00:00Mas mahal na kaysa kanina manok ang galunggong na umaabot hanggang 400 piso ang presyo kada kilo.
00:07Kaya payo ng Agriculture Department, imbis na galunggong, manok na lang ang bilhin.
00:13Saksi, Sivona Quino.
00:18Walong kilong galunggong ang binili ni Riza para maitinda sa Kamuning Market sa Quezon City.
00:24Pero mag-aalas 7 na ng gabi, nangalahati pa lang ang kanyang paninda.
00:28Ang gagawin namin, mas mababa namin siya ibibigay kinabukasan.
00:33Minsan tinutumpok namin, 104 na piraso kayo.
00:37Opo, bentang palugi na po yung balikpuhunan. Minsan lugi talaga.
00:44360 to 400 pesos per kilo ang galunggong bilog na frozen sa Kamuning Market.
00:50Mabigat sa budget kaya ang mami-miling si Joseline.
00:53Manok na lang ang binili sa halagang 220 to 230 pesos kada kilo.
00:59Yung nga lang, favorite kong isda pero ang mahal.
01:04Kaya manok talaga, madaling lutuin at mas mura pa. Nakakadalwang luto kasi kami.
01:09Sa Mega Q Mart, may 200 to 220 pesos kada kilo na galunggong.
01:15Pero ito raw ay yung burot o yung may pulang kulay sa buntot at hindi yung galunggong bilog na mas mahal.
01:21Mas mura pa rin ang manok na 180 to 190 pesos per kilo.
01:26Wala po kasi talaga supply ng sariwang galunggong po.
01:29Bale ang meron lang po talaga yung galunggong na burot sa balsa na malalaking galunggong.
01:35Tapos yung prosi na po yung iba.
01:38At dahil mas mahal pa ang presyo ng kada kilo ng galunggong kesa sa kada kilo ng manok,
01:43payo ng Department of Agriculture, manok na lamang ang bilhin.
01:48Ang galunggong huwag na natin asahan kasi wala doon supply talaga worldwide.
01:51Pero yung mackerel should go down to 250 to 230 hopefully.
01:56So you're urging po consumers to go for alternatives muna po?
02:00Yes. Kung ganyan kamahal yun, magmanok na lang kayo.
02:03Sinabi rin ang Department of Agriculture na target maipatupad sa Biyernes December 5
02:08ang maximum suggested retail price sa karneng baboy at carrots.
02:12Bunsud yan ang inaasahang pagtaas ng demand sa mga susunod na linggo habang papalapit ang Pasko.
02:18P350 pesos kada kilo ang MSRP na ipatutupad sa Kasim at Pigue.
02:23P370 pesos naman para sa kada kilo ng Yempo o Pork Belly.
02:27Ang MSRP sa carrots itatakda sa P120 pesos kada kilo.
02:31Nauna nang nagutos ang DA ng P120 pesos kada kilo na MSRP sa Pula at Puting Sibuyas na naging efektibo nitong December 1.
02:41Inanunsyo rin ang DA ngayong araw ang pagpapatupad ng pagsamantalang importation ban sa mga karneng baboy na inaangkat mula sa Spain
02:48dahil sa African Swine Fever Outbreak.
02:51Ang na-identify namin is yung anything produced after November 11 will not be allowed.
02:59Produced in Spain November 11 onwards will not be allowed until maklear na sila for ASF.
03:06Pagsisiguro naman ang kalihim.
03:08Walang efekto ang import ban sa supply ng karneng baboy sa bansa.
03:12Sa demand bakit tumas ng konti but more or less affordable naman.
03:16Para sa GMA Integrated News, ako si Bona Kinong, inyong Saksi.
Comments