00:00Mapapanood na sa live stream simula ngayong linggo ang mga pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure sa flood control issue.
00:07Sabi ng ICI, babalansihin nila ang karapatan ng publiko na malaman ang updates sa investigasyon at ang karapatan ng mga ineimbestigahan.
00:15Ngayon ang balita si Joseph Morong.
00:20Pagkatapos ng isang buwan, matapos unang i-anunsyo ng ilalive stream mga pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure o ICI,
00:28mangyayari na daw ito sa kanilang social media page ngayong linggo ayon sa ICI.
00:34We've set up the system, we've done our testing already and it's gonna be available in YouTube.
00:42Pero hindi malinaw kung ano nga ba ang talagang mapapanood ng publiko
00:46dahil ang lahat ng apat na kongresistang ipinatawag ng ICI ngayong linggo humingi ng Executive Session.
00:53Sabi ng ICI, pagbibigyan nila ang hiling ng Executive Session kung ang idadahilan
00:57ay pasok sa kanilang guidelines.
00:59Gusto namin i-balance yung karapatan ng tao, taong bayan on information at the same time
01:08the individual rights of our resource persons at kung sino man yung kanilang mamimension
01:14o madadawid sa kanilang testimony.
01:17So we were very careful about that.
01:20Base sa panuntunan ng Korte Suprema, ilan sa mga maaring hindi isa publiko na mga impormasyon
01:26ay mga may kinalaman sa National Defense or Security kung mailalagay sa alanganin ng siguridad
01:32ng isang individual, mga privileged information o posible itong lumabag sa right to privacy.
01:38Ito ang unang balita, Joseph Morong para sa GMA Integrated News.
Comments