Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Posible na ipasubastang nasa 30 luxury vehicle na in-impound ng LTO dahil paso na o wala umanong rehistro.
00:07Iyan po ay kung hindi maayos ng mga may-ari ng sasakyan ang mga papeles bago ang itinakdang deadline.
00:14Saksi si Dano Tingcungco.
00:19Mula biyernes hanggang kahapon, hindi na bababa sa 30 luxury vehicle ang in-impound ng Land Transportation Office.
00:26Lahat ng ito, ayon sa LTO, wala o paso na ang rehistro.
00:31Tatlo sa bawat sampu naman ang nahulihan ng walang lisensya ang nagmamaneho.
00:36Magtataka kayo, ang mahal-mahal na sasakyan, walang rehistro.
00:41Pangalawa, walang driver's license ang karamihan.
00:45Kaya po talagang ini-impound.
00:48Dahil impoundable offense ang pagmamaneho ng sasakyan paso ang rehistro,
00:52walang ibang sunod na hakbang ang mga may-ari ng mga sasakyan kundi ayusin sa LTO
00:57ang mga papeles ng kanila mga sasakyan bago mabawi ito.
01:01Wala namang sasakyan pag-aari ng politiko o celebrity sa mga hinuli nitong weekend.
01:06Puro pribadong individual ito, kabilang ang isang minamaneho ng isang Chinese at isang dala ng isang Estonian.
01:12Tatlo naman sa mga nahuli ang isinasa ilalim sa mas masusim verifikasyon para malaman kung smuggled o hindi.
01:19Lahat po ito unregistered at karamihan po dito wala po silang daladalang kopya ng papel nila ng sasakyan.
01:26May gadget kami, computer kami dala so alam namin ho eh.
01:31Pala isipin daw sa LTO ang dami ng mga nahuhuling luxury vehicle na wala o paso na ang rehistro.
01:37Nilinaw din ang LTO na wala silang espesyal na operasyon laban sa mga luxury vehicle.
01:42Bahagi lang anila ito ng regular nilang operasyon.
01:45Pero hindi maikakailang kumpara ngayon maraming enforcer ang ilang sa mga mamahaling sasakyan
01:51dahil sa posibilidad na makasita ng politiko.
01:54Dati, hindi ekstriktong nai-enforce yung batas.
02:00Takot sila na tanungin kasi minsan mga, siyempre may mga kilalang tao.
02:07Iba yung pag maparamol luxury vehicle, minsan politiko o minsan mataas ang katungkulan sa gobyerno,
02:15nai-intimidate lahat.
02:17Kaya sinimulan ko yung paghuli eh.
02:19Para mabawi ng mga may-ari ang kanila mga sasakyan,
02:21kailangan nilang ayusin ang rehistro at bayaran muna mga karampatang multa sa LTO na 10,000 piso pataas.
02:28Kung hindi mapatunayan ng magpapakilalang may-ari na kanila ang sasakyan,
02:44hahanapin ng LTO ang may-ari sa loob ng nakatakdang panahon.
02:47Kung lumagpas sa deadline, ay posibleng ipasubasta ang sasakyan.
02:52Para sa GMA Integrated News, ako si Dan at Ingkoon ko ang inyong saksi.
02:55Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:00Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended