Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Parehong tumaas ng net worth ng dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.
00:04Batay po yan sa mga Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SAL-EN ni na Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte.
00:13Saksi si Sandra Aguinaldo.
00:17Ang GMA Integrated News Research ang unang nakakuha ng kopya ng Joint State Metaphacets, Liabilities, and Net Worth o SAL-EN ni na Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Lisa Marcos.
00:29Mula sa Office of the Ombudsman para sa taong 2024, nagdeklara sila ng 21 tiraso ng real estate properties,
00:39kabilang ang mga lote at bahay na nagkakahalaga ng mahigit 142 milyon pesos.
00:45Nagdeklara naman sila ng personal properties, kabilang ang cash, investments, alahas, sasakyan, at mga paintings na nasa 247 milyon pesos.
00:56Kabilang dyan ang isang Mercedes-Benz Maybach na nasa 10.5 milyon pesos ang halaga.
01:03Ang koleksyon ng paintings ng mag-asawang Marcos aabot sa 126 na piraso, kabilang ang ilang likha ng mga itinuturing na Filipino masters.
01:12Kabilang na riyan ang isang obra ni Fernando Amorzolo, labing kitong obra ni Ben Cabrera, ilang likha ni Arturo Luz at iba pa.
01:22Meron pang ang isang likha ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal.
01:26Pinakamahalam painting ni Jose Hoya na nasa 19 milyon pesos ang halaga.
01:31Walang utang na idiniklara ang mag-asawang Marcos, kaya ang kanilang net worth nasa mahigit 389 milyon pesos.
01:39Pero sa isirubiting sal-end ng Pangulo, makikita ang isang Annex D kung saan may ibang nakalagay na net worth na nasa 1.375 milyon pesos.
01:52Base ito sa appraisal report ng pribadong appraiser na Cuervo Appraisers Inc.
01:57Makikita rito na mas mataas ang mga nakasaad na halaga ng mga lupain at personal properties ng Pangulo at First Lady,
02:05pati na ang halaga ng mga paintings na kanilang idiniklara.
02:09Nakasaad sa deklarasyon ng Pangulo na magkaiba ang dalawang nakadeklarang net worth.
02:14Dahil ang isa ay nakabase sa mga alituntunin ng Civil Service Commission,
02:19habang ang isa na mas malaki ay nakabase naman sa appraisal ng Cuervo Appraisers na dati na raw ginamit ng Pangulo.
02:27Kung titignan, tumaas ang net worth ng Pangulo mula noong June 30, 2022 nang siya'y maging Pangulo
02:34na nasa mahigit 329 milyon pesos base sa SAL-N na nakabase sa alituntunin ng CSC
02:42at nasa mahigit 908 milyon pesos kung pagbabasehan ng appraisal report ng private appraisal firm.
02:51Nakuha rin ng GMA Integrated News Research ang SAL-N ni Vice President Sara Duterte
02:56mula sa Office of the Ombudsman.
02:59Joint statement nila ito ng kanyang asawang si Atty. Manasa Scarpio.
03:03Para sa taong 2024, nagdeklara sila ng real estate properties na nagkakahalaga
03:08ng halos 67 milyon pesos.
03:11Kabilang dito ang mga lote, bahay, condominium unit, karamihan sa Davao City.
03:17Meron din silang dineklarang personal properties na nasa mahigit 31.6 milyon ang halaga.
03:23Ang kabuang assets na idineklara ng mag-asawa nasa halos 98.5 milyon pesos.
03:30May idineklara rin silang utang na halos 10 milyong piso.
03:35Kaya ang kanilang declared net worth nasa mahigit 88.5 milyon pesos.
03:40Kung ikukumpara sa kanyang SAL-N mula ng maging Vice President noong 2022,
03:45tumaas ang net worth ng Vice Presidente.
03:49Nasa mahigit 71 milyon pesos ito noong June 30, 2022.
03:54Umakyat sa mahigit 77.5 milyon pesos noong December 2023.
04:01At nitong 2024, umabot na sa mahigit 88.5 milyon pesos.
04:07Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
04:12Mga kapuso, maging una sa saksi.
04:17Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment