- 3 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00This is Philippine Coulter.
00:03Live mula sa GMA Network Center, ito ang 24 Horas.
00:19Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:23Pinakakasuhan ng plunder at ipang asunto si dating Sen. Bong Revilla ng ICC o ng ICI dahil sa aligasyong hinatiran siya ng pera na isang dating Public Works Undersecretary.
00:38Sagot ni Revilla, handa siyang sagutin ang mga paratang kapag binigyan ng pagkakataon ng ombudsman. Bagay na hindi umunog ginawa ng ICI.
00:46Pinay-imbestigahan din ng ICI sina Sen. Cheese Escudero, Sen. Mark Villar at sina dating Sen. Grace Poe at Nancy Binay para sa case build-up.
00:57Nag-resign naman sa komisyon si ICI Commissioner Rogelio Singzon.
01:02At nakatutok si Joseph Moro.
01:04Si dating Sen. Bong Revilla, ang pinakamalaking pangalan sa ikawalong referral sa ombudsman ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
01:16Ang rekomendasyon ng ICI, kasuhan siya at siyam na iba pa ng plunder, direct o indirect bribery at corruption of public officials.
01:25Ang kakustisya ay strikto.
01:27Ilan sa mga pinagbasehan ng rekomendasyon ng ICI ay yung mga sinumpaang salaysay ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na isinumitin niya sa komisyon.
01:39Sa pagharap niya noon sa Senado, sinabi ni Bernardo na personal siya naghatid ng kahong-kahong pera kay Revilla sa bahay nito sa Cavite noong 2024.
01:49125 milyon pesos daw ang kanyang dinala noon.
01:52Iba pa raw ito sa 250 milyon pesos na hinatid rin daw niya sa bahay ni Revilla bago magsimula ang kampanya para sa 2025 elections.
02:01Sa isang pahayag, sinabi ng tagapagsalita ni Revilla na kahit handang humarap sa ICI, hindi raw binigyan si Revilla ng pagkakataong magsalita para depensahan ang sarili.
02:12Ang mga nagdawid daw sa pangalan ni Revilla ay kasama sa mga bumuo at nagpatakbo ng sindikato at siya raw na kinabang sa bilyong-bilyong pisong pondo.
02:20Handa daw siyang saguti ng mga paratang oras na mabigyan ng pagkakataon ng ombudsman.
02:27Bukod kay Revilla, pinakakasuhan din ang ICI sa ombudsman ang mga binanggit ni Bernardo na mga tauhan at kaibigan ng ilang kasalukuyan at dating senador.
02:37Kabilang dyan ang kaibigan at campaign donor ni Sen. Chisa Scudero na si Maynard Ngu, pinsan ni Sen. Mark Villar na si Carlo Aguilar,
02:45ay di dating Sen. Nancy Binay na si Carline Yap Villar, staff di dating Sen. Grace Po na si J.Y. De La Rosa at isang Mrs. Patron.
02:54Dawit din ang mga opisyal ng DPWH na si Namimaropa Regional Director Gene Ryan Altea, NCR Regional Director Gerard Opulensia at District Engineers Manny Bulusan at Ruel Umali.
03:06Why did we give weight on the fee david of Joseph Bernardo?
03:12Well, I see sincerity on this part.
03:18Wala mang inerekomendang kaso, pinaiimbestigahan naman ang ICI sa ombudsman para sa case build-up si na Escudero, Villar, Binay at Po.
03:28Sa salaysay ni Bernardo, sinabi niya naghatid siya ng kabuang 280 milyon pesos para kay Escudero na inihatid niya sa building na pagmamayari ni Ngu.
03:37Si Villar naman, kumikbak umano sa mga pondo sa maintenance ng mga creek at iba pang daanan ng tubig, pati na raw ang pondo para sa EDSA.
03:46Ang komisyon, idinaan raw sa pinsan nitong si Carlo.
03:49Si Binay, aabot naman daw sa 15% ng diumanoy kickback na kinukubra raw ng aid nitong si Yap Villar.
03:55Si Po humiling daw ng mga proyekto kay Bunuan sa pamamagitan ng kanyang staff na si Dolorosa at nakakuha raw ng 20% na kickback na kinulekta raw ng isang misis patroon.
04:08Sabi ngayon, ipo ang rekomendasyon ng ICI ay patunay na walang katotohanan ang mga bintang ni Bernardo at walang ebidensyang susuporta sa paghahain ng kaso laban sa kanya.
04:18Sinisika pa namin makuha ang pahayag ni Nascodero, Villar at Binay pero dati na nilang itinanggi ang mga paratang ni Bernardo.
04:27Nagsumite naman ang dagdag na ebidensya ang ICI sa ombudsman laban kinadating Akobical Representative Saldico,
04:34dating DPWH Secretary Manuel Bunuan, dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral, Bernardo, COA Commissioner Mario Lipana, Alcantara, Hernandez at Mendoza.
04:45Sa gitna nito, inanunsyo naman ni Justice Reyes na nag-resign na si ICI Commissioner at dating DPWH Secretary Rogelio Singson,
04:53efektibo December 15, pero posible namang hanggang December 31 pa siya manatili sa komisyon.
05:00He mentioned the very intense and stressful ICI work as taking its toll on this aging body.
05:08Kinihingan pa namin ang pahayag ang 77 years old na si Singson.
05:12Ayon kay Reyes, hindi naman raw maapektuhan ng pag-re-resign ni Singson ang trabaho ng ICI at depende sa Pangulo kung tatanggapin pa.
05:20We can continue investigative work on a table basis, not hearing basis.
05:27Pumupo pa si Singson kanina sa hearing ng ICI kung saan humarap si Napasigloan District Representative Roman Romulo
05:34at Bulacan First District Representative Danilo Domingo.
05:37Pero humingi sila ng executive session sa ICI kaya hindi ni-livestream ang kanilang testimonya.
05:43Kapwa sila idinawit ng mag-asawang diskaya na umuling humingi ng kickback bagay na itinanggi ng dalawa.
05:50They're DPWH sa amin po yun. Hindi po yung staff ko.
05:54Things with them?
05:54Ah, sila po ang DPWH sa Pasig po. Yes, hindi nila Pasig. Pasig, yung buong district.
06:00Authorized? No, I'd never authorized anyone.
06:02Authorized what?
06:03Yung tinatanong, di ba? Wala po, wala ganun.
06:06Sabi ni Bryce, isa daw po kayo sa mga pong na nangyinginong komisyon.
06:10Hindi po totoo yun at yun po ay pinatunayan ko sa investigasyong naganap na yun po ay walang katotohanan.
06:18Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
06:23Nahulik kam sa Antipolo City, ang malapitang pamamaril ng isang lalaki sa babaeng nag-alok-umano sa kanya ng iligal na droga.
06:33Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
06:39Kaswal lang na naglalakad ang babaeng yan. Mag-aalauna ng madaling araw kanina sa barangay Kupang, Antipolo City.
06:47Ang hindi niya alam, sinusundan pala siya ng lalaking may hawak na baril.
06:52Maya-maya, nilapitan at pinaputokan ng lalaki sa bato ang babae.
06:59Patay ang biktima na ayon sa Antipolo Police ay nag-alok-umano ng iligal na droga sa suspect bago ang pamamaril.
07:07Tumanggi po ang suspect na bumili ng drugs.
07:10Kaya ang ginawa nitong si victim yung babae is pinagmumura po itong si suspect.
07:15Napikon-umano ang suspect. Kaya kumuha siya ng baril sa kanilang bahay saka sinundan ang babae.
07:22Yung baril na yun is pingan yung ginamit, yung improvised.
07:26Narecover yan kalauna ng polisya malapit sa crime scene.
07:30Na-arresto rin ang suspect sa tulong ng mga kuha ng CCTV at ilang saksi.
07:35Kahit sinubukan pa umano nitong magpalit ng damit para hindi siya makilala.
07:40Nasa custodial facility ng Antipolo CCPS ang suspect na aminado sa krimen.
07:56Bukod sa kakaharapin niyang kasong murder dahil sa pamamaril,
08:01sinilbihan din ang arrest warrant ang suspect dahil sa dati niyang kaso.
08:05Meron po siyang active na warrant of arrest ng robbery.
08:10Para sa GMA Integrated News, Tina Pahaniban Perez, nakatuto, 24 oras.
08:17Tinutukan ng patalim at tila ginawang human shield ng isang nalaki
08:21ang tauhan ng pinasok niyang laundry shop sa Pampanga.
08:25Ang mitya ng krimen sa pagtutok ni CJ Torida ng GMA Regional TV.
08:30Naabulamog ang mga residente ng Barangay Santo Niño sa San Fernando, Pampanga.
08:39Nang biglang pumasok ang isang lalaki sa isang shop at tinutukan ng patalim ang isang babae kahapon ng umaga.
08:46May humahabol daw kasi sa kanya at gusto siyang patayin.
08:49Meron daw humahabol sa kanya na gustong pumatay. So parang nag-a-hallucinate siya.
08:56Then gin-drab niya itong biktima natin na atendi ng isang business na laundry. Ginawa niyang shield.
09:03Agad rumisponde ang mga polis at na-aresto ang suspect.
09:06Apparently, nung dumating yung mga polis natin, kumalma naman yung suspect at peace police siyang sumama.
09:12Ayon sa polisya, hindi na siya sasampahan ng kaso matapos siyang patawarin ng biktima.
09:18One validation na pag ilaman natin itong tao is parang kalalaya niya at nag-serve siya ng sentence sa isang kaso.
09:26Sa ngayon, nasa kustudiya pa rin ang polisya ang suspect at inihahanda na ang kanyang turnover sa DSWD dahil wala na umano itong pamilyang mauwian.
09:36Wala pang pahayag ang suspect. Sinisikap ng GMA Regional TV na magkuhanan ng pahayag ang biktima.
09:42Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, CJ Torida. Nakatutok 24 oras.
09:50Bukod sa Christmas traffic, problema rin ng ilang commuter ang mas makal na pasahe at mahirap na pagbook sa mga TNVS.
09:58Kaya ang isang grupo na nawagan na sa LTFRB na kontrolin ito. Nakatutok si Oscar Oida.
10:03Pahayrapan na nga, mas mahal pa.
10:10Ganyan na raw ang karaniwang sinasapit ngayon ng ilang regular TNVS customer sa tuwing sasapit ang rush hour.
10:17Si Eri na taga North Caloocan. Kung dati raw, nasa P250 lang ang singil ng sinasakyang motorcycle hailing service mula Agam Quezon City pa uwi sa kanila.
10:30Ngayon, inaabot na raw ng P340 pataas.
10:34Malaking factor po yung place, nasa mall, ganyan. Marami rin po kasing kasabayan magbook. Kaya agawan po talaga.
10:42Di hamak naman daw na mas mahal kung four wheels. Ayon naman kay Rhea Lynn na umuuwi naman ang San Jose del Monte sa Bulacan.
10:51Kung dati daw, pumapatak na ng P500. Lately, lumalagpas pa raw ito ng P800.
10:58P800 po. Isang buong araw na po namin sa work yun. And then kung ipapamasahe pa po namin sa four wheels, wala na po kaming pagkain.
11:09Ang masakla pa raw niyan. Pag-ihintayin ka pa ng siyam-syam bago makakuha ng masasakyan.
11:16Minsan po, aabot po ng one hour yung pagbubok. One hour, 30 minutes to one hour po.
11:20At habang papalapit ng papalapit umano ang Pasko, ayon sa grupong Digital Pinoy's, asahan na raw ang lalo pang pagsirit ng presyo ng singil ng mga TNVS.
11:32Mga surge fare kung tawagin na nakasalalay umano sa availability ng masasakyan, tindi ng traffic at sama ng panahon.
11:41At ang pinapayagan sa batas, I think parang 1.5 or up to twice the fare ang pinapayagan.
11:48Pero sa nakikita natin, marami hong mga pagkakataon na lagpas pa ho dito yung itinataas ng pamasahe dahil sa surge pricing.
11:57Para sa Digital Pinoy's, hindi raw ito makatarungan.
12:01Kailangan yung mga TNVS platforms, yung mga operator, siguraduhin din nila na yung mga kanila hong mga sasakyan ay bumabiyahe ho sa oras na kinakailangan ho sila.
12:12Dahil isa ho sa mga basehan dun ho sa pagbibigay ng prangisa para sila ho ay makapagbiyahe, ay yun pong kanila hong kahandaan na magservisyo sa ating mga mananakay sa anumang oras ng pagbiyahe.
12:25Kaya ay minumungkahi nila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na kontrolin umano ang anilay labis na pagtaas sa singil.
12:37Kailangan daw magpatupad ng LTFRB ng matibay na mekanismong magpapanatili ng makatwiran at government-approved fare limits.
12:47Sinusubukan pa namin kuna ng pahayag ang LTFRB patungkol dito.
12:51Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida nakatutok, 24 oras.
12:58Dalawa ang sugatan sa salpukan ng isang bangka at barko sa Matnog Sor Sugon.
13:06Batay sa inisyal na investigasyon, papunta sana sa Kapol Island ang bangka at habang biyahing Cebu ang passenger cargo vessel nang magbanggaan sila sa dagat.
13:16Sa lakas ng empat, nasira ang ilang bahagi ng bangka at nasugatan ang dalawang sakay nito.
13:23Agad naman silang dinala sa ospital. Isa sa kanila ang nasa critical na kondisyon.
13:28Hindi lang mga palyadong proyekto kontrabaha ang pinunah ng COA sa 2024 audit report nito sa DPWH.
13:38Meron din umanong mga accomplishment report na pineke dahil hindi naman talaga natapos ang mga proyekto.
13:45At may mga hindi sinigil ng penalty kahit delayed ang mga proyekto.
13:50Nakatutok si Maki Pulido.
13:52May mga proyektong palyado, pineking accomplishment reports, at hindi paniningil ng penalties sa contractors.
14:03Ito ang findings ng Commission on Audit sa pinakahuling audit report nito sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways para sa taong 2024.
14:12Hindi lamang para sa mga flood control projects, kundi pati sa ibang uri ng istruktura gaya ng kalsada, school buildings, tulay at iba pa.
14:19Sa 747 infrastructure projects ng DPWH, nakita ng COA na hindi nasunod ang mga probisyon sa kontrata dahil kulang sa pangangasiwa at pagbabantay.
14:31Ang kabuang halaga ng mga proyektong ito, nasa halos 6.5 billion pesos.
14:36Pinunan ng COA ang mga structural defect gaya ng cracks, paggamit ng substandard na materyales, at iba pa.
14:42Sa mga locally funded projects tulad ng mga farm-to-market road at school building, nakita ng COA na hindi na ipatupad o hindi maayos ang pagpapatupad ng mahigit 2,500 projects na may kabuang halaga ng mahigit 138 billion pesos.
14:59Sabi nito, dahil sa mga technical defects at deficiencies ng mga proyektong ito, maaaring makompromiso ang kaligtasan ng publiko.
15:07Kung hindi raw ito agad kukumpunihin, maaaring mas masira kaya masasayang ang pondo ng bayan.
15:13Pinunan rin sa COA report ang mga peking accomplishment reports sa DPWH Region 4B, 6, 10 at Cordillera Administrative Region.
15:23May nakitang halos 2 billion pesos na halaga ng mga proyekto na'y dineklara ng 100% completed, kahit na hindi pa ito tapos o kaya ay may depekto ang proyekto.
15:33Sa kabila nito, nabayaran ng buo ang kontraktor ng 48 proyekto ng mahigit 2 bilyong piso.
15:40Naka-highlight din sa report ng COA ang mahigit 1.5 billion pesos na advance sa mga kontraktor, na hindi na nabawi kahit kumpleto na ang proyekto, tinapos o tatapusin na ang kontrata.
15:52Sa ilalim ng batas, kung bigo ang supplier na ipatupad kung ano ang nasa kontrata, sa kabila ng time extension, maaaring na itong patawan ng penalty.
16:01Pero nakita ng COA na marami sa mga kontraktor ng DPWH projects ang hindi rin pinatawa ng liquidated damages, kahit lagpas na sa isang libong araw ang delay.
16:13Ang iba naman, mas mababa pa ang penalty sa dapat na halagang siningil sa supplier o kontraktor.
16:18Sa tugon ng DPWH, sinabi nitong may 450 billion pesos para sa halos 11,000 na infrastructure projects na hindi pinanukala ng DPWH at sumulput na lang sa General Appropriations Act pagdaan sa Kongreso.
16:34Ito raw ang dahilan kung bakit limitado ang kanilang kahandaan para ipatupad ang mga proyekto.
16:40Sinisikap pa namin kunan ng pahayag si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan ang nakaupong kalihin noong panahong sakop ng COA Audit Report.
16:49Para naman kay kasalukuyang DPWH Secretary Vince Disson, kailangan talagang maayos ang budget process at matiyak na may plano at kailangan ng proyekto bago ito paglaanan ng budget.
17:00Yun talaga ang punot dulo nun eh. Kung magiging stricto tayo na kailangan ang mga project para mapondohan ito sa budget, eh kailangan kasama sa mga plano ng mga probinsya, ng mga region, kailangan ng mga proyekto, kailangan yan ng masusing mga pag-aaral.
17:18Yun ang magiging solusyon para hindi na maulit yung nakita natin.
17:21Para sa GMA Integrated News, Makipulido Nakatutok 24 Oras.
17:26Pinagigiba ng DPWH at Lokal na Pamahalaan ng San Juan ang mga bahay na itinayo sa ibabaw ng isang drainage dahil sa gabal sa dapat sanay, daluyan ng tubig.
17:38Balak din niyang gawin ng kagawaran sa ibang lugar para tugunan ang problema sa mga.
17:43Nakatutok si Oscar Royda.
17:44Mula sa may git-aleng na talampakan, naging halos dalawang talampakan na lang ang lalim ng imburnal na ito, munsod na mga bumarang basura at puti.
17:59Yan ang tumambad kina DPWH Secretary Vince Dizon at San Juan Mayor Fancy Zamora sa kanilang joint inspection sa San Venancho, Barangay San Perfecto, isa sa pinakabahaing lugar sa lungsod ng San Juan.
18:13Bukod sa basura, matagal na rin palang naaharangan ng mga bahay ang ibabaw ng drainage.
18:20Kaya pag umuulan, instant baha.
18:23Diret-diretso dapat yun, papuntang San Juan River.
18:28If manalo, papuntang San Juan River.
18:32Pero hindi dadaloy ng maayos yung tubig kung hindi natin magiginis.
18:36Ang problema, hindi natin magiginis kung hindi tayo magigiba ng mga structure na nakapatong sa daluyan ng tubig.
18:44Kaya kanina, giniba ang mga nakatirik na bahay sa major drainage line ng San Venancho.
18:54Voluntary namang lumikas ang walong pamilyang nakatira dito, kabilang ang tirahan ng 57 anyos na si Margie.
19:02Since birth po, kasi dyan na po talaga ang bahay namin.
19:05Kaya po, parang nalulungkot po ako.
19:07Para po masalusyonan po yung pagbaha dito, nagvoluntary nilang po kami na umalis po.
19:13Pero binigyan naman po kami ni Mayor ng pabahay po na titiran po naman sa samantala po.
19:20Ang pansamantalang matutuluyan, di kalayuan sa kanilang lugar at matitiran nila ng libre
19:26habang inaantay ang kanilang permanenteng malilipatan.
19:29Hindi ko magagawa yan kung wala namang option for relocation within the city.
19:34Ngunit dahil nandito lang po ang relocation nila, madali lang.
19:38Target ng DPWH na gawin ang kaparehang hakbang sa iba pang bahaing lugar sa bansa
19:43bago magtagulan muli sa susunod na taon.
19:47Itong nakikita nyo ngayon dito sa San Juan, ganito sa halos lahat ng mga major drainagees natin sa Metro Manila.
19:54So, isa sa mga rason kung bakit mabilis tayo nagbabaha ngayon.
19:59Kailangan gawin ito tuloy-tuloy. May magakita yung waste problem sa Metro Manila na kailangan din ma-address.
20:07Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida, Nakatutok, 24 Oras.
20:14Pinagigiba ng DPWH at Lokal na Pamahalaan ng San Juan ang mga bahay na itinayo sa ibabaw ng isang drainage.
20:22Dahil sa gabal sa dapat sanay, daluyan ang tubig.
20:25Balak din niyang gawin ng kagawaran sa ibang lugar para tugunan ang problema sa baha.
20:30Nakatutok si Oscar Oida.
20:31Mula sa may git-aleng na talampakan, naging halos dalawang talampakan na lang ang lalim ng imburnal na ito,
20:43bunsod na mga bumarang basura at puti.
20:45Yan ang tumambad kina DPWH Sekretary Vince Dizon at San Juan Mayor Fancy Zamora
20:51sa kanilang joint inspection sa San Venancho, Barangay San Perfecto,
20:56isa sa pinakabahaing lugar sa lungsod ng San Juan.
21:00Bukod sa basura, matagal na rin palang naharangan ng mga bahay ang ibabaw ng drainage.
21:06Kaya pag umuulan, instant baha.
21:10Diret-diretso dapat yun, papuntang San Juan River.
21:15If manalo, papuntang San Juan River.
21:18Pero hindi dadaloy ng maayos yung tubig kung hindi natin magiginis.
21:23Ang problema, hindi natin magiginis kung hindi tayo magigiba ng mga structure na nakapatong sa daluyan ng tubig.
21:31Kaya kanina, giniba ang mga nakatirik na bahay sa major drainage line ng San Venancho.
21:41Voluntary namang lumikas ang walong pamilyang nakatira dito,
21:45kabilang ang tirahan ng 57 anyos na si Margie.
21:49Since birth po, kasi dyan na po talaga ang bahay namin.
21:51Kaya po, parang nalilungkot po ako.
21:53Para po masolusyonan po yung pagbaha dito,
21:56nag-voluntary nilang po kami na umalis po para.
21:59Pero binigyan naman po kami ni Mayor ng pabahay po na titiran po naman sa mantala po.
22:06Ang pansamantalang matutuluyan, di kalayuan sa kanilang lugar at matitiran nila ng libre
22:12habang inaantay ang kanilang permanenteng malilipatan.
22:16Hindi ko magagawa yan kung wala namang option for relocation within the city.
22:21Ngunit dahil nandito lang po ang relocation nila, madali lang.
22:24Target ng DPWH na gawin ang kaparehang hakbang sa iba pang bahaing lugar sa bansa
22:30bago magtagulan muli sa susunod na taon.
22:34Itong nakikita nyo ngayon dito sa San Juan,
22:37ganito sa halos lahat ng mga major drainages natin sa Metro Manila.
22:41So, isa sa mga rason kung bakit mabilis tayo nagbabaha ngayon
22:46at kailangan gawin ito tuloy-tuloy.
22:48May magakita yung waste problem sa Metro Manila na kailangan din ma-address.
22:54Para sa GMA Integrated News, Oscar Oyda, Nakatutok, 24 Oras.
23:00Anim na barko ng China ang namataan sa Bajo de Masinlok
23:05sa kabila ng madalas na pagpapatrolya doon ng Philippine Coast Guard.
23:10Isang eroplano pa ng PCG ang niradyo challenge ng Chinese Navy Warship
23:16kahit nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa.
23:20Nakatutok si Chino Gaston.
23:25Lumipad sa mababang altitude ang Cessna Caravan Aircraft ng Philippine Coast Guard
23:30para makuhanan ng litrato ang mga China Coast Guard vessels
23:33at Chinese warships sa Bajo de Masinlok.
23:36Ilang beses narinig ang terrain warning mula sa cockpit.
23:39Ibig sabihin, sobrang baba na ang lipad ng eroplano.
23:42Habang umiikot sa bahura, tanaw ang dilaw na boya na nilagay ng China
23:50sa labas ng Bajo de Masinlok.
23:52Sa flight na ito, tatlo na CCG vessels at tatlo na Chinese Navy warships ang nakita.
23:57Nakita rin ang dalawang US warship, isa patungong North Luzon
24:01habang isa naman naglalayag papuntang Katimugan.
24:04Ang Chinese Navy Warship 553 ang unang nagsagawa ng radio challenge sa PCG aircraft
24:09habang papalapit ng Bajo de Masinlok kahit nasa loob pa ng ating 200 nautical mile exclusive economic zone.
