Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kinontra ng Office of the Solicitor General ang hiling ni Sen. Bato de la Rosa na temporary restraining order
00:06mula sa Supreme Court para pigilin ang sinasabing arrest warrant ng International Criminal Court laban sa kanya.
00:13Sa komento nito sa korte, sinabi ng OSG na hindi raw nakapagpakita si de la Rosa ng aktual na kaso o kontrobersya
00:20at hindi rin umano nito natukoy ang anumang legal question na maaring aksyonan ng korte.
00:26Hypothetical lamang daw ang issue at inuunakan lamang daw nito ang gobyerno para hindi siya maaresto.
00:32Simula nang lumabas ang ugong na may ICC arrest warrant laban sa Senador,
00:36hindi na dumalo sa mga sesyon ng Senado si de la Rosa.
00:40Sa mga bumabatikos kay de la Rosa, sinabi ni Sen. President Tito Soto na maaari silang maghain ng ethics complaint sa Senado.
00:47Pagay naman ni Sen. Ping Lakson kay de la Rosa, kung wala itong balak sumuko, galingan na lamang raw ang pagtatago.
00:53Samantala, nag-aing din ang OSG ng manifestation para muling irepresenta sa korte ang mga opisyal ng gobyerno na inareklamo kaugay ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:05Ang OSG ay pinamumunuan ngayon ni Solicitor General Darlene Berberabe.
01:10Matatandaang sa ilalim noon ni dating Solicitor General Menardo Guevara.
01:14Inanggyan ng OSG na maging abogado ng mga opisyal ng gobyerno sa paniwalang wala jurisdiction ang ICC sa Pilipinas.
01:22Sa isang pahayag, sinabi ng abogado ni Duterte de la Rosa na hindi dapat pabago-bago ang posisyon ng OSG depende saan niya ay political weather.
Comments

Recommended