00:00May maagang pamasko si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang sundalong na bulag matapos tamaan ng bomba sa isang madugong operasyon noong March 2, 2016.
00:12Huling araw na sana ni Captain Jerome Hakuba bilang isang sundalo nitong November 30, 2025,
00:18pero pinigilan ni Pangulong Marcos Jr. ang pagkaka-terminate sa serbisyo ni Captain Hakuba o ni Captain Blime.
00:26Pinatunayan ni Hakuba na hindi hadlang ang kanyang kapansanan upang maging produktibo at magiting na lingkod bayan.
00:34Kahit wala ng paningin, sumailalim siya sa mga libreng training ng TESDA.
00:39Nag-training sa paggamit ng computer, natutunan din ni Hakuba ang pagtatanim at pag-aalaga ng hayop.
00:47Ipinagkatiwala sa kanya ang proyektong Kapagdaka ng Department of National Defense.
00:52Naging founder din siya ng Wounded Soldiers Agriculture Cooperative na tumutulong sa mga sundalong may kapansanan na magnegosyo at maging matatag sa hamon ng buhay.
01:04Bukod sa mga nabanggit, naging best military officer din si Hakuba noong taong 2020.
01:10Sa video message ni Pangulong Marcos Jr., sinabi niyang hindi tama na basta na lamang alisin ang obisyal sa serbisyo matapos itaya ang buhay sa pagtatanggol sa bansa.
01:23Ito ay isang opisyal na itinaya na nga niya ang buhay niya para sa duty na para ipagtanggol ang Pilipinas.
01:34At dahil sa ganyan, ay basta't bibitawan na lang natin, ay hindi naman yata makatarungan yan.
01:41Kaya binigyan ko ng instruction ang ating chief of staff na isuspindi na yung CDD ng ni Captain Hakuba.
01:51Bukod pa doon, ay dapat ibigyan siya ng promotion dahil sa katapangan niya at gawin na siyang major.
01:57Gagawa po tayo ng bagong pulisiya sa CDD sa lalong madaling panahon.
02:03Dapat naman, ay patuloy din ang ating pagkilala sa kanilang katapangan at sa kanilang sakripisyo.
Be the first to comment