24:1750 nautical miles pa lang mula sa dalapasigan ng Zambales ay agad nang nag-challenge itong Chinese warship
24:23dito sa Philippine Coast Guard aircraft na papuntang Bajo de Masinlok.
24:28Ang sagot naman ng ating mga piloto, pinapaalala sa China
24:31na dapat ito tumupad sa mga obligasyon nito sa ilalim ng international law.
24:36Ayon sa Philippine Coast Guard, ang maagang radio challenge ng China, maaring indikasyon na,
24:59Kung sa aircraft, I think this is the first time that we were challenged at a distance of more than 15 nautical miles off the coast of Zambales.
25:08But the Chinese Coast Guard vessels, for a lot of instances, some of them even getting there at 42 nautical miles, chine-challenge na rin tayo.
25:19Pero may epekto ba ang halos araw-araw na paglipad ng Coast Guard sa Bahura at sa ibang parte ng EEZ?
25:25Naninibago kami kasi ang China Coast Guard ngayon, hindi na rin sila nag-re-respond sa radio challenge natin.
25:33Every time we push them farther away sa Zambales.
25:37What is the main reason why the Chinese Coast Guard is not responding anymore?
25:41And they have also dropped yung claim nila na indisputable sovereignty.
25:48They didn't mention itong praise na indisputable sovereignty.
25:51Mula Enero, 15-20 MDA flights ang ginagawa ng Philippine Coast Guard kada buwan sa EEZ ng bansa.
26:00Para sa GMA Integrated News, chino gasto na katutok, 24 oras.
26:04Good evening mga kapuso!
26:10Definitely a night to remember ang fiesta sa Bugayon, Pangasinan na napuno ng saya at tawanan dahil sa kapuso at sparkle stars na all-out sa kanilang performances.
26:20May report si Cindy Salvaso ng GMA Regional TV.
26:23Damang-dama ang sigla at pagkakaisa ng mga bugalyon yan sa week-long celebration ng kanilang 105th Patronal and Town Fiesta.
26:40Nagpasiklaba ng iba't-ibang paaralan sa ginanap na drum and lar competition.
26:43Pagsapit ng gabi, isang time-team na prosesyon para kay St. Andrew the Apostle na siyang patron ng bayan.
26:54Dinarohan ito ng daan-daang deboto.
26:58Kasunod nito ang pag-arangkada ng GMA Regional TV Kapuso Fiesta na bumuno ng libu-libong bisita sa municipal auditorium.
27:05Simula pa lang, nang ibabaw na ang halakhakan sa venue ng makipagpulitan si Kapuso Comedian Pepita Curtis na host ng palabas.
27:16Naghandog ng back-to-back song numbers si Kapuso singers Chloe Redondo
27:19at The Clash 2023 Grand Champion John Rex.
27:26Nakaka-inlove na witin ang hatid naman ni sparkle artist Rahil Bitya na isa sa mga aabangan sa upcoming Kapuso series na Never Say Die.
27:35Full force naman sa pagpapasaya ang magkakapatid na Cruz mula sa GMA Afternoon Prime series na Cruz vs. Cruz.
27:44Sumabay ang crowd sa awitin ni na Elijah Alejo,
27:48Lexi Gonzalez,
27:49at Christopher Martin.
27:54Kami mga sumisigaw talaga ng,
27:55Ande, ano na ang mangyayari? May mga ganon. Talagang nakakatuwa.
27:59And syempre, masaya kami na celebrate namin yung fiesta ninyo.
28:03Talagang naramdam mo na kasoporta talaga siya.
28:05Nagpakilig naman sa fan si Bubble Gang cast member EA Guzman.
28:12Talaga yung gusto ko eh, ito yung nagpapasaya ng tao.
28:15So, sana naging masaya at marami kinilig yung mga taga-bugal yun.
28:21Pinaka-inabangan naman si Kapuso actress Carla Abeliana na may baong sweet performance.
28:26Grabe sila po malakpak, magsigawan.
28:32Mataas yung energy nila kahit very late na paghuli na ako na nag-perform.
28:35Nakakatuwa kasi ano pa rin sila, very lively pa din.
28:39Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, Sandy Salvasio, Nakatutok, 24 Horas.
Comments