuang P280M para kay Escudero na inihatid niya sa building na pagbumeari ni Ngu.
02:26Si Villar kumikikback naman daw sa mga pondo para sa EDSA at sa maintenance ng mga krik at iba pang daanan ng tubig at idinaan umano ang mga komisyon sa pinsan ni Villar na si Carlo.
02:37Si Binay aabot daw sa 15% ang kikback na kinukubra raw ng aid nitong si Yaf Villar.
02:44Si Po humiling daw ng mga proyekto kay Bonoan sa pamamagitan ng kanyang staff na si De La Rosa at nakakuha raw ng 20% na kikback na kinulekta raw ng isang mesis patron.
02:55Walang in-recommend ng kaso laban kina Escudero, Villar, Binay at Po.
02:59Pero pinaimbestigaan sila ng ICI sa ombudsman para sa case build-up.
03:03Ayon kay po, ang rekomendasyon ng ICI na i-refer siya para sa investigasyon ng ombudsman ay patunay na hindi sapat ang ebidensya para sampahan siya ng reklamo.
03:14Sa isang pahayag, sinabi naman ni Villar na ang desisyon ng ICI na i-refer ang kanyang kaso sa ombudsman ay patunay na walang basehan ng mga aligasyon laban sa kanya.
03:24Anda raw siyang sumailalim sa investigasyon ng ombudsman.
03:27Sinisikap na namin makuha ang pahayag ni na Escudero at Binay pero dati na nilang itinanggi ang mga paratang ni Bernardo.
03:34Sinisikap din namin makuha ang panig ng iba pang nabanggit sa ICI referral.
03:39Nagsumite naman ang dagdag na ebidensya ang ICI sa ombudsman laban kinadating ako vehicle representative Saldico,
03:45dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral, Bernardo, COA Commissioner Mario Lipana,
03:54mga dating DPWH engineer na sina Henry Alcantara, Bryce Hernandez at JP Mendoza.
03:59Sinisikap din namin makuha ang kanilang panig.
04:02Joseph Moro nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended