Skip to playerSkip to main content
Pinuna ng Commission on Audit sa 2024 audit nito sa Office of the Vice President ang kulang na dokumentasyon sa ilang gastos at 'di nasuring mga proposal para sa mga negosyong binigyan nito ng puhunan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinunan ang Commission on Audit sa 2024 audit nito sa Office of the Vice President
00:05ang kulang na dokumentasyon sa ilang gastos at hindi nasuring mga proposal
00:09para sa mga negosyong binigyan nito ng puhunan.
00:13Nakatutok si Marisol Abduraman.
00:18Nakungan natin ang unqualified opinion mula sa Commission on Audit,
00:24ang highest audit rating.
00:26Ito ay malinaw na indikasyon ng ating transparency at fiscal integrity.
00:33Ito ang ipinagmalaki ni Vice President Sara Duterte sa kanyang year-end report para sa 2025.
00:39Ibinida ng BCM accomplishment ng kanyang mga programa,
00:43kabilang ang Medical and Burial Assistance, Disaster Relief, REST Program,
00:47Magnegosyo to the Death Program at iba pang programa ng OVP.
00:50Hindi kami pumayag na maging dahilan ng kakulangan ng budget para maputol ang serbisyo.
00:56Sa halip, nakipagtulungan kami sa ibang ahensya ng gobyerno
01:00at nagtagumpay na makakuha ng alternatibong pondo.
01:04Sinabi niya ng BCM, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng plano at iba pa,
01:09gayon din ang paglaban sa korupsyon para umunlad ang bayan.
01:13Patuloy namin na ipapakita sa inyo na ang tanggapan ng pangalawang Pangulo
01:18ay mahalaga sa amin ang pagkakaroon ng plano,
01:22mahusay na implementasyon ng proyekto,
01:25paglaban sa korupsyon at tapang at malasakit
01:29para magkaroon ng kapayapaan at kaularan sa ating bayan.
01:33Sa COA audit sa Office of the Vice President para sa taong 2024,
01:38nakalagay nga na nagbigay ng unmodified opinion ng COA
01:41sa presentasyon ng financial statement ng OVP.
01:45Dati nang sinabi ng COA na ang ibig sabihin nito
01:47na sunod ang lahat ng alituntunin sa paghahanda ng financial statements.
01:52Pero nilinaw ng COA na ang audit opinion ay hindi dapat itulong na rating,
01:57score o grado na may lowest to highest.
02:00May mga pinunangangang ang COA sa 2024 audit report sa OVP.
02:05Isa na rito ang mababang fund utilization o paggamit ng pondo ng OVP.
02:09Mula daw kasi sa mahigit 89% na utilization rate noong 2022,
02:14bumaba ito sa mahigit 85% noong 2023,
02:17at lalo pang bumaba sa mahigit 73% noong nakaraang taon.
02:22Sa mahigit 2 billion pesos kasi na pondong pwede nilang gastusin,
02:25mahigit 1.5 billion lang ang nagamit noong 2024.
02:29Sabi sa ulat ng COA,
02:31dahil daw dito, maaaring maapektuhan
02:33ang epektibong paghahati ng programa at servisyon ng OVP.
02:36Sumang-ayo naman daw ang OVP sa rekomendasyon ng COA
02:40na ayusin ang pangplano at pagpapatupad ng kanilang budget.
02:44May kakulangan din daw sa dokumentasyon ng distribution ng mga welfare goods
02:48na nagkakahalaga ng mahigit 110 million pesos.
02:52Hindi daw kasi nagsumitin ang verifikadong master list
02:54ng mga beneficiaryo, situation reports at mission order.
02:58Ang situation report ay patunay na may nangyaring sakuna o kalamidad
03:02na basihan para naman sa mission order,
03:04habang ang master list ay basihan para sa paghahanda
03:08kung gaano karami ang mga welfare goods na ipamamahagi.
03:12Ayon sa COA,
03:13pumayag naman ng OVP na i-review ang kanilang policy manual
03:16para matiyak ang pagsusumite ng kompletong dokumentasyon.
03:20Pino na rin ng COA,
03:21ang anilay kakulangan ng malinaw na alintuntunin
03:24at proseso sa pagtanggap ng mga donations in kind,
03:27inventory management at pagsusumite ng mga report ukol dito.
03:31Sabi ng COA, sumang-ayon din ang OVP na rabisahin ang mga alintuntunin
03:36upang makasunod sa accounting rules and regulations.
03:39Sinita rin ng COA ang magnegosyo taday o MTD program ng OVP,
03:44layo ng MTD na mabigay ng cash grant upang magbigay ng puhunan sa negosyo
03:48sa mga kababaihan, kabataan, mga miyembre ng LGBTQ+, at iba pang sektor.
03:54Sabi ng COA, hindi raw nasuri ng DCI at PDIC ang feasibility at viability
03:59ng project proposals ng halos 140 na beneficiaries
04:03na nakakuha ng kabuang mahigit 3.4 milyon pesos na pondo.
04:08Hindi rin daw nila binisita para imonitor ang karamihan sa mga beneficaryo.
04:12Nangako naman daw ang OVP na kanilang aayusin ang sistema
04:16ng pagsusuri sa project proposals pati na ang pagbisita sa mga beneficaryo.
04:20Sinisikap naming makuha ang panig ng OVP sa mga obserbasyon ng COA.
04:26Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, Nakatuto 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended