Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

šŸ—ž
News
Transcript
00:00Puganti na ang turing ng Department of Justice kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque matapos kanselahin ang kanyang passport.
00:07Sabi naman ni Roque, hindi siya pwedeng arestuhin dahil kumihiling pa siya ng political asylum sa The Netherlands.
00:14Balita ng atin ni Joseph Moro.
00:18Sa pananaw ng Department of Justice, may tuturing ng fugitive o puganti si dating Presidential Spokesman Harry Roque.
00:25Isa si Roque sa mga naharap sa kasang qualified human trafficking, kaugnay sa Pogo na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.
00:34Hiniling na ng gobyerno na mailagay sa Interpol Red Notice si Roque para sa pag-aresto rito.
00:39Sinapubliko ang utos ng Pasig RTC Branch 157 na kanselahin ang kanyang passport.
00:45Sa Facebook Live ni Roque,
00:46Meron pa po akong 15 araw para mag-file ng motion for reconsideration at nagpa-file po ako ng motion for reconsideration.
00:53Dagdag ni Roque, hindi siya pwedeng arestuhin dahil nag-a-apply siya ng political asylum sa The Netherlands.
00:59Ang paghingi po na asylum ay karapatang pantao.
01:01That is a justifiable means po of why I am away from jurisdiction of the Philippines.
01:08Wala pong ebidensya na ako'y nag-recruit na kahit sino para pagsamantalahan ang kanilang trabaho.
01:14Pero sa anunsyo ng DFA, kinansel na na.
01:16Ang passport ni Roque, kinatawan ng Lucky South 99 na si Cassandra Ong at tatlong iba pa.
01:22Our understanding of the passport law is that if there's a court order declaring the passport holder as a fugitive,
01:28the DFA can take action and implement the order.
01:30Itinanggirin ni Roque ang mga lumabas na ulat na inaresto siya sa The Netherlands.
01:35Sabi ni Roque, may flight siya ang patungo sa Vienna, Austria.
01:38Nang tanungin kung posible nga ba makabiyahe si Roque dahil kanselado na ang passport nito,
01:43sabi ng DOJ hindi raw ito posible kung wala siyang valid passport.
01:48At pwede siyang hulihin ng immigration authorities at maaring madetain ang anumang bansa kung gawin niya ito.
01:54Ang DILG wala rin natanggap na opisyal na komunikasyon na kumukumpirma sa pag-aresto kay Roque.
02:00Tingin ang DOJ walang basihan ang paghingi niya ng asylum.
02:03At the end of the day, he has to demonstrate and establish to the authorities na he is being persecuted here.
02:13There is no persecution but he is evading prosecution.
02:16Ayon sa DOJ, nag-alok sila ng isang milyong pisong pabuya para sa impormasyong makatutulong upang ma-aresto si Cassandra Ong.
02:24We confirmed that we're having difficulty, precisely, diba?
02:28The reward is basically crowdsourcing ito.
02:31With the current information we have, we don't have enough.
02:34Batid naman po natin sa nakalipas may kakayanan na umikot, malaw, makalabas at pumasok ng Pilipinas na hindi natutukoy.
02:47Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission of PAOK, huling natrack si Ong sa Japan sa unong bahagi ng taon.
02:54Nasa red notice na rin umano ng Interpol si Ong, nangangahulong ang tutulong ito sa pag-aresto sa kanya.
03:01Pero sabi ng DOJ, walang record na lumabas si Ong sa bansa.
03:04Baka nag-backdoor. Isa po siya talaga dun sa principal. Isa siya dun sa may malalim na kaalaman sa kasong nangyari.
03:16Diba? At tulad ng sinabi ko, kaya rin tayo nag-offer ng reward, kulang pa ang aming impormasyon.
03:25Sa isang pahayag, sinabi ng abogado ni Ong na diversionary tactic umano ang hakbang ng DOJ.
03:31Joseph Morong nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:35Sa update, i-dating presidential spokesperson Harry Roque, hindi siya natuloy papuntang Vienna, Austria dahil sa kanyang medical condition.
03:44Ayon kay Roque, sumailalim siya sa dalawang operasyon, kaya binigyan siya ng kanyang mga doktor ng medical certificate na siya ay unfit to fly.
03:51Pero naglabas daw ng fit to fly certificate ang Immigration Office ng The Netherlands para siya ay matuloy pa Austria.
03:57Dahil gobyerno raw ang nag-issue nito, tumuloy siya sa kanyang fly.
04:01Nakasakay raw siya ng aeroplano pero bago pa man ito lumipad, ay sinuri ang kanyang medical passport at doon nakita na siya ay unfit to fly.
04:09Pinababa raw si Roque at hindi natuloy sa kanyang biyahe.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended