Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Action!
00:01Arrestado sa Marikina ang isang lalaking nagnakaw ng cellphone sa isang photocopying service shop sa Marikina.
00:08Nahulikam din ang pagtangay niya sa isa pang cellphone sa ibang tindahan.
00:12Aminado sa mga krimen ang suspect.
00:13May una balita si Bea Pinlak.
00:19Sa unang tingin, tila namimili lang ang lalaking yan sa isang tindahan sa Marikina.
00:24Pero maya-maya, habang abala ang tindera, tinangay ng lalaki ang cellphone na naiwan sa mesa at saka binulsa.
00:33Napagalamang hindi pala yan ang unang beses na nanalisi ang lalaki sa mga tindahan sa Marikina, ayon sa pulisya.
00:40Marami na po siyang naging biktima.
00:42Nililin lang niya muna yung kanyang magiging biktima.
00:44Nagpapanggap siyang isang customer na may bibilihan.
00:47Pag nakalingat po yung nagtitinda, ay saka naman niya dudukutin yung kanilang cellphone or kung anumang bagay.
00:52Pero more on, cellphone po yung kanyang kinukuha po.
00:56Naaresto na mga nagpapatrolyang polis ang 51-anyos na suspect kahapon.
01:01Matapos niyang manalisi ulit sa isang photocopying service sa barangay Concepcion 1.
01:06Nung kukunin na po sana nung victim, yung bandpaper na bibilihin po nung suspect,
01:11ay kanya pong sinunggaban yung mismong hawak-hawak na cellphone po nung ating biktima.
01:16At siya po'y agarang umalis.
01:18Nasa 6,000 piso ang halaga ng tinangay niyang cellphone.
01:21Base sa investigasyon, dumarayo mula ang tipolong suspect para magnakaw.
01:26Aminado siya sa krimen.
01:28Patong-patong na reklamong theft ang isasang palaban sa suspect.
01:50Paalala naman ang polisya sa publiko, mas maging alerto, lalo na ngayong Bermons.
01:57I-secure po nila yung kanilang mga gamit at hanggat maaari po,
02:01huwag po silang magdala ng mga mamahaling bagay na talagang takaw-tingin sa mga kawatan.
02:06Dapat, huwag din po tayong mangampante.
02:08Ito ang unang balita.
02:10Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.
02:14Gusto mo bang mauna sa mga balita?
02:17Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended