Skip to playerSkip to main content
Naghain ng not guilty plea sa kasong 'malversation of public funds' ang siyam na akusado kaugnay ng maanomalya umanong proyekto kontra-baha sa Oriental Mindoro. Not guilty plea rin ang inihain ng maintenance division chief ng DPWH MIMAROPA para naman sa kasong graft.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagain ng not guilty plea sa kasong malversation of public funds
00:04ang siyam na akusado o kaugnay ng maanumalya umanong proyekto kontrabaha sa Oriental Mindoro.
00:10Not guilty plea rin ang inihain ng Maintenance Division Chief ng DPWH Mimaropa
00:15para naman sa kasong graft.
00:17Nakatutok si Maki Pulido.
00:22Sa akusasyong malversation of public funds,
00:25not guilty ang inihain plea ng siyam na mga dating opisyal ng DPWH Mimaropa
00:30sa Sandigan Bayan 6th Division.
00:32Ang aligasyon,
00:33pinekay umano ng mga akusado ang mga disbursement voucher
00:37na nagkakahalaga ng higit 200 milyon pesos.
00:40Ito ay para makakolekta umano ang construction company na Sunwest Inc.
00:44para sa isang substandard na flood control project sa Nauhan Oriental Mindoro.
00:49Beneficial owner ng Sunwest Inc.
00:51ang tawag kay dating representative Zaldico na kapwa akusado sa kaso.
00:55Non-bailable ang kinakaharap nilang kasong malversation
00:58dahil lagpas sa 8.8 milyon pesos ang umano'y nalustay na pera ng gobyerno.
01:04Pero ayon sa ilang mga abogado na mga akusado,
01:07naghain na sila ng petition for bail
01:09dahil mahina ang ebedensya laban sa kanilang mga kliyente.
01:12Tututula naman daw ito ng prosekusyon
01:14dahil matibay ang hawak nilang ebedensya.
01:17May tatakda lang ang bail hearing sa loob ng 30 araw
01:20matapos ang pre-trial na nakaschedule sa December 11.
01:24Sa oras na may schedule na ang bail hearing,
01:27inaasahang tatapusin ito sa loob ng isang buwan.
01:30Ayon sa korte, binibilisan nilang proseso
01:32dahil inaasahan nilang may iba pang isasampang mga kaso
01:35kaugnay ng mga diumunoy anomalya sa flood control projects.
01:39Gayunpaman, maaaring magkaroon ng mga pagbabago sa court schedule
01:42depende sa magiging resolusyon sa musyong
01:45pag-isahin sa isang korte ang lahat ng mga kaso.
01:48Sa ngayon, tatlong division ng Sandigan Bayan
01:51ang humahawak sa dalawang kaso ng graft
01:53at isang malversation.
01:55Kaninang umaga, binasahan na rin
01:57ang sakdal ng Sandigan Bayan 5th Division
01:59si Juliet Calvo sa kasong graft.
02:01Nag-ha-in din siya ng not guilty plea.
02:05Si Calvo ang dating maintenance division chief
02:07ng DPWH Mimaropa.
02:09Hanggang sa ngayon,
02:10tanging mga dating opisyal pa lamang
02:12ng DPWH Mimaropa
02:13ang naihaharap sa Sandigan Bayan.
02:15Hindi pa rin naaaresto ang mga kapwa nila
02:17akusadong si Zaldico
02:19at mga opisyal ng SunWest Inc.
02:21Para sa GMA Integrated News,
02:23Mackie Pulido Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended