00:00Bumalo na sa mahigit 10,000 naitalangkaso ng dengue sa Quezon City hanggang November 20 ngayong taon.
00:06Kabilang dyan ang 44 na nasawi.
00:10May unang balita si Darlene Kai.
00:15Masakit pa rin para kay Gemma ang pagpanaw ng kanyang isang taong gulang na anak na si Princess noong isang buwan dahil sa dengue.
00:22Hindi namin nalamdaman na may sakit talaga siya kasi marakas siya eh.
00:26Kahit pa rin nila sa ospital si Princess, hindi na bumuti ang kanyang lagay.
00:41Na-ospital din itong Setiembre dahil sa dengue ang 10 taong gulang na si Prince.
00:443 days siyang nilalagnat. Tapos ano, sabi ko nadadali na namin sa ospital.
00:51Kasi nangihina na po siya, nanginginig na po yung mga katawan niya.
00:55Tapos sumasakat na yung 20 at saka yung mga paan niya.
00:58Severe o malala na pala ang dengue ni Prince, sabi ng mga doktor.
01:02Bumuti ang pakiramdam niya pagkatapos ng isang linggo sa ospital.
01:06Hindi kaya ng dibdib ko na makita ulit yung ganun na sitwasyon.
01:09Sina Gemma at Prince, taga Barangay Batasan Hills, na ayon sa Quezon City LGU,
01:14ay may pinakamaraming kaso ng dengue sa lungsod ngayong taon.
01:18857 ang nagkasakit sa barangay mula January hanggang November 20.
01:23Apat sa kanila ang namatay.
01:25Sa buong Quezon City, may gitsampung libo ang nagkadengge mula Enero,
01:28kabila ang 44 na nasawi.
01:31Pinakamarami sa mga tinamaan, mga batang edad isa hanggang sampu.
01:34Ang problema sa Batasan Hills, may mga naiipong tubig na pinamumugaran ng mga lamok.
01:40Ang mga ginagawa po namin sa search and destroy,
01:43yung pong mga gulong na nasa bubong na tinatamaan ng tubig ulan,
01:48so yun po ay tinatanggalo namin lahat yun.
01:51So yung mga drampo na nakikita ano namin ng kitikite,
01:55tinotobo namin yun at tina-advise namin sa mga constituent namin.
02:00Susi sa pagsugpo sa dengue ang malinis na paligid at protektadong katawan laban sa kagat ng lamok.
02:05Dapat din magpadoktor agad kapag nakaramdam ng sintomas,
02:08gaya ng lagnat, panghihina, pantal, pagsusuka at pagdurugo ng gilagid.
02:13Sa buong bansa, ayon sa DOH, may pagbaba ng mga kaso ng dengue
02:17bago ang mga linggong na nalasa ang mga bagyong tino at uwan na nagpabaha sa maraming lugar.
02:21Wala pa tayong datos dun sa mismong mga linggo na nakaraan na si tino sa kasi uwan.
02:27Kaya patuloy pa rin tayo nagatatala, wala pa tayong mga reports na nagsitaasan ang ating dengue.
02:34Patuloy pa raw nangangalap ng datos ang DOH at nagbabalang huwag maging kampante
02:39dahil inaasahan pa rin ang mga ulan hanggang matapos ang taon.
02:42Ito ang unang balita, Darlene Cai para sa GMA Integrated News.