Skip to playerSkip to main content
  • 1 week ago
Paano nga ba gumagalaw ang pera ng bayan?

Naging mainit ang usapan tungkol sa budget insertions dahil sa isyu ng flood control projects. Mula P898.9 billion na budget ng DPWH sa NEP, naging ₱P1.1 trillion ito pagdating sa GAA.

Lalo pang umingay ang usapin nang sabihin ni dating Ako-Bicol Rep. Zaldy Co, isa sa mga pangunahing personalidad na inuugnay sa mga alegasyong ito, na may P100B-worth umanong insertions sa 2025 budget. Ginawa niya ang pahayag sa gitna ng kanyang pagkakaugnay isyu.

Samantala, giit ng ilang mambabatas, hindi raw lahat ng insertions ay masama lalo na kung nakalaan para sa mga proyektong may direktang pakinabang sa publiko.

Ano nga ba ang budget insertions at paano ito nangyayari? Panoorin ang video.

Category

🗞
News
Transcript
00:00Yun pa lang nasa mahaba kang pila tapos may biglang sumingit, nakakainis na.
00:07E paano pa kaya kung ang pagsingit sa pondo ng bayan gagawin?
00:12Mainit na usapin ang budget insertions mula ng ibunyag ni Pangulong Bongbong Marcos
00:16sa ikaapat niyang State of the Nation address noong July 28, 2025,
00:21ang issue ng flood control projects.
00:23Alam naman ng buong madla na nagkakaraket sa mga proyekto.
00:28Mga kickback, mga initiative, ERATA, SOP, For the Boys.
00:35Kaya sa mga nakikipagsabwatan upang kunin ang pondo ng bayan at nakawin ang kinabukasan ng ating mga mamamaya,
00:43mahiyahan naman kayo sa inyong kapag Pilipino.
00:48Dahil sa mga investigasyon na pag-alaman na ilang mambabatas umano
00:52ang nag-insert ng bilyon-bilyong halaga ng items sa 2025 budget.
00:58Sa Pilipinas, nagsisimula ang pagbuo ng national budget sa paghahanda ng National Expenditure Program o NEP.
01:13Ang NEP ang panukalang budget na inihahanda ng Department of Budget and Management o DBM
01:18mula sa mga isinumiting proposed projects ng bawat department at agency ng gobyerno.
01:25Ang DBM ang nage-endorse ng NEP sa Kamara kung saan nagsisimula ang pagbusisi sa budget.
01:31Kapag naipasa na sa plenario ang NEP, hindi na ito dapat pwedeng amyendahan.
01:36Pero sa pamamagitan umano ng binubuong small committee sa Kamara,
01:40nagkakaroon ng mga budget insertion.
01:43Pagkatapos ng budget review sa Kamara,
01:45isinusumite ang proposed budget sa Senado
01:47para sa panibagong round ng deliberations at amendments.
01:50Para pag-isahin ang bersyon ng Kongreso at Senado,
01:55binubuo ang bicameral conference committee.
01:58Ayon kay Senate President Tito Soto III,
02:01bahagi ng budget process ang pagkakaroon ng amendments o insertions.
02:20Nakalulungkot umano na na-generalize bilang iligal o hindi tama
02:25lahat ng budget amendments dahil sa issue ng flood control projects.
02:30Dagdag pa ni Soto,
02:32ilan sa mga budget amendment ay para sa dagdag na classrooms
02:35at farm-to-market roads para sa publiko,
02:38lalo na ang mga nakatira sa liblib na lugar.
02:42Si Senate President Pro Tempore Ping Lakson
02:45ang nagbunyag nitong September 28, 2025
02:48na halos lahat umano ng Senador
02:50sa nagdaang 19 Congress ay may budget insertion.
02:54Individual insertion umano
02:56ang nasa 100 billion pesos worth of items
02:59na na-insert sa 2025 budget
03:01at nakatag for later release.
03:04Pero giit ng ilang mambabatas,
03:07hindi lahat ng budget amendments o insertions ay masama,
03:10lalo pa kung ginagamit ang mga ito
03:12para mas mapaglingkuran ang publiko.
03:14Ayon sa DBM,
03:18parehas lang ang budget insertions at amendments.
03:22Pareho itong nangyayari sa budget deliberation sa Kongreso.
03:25Kapag napag-isa na ang Congress at Senate version ng budget,
03:44isinusumite ang General Appropriations Bill sa Pangulo.
03:48Kapag nalagdaan na ito,
03:49saka ito nagiging batas
03:51at tinatawag na General Appropriations Act o GAA.
03:54Nitong 2025,
03:56ang halos 900 billion pesos na budget
03:58ng Department of Public Works and Highways sa NEP
04:01naging 1.1 trillion pagdating sa GAA.
04:04Kung susumahin,
04:06mahigit 200 billion pesos
04:07ang naidagdag sa budget ng DPWH.
04:12Kaunting trivia,
04:14gaano nga baka bigat ang isang bilyong piso?
04:16Ang 1,000 peso bill ay may bigat na 1 gram.
04:22Para makabuo ng isang milyon,
04:23kailangan ng isang libong piraso ng 1,000 peso bill.
04:27Kaya ang isang milyong piso,
04:29nasa isang kilo ang bigat.
04:31At ang isang bilyong piso naman,
04:33nasa isang tonelada ang bigat.
04:35Kasing bigat yan ng halos dalawang elepante.
04:381 billion pa lang,
04:41isang tonelada na.
04:43Paano pa kaya ang 200 billion pesos?
04:46Mabigat na nga ang timbang,
04:47ang bigat paisipin na ang ganitong halaga,
04:50posibleng napunta lang sa mga palpak at ghost projects.
04:55Enero nitong taon,
04:56iniutos ng DBM na lahat ng congressional insertions
04:59sa 2026 GAA
05:01ay kailangan na ng special allotment release
05:04bago mailabas ang pondo.
05:22Nagtanong po ako sa DTWH
05:24kung magkano ang kailangan
05:25na ibigay sa Office of the President.
05:28Isa sa mga matunog na pangalan
05:30sa issue ng budget insertion,
05:32si dating Akubicol Representative,
05:33Zaldico.
05:35Siya ang nagsilbing Appropriations Committee
05:37Chairperson ng Kongreso
05:38at inaakusahan ng mga kontraktor
05:41ng flood control projects
05:42na nasa likod umano
05:44ng katakot-takot na insertions
05:46sa 2025 budget.
05:48Nitong September,
05:50nagbitiw si Ko sa Kongreso.
05:52Iginiit niya rin na hindi siya
05:53ang mastermind ng mga budget insertion.
05:56Sa kanyang zona nitong Hulyo,
06:23nagbabala si Pangulong Marcos
06:25sa mga nakikipagsabwatan
06:27para kunin ang pondo ng bayan.
06:30Mahiya naman kayo
06:31sa inyong kapapilipino.
06:34Sa mga susunod na buwan,
06:37makakasuhan ang lahat
06:39ng mga lalabas na may sala
06:41mula sa investigasyon,
06:43pati na ang mga kasabwat
06:44na kontratista sa buong bansa.
06:46Babala pa ng Pangulo,
06:51handa ang pamahalaan
06:52na mag-operate sa ilalim
06:53ng re-enacted budget sa 2026.
06:56I-vito niya rin umano
06:57ang proposed budget bill
06:59na hindi sang-ayon
07:00sa programs at priorities
07:01ng kanyang administrasyon.
07:04Ayon sa DBM,
07:06ang paggamit sa re-enacted budget
07:07ay nangyayari
07:08kapag ang gaasang na daang taon
07:10ay ine-extend
07:11at nananatiling ineffect
07:13sa susunod na taon
07:14hanggat hindi na ipapasan
07:15ng Kongreso
07:16ang bagong panukalang budget.
07:45la bi 교 dan b subt na
07:48na niya rin umano
07:48ng kong-on pod
07:48ang paggamit sa jama
07:50na mga kan bi
07:51kong-on usually
07:51audoks
07:52locene
07:52paggamit
07:54jak
07:55pin
07:55bi
07:57ko
07:57ko
07:58You
Be the first to comment
Add your comment

Recommended