Skip to playerSkip to main content
Nagtala ng mahigit P88 milyon na net worth nitong 2024 si Vice President Sara Duterte. Umakyat ‘yan ng mahigit 1,100% mula noong 2007 base sa paghimay ng GMA Integrated News sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagtala ng mahigit 88 million pesos na net worth nitong 2024 si Vice President Sara Duterte.
00:07Umakyat yan ng mahigit 1,100% mula noong 2007 base sa paghimay ng GMA Integrated News
00:16sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALIM.
00:20Nakatutok si Maki Pulido.
00:21Sa pagsilip ng GMA Integrated News Research sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ni Vice President Sara Duterte,
00:33makikita ang paglaki ng kanyang net worth mula ng una siyang pumasok sa politika hanggang nitong nakaraang taon.
00:39Mahigit 1,120% na pagtas yan sa loob ng labimpitong taon.
00:452007, unang pumasok sa politika si Vice President Sara Duterte ng mahalal bilang Vice Mayor ng Davao City.
00:52Sa kanyang Statement of Assets and Liabilities o SALN noon,
00:56nagdeklara siya ng real properties na nasa mahigit 3.7 million pesos,
01:00kabilang ang ilang lupa sa Davao City at condos sa Quezon City.
01:04Meron din siya noong personal properties na mahigit 5.4 million pesos at utang na nasa 2 million pesos.
01:10Kaya ang kanyang net worth noon lumalabas na nasa mahigit 7.2 million pesos.
01:16Nang maging mayor ng Davao City noong 2010,
01:19ang kanyang net worth umakyat sa mahigit 16.2 million pesos.
01:24Basa yan sa dineklara niyang real properties na mahigit 10.8 million pesos,
01:29personal properties na mahigit 10.7 million pesos at liabilities na mahigit 5 million piso.
01:35Hindi sumabak sa politika si VP Sara noong 2013.
01:38Pero muling nahalal na mayor ng Davao City noong 2016.
01:43Walang hawak na kopya ng SALN ni Duterte ang GMA Integrated News Research mula 2016 hanggang 2021.
01:50Nang mahalal na vice-presidente noong 2022,
01:54ang kanyang net worth nasa mahigit 71 million pesos na.
01:58Kabilang dito ang mahigit 50 million pesos na lupain, house and lot at condo unit
02:03sa pangalan niya at ng asawang si Atty. Manassez Carpio at kanilang mga anak.
02:07Meron din siyang personal properties na mahigit 23.8 million at mahigit 3.7 million pesos na liabilities.
02:16Sa huli niyang SALN, itong 2024, nasa mahigit 88.5 million na ang kanyang net worth.
02:23Para sa GMA Integrated News, Maki Pulido na Katutok, 24 Horas.
Comments

Recommended