00:00Magandang umaga, Pilipinas! Narito ang latest sa lagay po ng ating panahon.
00:05Magiging maulan at malamig ang kondisyon ng panahon sa malaking bahagi ng Northern Luzon sa araw na ito
00:11dahil muling umiiral po doon ang Amihan o Northeast Monsoon.
00:15Samantala, sa southern portion ng Minanaw ay apektado pa rin ho yan ng Intertropical Convergence Zone o ITCC.
00:22Ito pong dalawang weather system na ito, ang ITCC at ang Northeast Monsoon,
00:26kasama na ang localized thunderstorms ay ang mga weather systems na pwede pong magdulot ng mga pagulan sa araw na ito sa malaking bahagi ng ating bansa.
00:35Yung mga localized thunderstorms, pwede po yung magdulot ng mga dagliang pagbuhos ng ulan anytime of the day sa natitarang bahagi pa ng ating bansa.
00:44Samantala, update naman dito sa LPA na minomonitor po natin malapit sa ating area of responsibility.
00:50Huling nakita yan sa layong 1,210 kilometers silangan ho yan ng South Eastern Luzon.
00:57So ngayon ay nasa labas pa nga po ito ng par at inaasahan natin papasok ito ng ating area of responsibility ngayong araw din ho.
01:05At nananatiling mataas ang tsansa na mabuo ito bilang isang bagyo within the next 24 hours.
01:12So kung ito po ay pumasok ng par at maging bagyo, ay bibigyan po natin ito ng local name na si Bagyong Wilma.
01:18Sa ating inisyal na datos at analysis, nananatiling mataas po yung tsansa ng landfall senaryo o mataas ang tsansa na mag-landfall po ito dito sa Eastern Visayas
01:30o kaya naman sa Caraga Region by Saturday or Sunday.
01:34So ibig sabihin, inaasahan natin makakaapekto itong weather system na ito sa malaking bahagi ng Visayas at ilang bahagi ng Mindanao, especially ho by weekend.
01:44And based na rin sa ating projection kung hindi po ito magbago, may posibilidad pong mag-race na po tayo ng signal o Tropical Cycle Wind Signal No. 1
01:54dito sa Eastern Visayas o kaya naman sa Caraga Region as early as Thursday.
01:58Kaya mag-antabay po tayo sa maging update ng pag-asa ukol dito sa weather disturbance
02:03dahil atin pong advice sa ating mga kababayan na kailangan pong magbantay sa maging update
02:08dahil mataas pa naman pong uncertainty nitong weather system na ito, lalo na ito'y LTE pa lamang at may kalayuan pa po sa ating bansa.
02:17So sa pagtaya po ng ating panahon, magiging maulan ang ating papawurin at mataas po yung chance ng mga pagulan na panahon dito
02:27sa Ilocos Norte, sa Apayaw, maging sa Cagayan Valley Region, halos buong Cagayan Valley Region kasama na ang Kalinga, Apayaw at Aurora Province.
02:38Yan po ay epekto ng Northeast Monsuno, Amihan.
02:42Sa natitirang bahagi naman ng Northern Luzon at natitirang bahagi ng Central Luzon,
02:48inaasahan natin ang mga isolated o pulupulong mahihinang pagbuhos ng ulan naman dahil pa rin sa epekto ng Amihan.
02:56Para dito sa Metro Manila at natitirang bahagi ng ating bansa,
02:59maaliwalas naman ang panahon ang inaasahan natin sa maghapon pero hindi pa rin natin inaalis
03:04ang chance po ng mga paminsan-minsan at mga isolated na pagbuhos ng ulan dahil sa mga localized thunderstorms.
03:12Para sa pag-tahin ng ating temperatura sa Metro Manila, 23 to 32 degrees Celsius.
03:17Sa Baguio ay 17 to 24 degrees Celsius.
03:21Sa Lawag ay 24 to 31 degrees Celsius.
03:23Gayun din sa Tugue-Garaw City, 24 to 32 degrees Celsius naman po sa Legazpi City
03:28habang malamig pa rin sa Tagaytay from 23 to 30 degrees Celsius.
03:34Samantala, para sa pag-tahin ng ating panahon,
03:38dito po sa southern portion ng Mindanao,
03:41particular sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi,
03:44asahan pa rin natin ang maulang panahon doon
03:46dahil sa epekto ng Inter-Tropical Convergence Zone.
03:49Habang sa natitirang bahagi ng Mindanao,
03:52sa buong kapisayaan,
03:54ay naasahan din natin ng improved weather sa araw na ito,
03:57maaliwalas ang magiging papawarin,
03:58may chance na lamang ng mga localized thunderstorms.
04:01Sa Tacloban, 26 to 31 degrees Celsius ang magiging agwat ng ating temperatura.
04:07Sa Iloilo ay 26 to 32 degrees Celsius.
04:09Sa Cebu naman ay 27 to 31 degrees Celsius.
04:12Sa Cagandioro ay 25 to 31 degrees Celsius.
04:15Habang sa Davao ay 25 to 32 degrees Celsius.
04:19Sa Sambuanga naman ay 25 to 33 degrees Celsius.
04:22Habang sa Puerto Princesa ay 24 to 33 degrees Celsius.
04:26Sa Calayan Islands ay 25 to 32 degrees Celsius naman
04:30ang inaasahan ang magiging agwat ng temperatura.
04:34Meron po tayong gale warning ngayon dito sa Batanes.
04:37Epekto po yan ng bugso o pagbugso po ngayon
04:40ng Amihan o Northeast Monsoon.
04:42Kaya sa ating mga kababayang manging isa doon
04:44na gumagamit po ng maliliit na sasakyang bandag
04:46at hindi po muna natin ina-advise
04:48na pumalaot sa araw na ito
04:50dahil magiging delikado pa rin ang kondisyon ng karagatan doon
04:53dahil sa malakas na alon o mataas na alon
04:56tulot ng bugso ng Northeast Monsoon.
04:59At sa mga susunod na araw
05:01ay asahan natin magdadagdag pa tayo ng mga lugar
05:04kung saan ay itataas po natin ang ating gale warning
05:07dahil nga nakikita po natin yung progresyo ng Amihan
05:11ay makakaapekto po talaga sa halos buong Northern Luzon
05:14at ilang bahagi ng Central Luzon sa mga susunod na araw.
05:18Ang sunrise natin for today is 6, 6 in the morning
05:21at mamaya ay lulubog ang araw sa ganap na alas 5, 25 ng hapon.
Be the first to comment