Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kinaantabayanan na ang paglipat kay dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo
00:04sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong.
00:07Kasunod po ito ng sentensyang habang buhay na pagkakakulong sa kanya at sa pitong iba pa
00:13para sa kasong qualified trafficking.
00:17Saksi si Marisol Abduramahal.
00:23Matapos ang mahigit isang taon,
00:25hinatulang guilty sa qualified trafficking of persons si Guahuapin
00:29o mas kilala bilang dating Bamban Tarlac City Mayor Alice Guo.
00:33Sinintensyahan siya ng life imprisonment o habang buhay na pagkakabilanggo.
00:38Ang kaso, nagugat ng iraid ng Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOK
00:42ang compound na ito sa Bamban Tarlac noong March 2024
00:46na rescue ang daang-daang Pilipino at mga dayuhan na ayon sa PAOK
00:50sa pilitang pinagtatrabaho sa online scamming at pinaparusahan kapag hindi umabot sa kota.
00:56Ang niraid na Pogo, nasa compound na pagmamayari ng Baofu Land Development Incorporated
01:01base sa dokumentong nakuha ng PAOK.
01:04Pagkaari ito ni Guho.
01:05Ginawa itong commercial land at sigurin daw ang kumuha ng building permit na mga gusali sa loob.
01:12Kasunod nito, naungkat ang pagkataon ni Guho sa mga pagbinig noong na karaang taon.
01:16Lumaki po ako sa car.
01:18Ang tatay ko po ay Chinese at hindi po ako yung nag-prepare po ng birth certificate ko po.
01:24Paulit-ulit niyang iginigit noon na hindi siya spy.
01:27Ako po ay isang Pilipino at lalong-lalo na po hindi pa ako spy.
01:30Naglabas din si Sen. Wengachalian ang dokumento na si Alice Guho ay si Guho Hua Ping
01:36na napatunayang totoo sa pagsusuri ng NBI dahil tugma ang fingerprints ng dalawa.
01:42Umalis ng bansa si Guho at natuntun sa Indonesia.
01:45Kalaunay, naibalitin siya sa Pilipinas para harapin ang mga inihain sa kanyang kaso.
01:51Hanggang sa hatulan na siyang guilty ngayong araw.
01:54Napakabilis po ng Korte binigay sa atin yung probable decision.
01:59First time tayong nag-file ng organizing human trafficking under Section 4L of the Anti-Human Trafficking Law.
02:10So, first time din na nag-convict ang court ng organizing.
02:14Bukod kay Guho, guilty rin ang hatol sa pitong iba pa.
02:18Habang buhay na pagkakabilagurin ang parusa,
02:21kailangan din nilang magbayad ng 2 milyong pisong multa
02:24at magbigay ng 600,000 piso na moral at exemplary damages.
02:29Walo naman ang naakwit.
02:31Habang lima pang akusado ang pinagahanap,
02:33kabilang si Dennis Kunanan na dati nang nasangkot sa PIDAF anomaly.
02:37Base sa desisyon ng Korte,
02:40sinabi nitong napatunayin ang mga ebidensya
02:42ang mga elemento ng qualified trafficking sa kaso,
02:45ang pag-organisa,
02:46pagbibigay ng financial support at pag-utos sa ibang tao,
02:50pati ang pananakot,
02:51paggamit ng dahas,
02:53pagpilit at ang forced labor.
02:56Sa kanyang depensa sa Korte,
02:58sinabi ni Guho na toang 2021 ay wala na siya sa Bawfu.
03:01Pero ayon sa Korte,
03:03si Guho at iba pang akusado ay napatunay ang mga beneficial owner ng Bawfu.
03:08Hindi dumalo physically si Alice Guho sa pagdinig,
03:10sa halip ginawa ang promulgation via video conferencing.
03:14Hindi na rin daw hinilin ang prosecution sa Korte,
03:16ang physical presence ni Guho.
03:18That's the call of the Korte.
03:21Imagine yung number of accused who will be brought to court,
03:24yung hirap niyan sa security.
03:28And remember, may mga previous security threats sa court.
03:34Dumalo rin sa promulgation kanina si dating paok Chief Gilbert Cruz
03:37na nanguna sa operasyon sa paok sa Pogos sa Tarlac.
03:41Medyo kinakabahan ako kanina.
03:42Of course, we expect yung worse,
03:44but this is a big surprise para sa amin lahat.
03:47Dito nagsama-sama yung hirap namin.
03:50Sa ngayon, forfeited na at mapupunta sa gobyerno ang buong compound.
03:54What we thought before as parang impasible,
03:58ngayon napatunayan natin that sa pagkakaisa ng bawat ahensya,
04:02pagtutulungan, and with all the dedication and sincerity,
04:06nothing is impossible.
04:07This is a symbolic victory for the government.
04:10Para sa GMA Integrated News,
04:13ako si Marisol Abduraman, ang inyong saksi.
04:17Mga kapuso, maging una sa saksi.
04:20Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube
04:22para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended