00:0034 days, bagong Pasko.
00:01Kumusta na kaya ang pamimili ninyo ng Christmas decorations?
00:05Kung kulang pa ang nasa checklist ninyo,
00:07mag-price check muna tayo sa unang balita live ni Bea Pinla.
00:10Bea, nagmahal na ba?
00:16Maris, magandang balita.
00:18Bumaba na ang presyo ng mga Christmas decor dito sa Dapitan sa Quezon City.
00:23November na, kaya naman sa Dapitan Street sa Quezon City,
00:30it's beginning to look a lot like Christmas.
00:33Kaliwat ka na ng iba't ibang makukulay na Christmas decor dito.
00:37May mga bongga at makinang na palamuti at meron din namang simple lang.
00:42Ang Christmas lights, mabibili ng P250 hanggang P2,500 depende sa dami.
00:48Makaka-add to Christmas cart ka na rin ng parol sa halagang P1,500 to P12,000 depende sa disenyo at sukat.
00:57Nasa P1,500 to P2,500 ang belen at P100 to P500 naman ang tig-dalawampung piraso ng Christmas balls.
01:06Kung Christmas tree naman ang inyong hanap,
01:08nasa P2,500 to P15,000 ang bentahan nito, depende rin yan sa laki.
01:15Ayon sa ilang nagtitinda rito, bumaba na ang presyo ng mga Christmas decor simula November habang papalapit ang Pasko.
01:22Mas mababa na po ngayon, ma'am, kasi patapos na, malapit na yung Christmas, kaya hindi na po ganun kamahal.
01:29Makakatawad naman po kayo mga siguro mga P50, P100, P100, sa mga ilang mga P500, mga discounted.
01:36Mas marami pa pong discount ang mabibigay natin sa mga buyer natin habang papalapit po yung Christmas.
01:44Ayon sa ilang nag-iikot dito, dapat wais sa pamimili.
01:48Meron akong mga decor, kaya lang, medyo kulang.
01:53Dagdagdagan ko na lang.
01:54Recycle ko naman yung mga nakatira akong mga decor,
01:59tapos ibang design na naman ang gagawin ko.
02:03Mas okay din daw na personal na masuri ang mga Christmas decor kesa mag-add to cart online.
02:08Mura din dito kesa online.
02:11Tsaka minsan, mas makapili ka ng mga different na mga design, ng mga decor.
02:21Maris, pwede rin daw bumili ng maramihan para makuha nyo yung mga Christmas decor sa mas mababang presyo.
02:27At tuloy-tuloy lang din daw ang biyayang discounts dito habang papalapit ang Pasko.
02:33Yan ang unang balita mula rito sa Quezon City, Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.
02:39Gusto mo bang mauna sa mga balita?
02:41Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
02:46Mag-subscribe na sa GMA.
Comments