Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, malakihan ang taas presyo sa ilang produktong petrolyo bukas.
00:05Piso at dalawampung sentimo ang dagdag singil sa kada litro ng diesel at gasolina.
00:10Wala namang pagalaw ang presyo ng kerosene dahil sa umiiral na price freeze
00:13mula na i-deklara ang State of National Emergency,
00:17bunso ng paghagupit ng bagyong Tino.
00:20Sugata na isang babae matapos mabagsakan ng drone sa People Power Monument sa Quezon City.
00:25Tinamaan sa ulo ang babae na isa po sa mga dumalo sa kilos protesta.
00:30Agad rumisponde ang mga tauhan ng Quezon City DRRMO at ng PNP para mabigyan siya ng lunas.
00:36Kinupis ka naman ang drone.
00:38Wala pang kumpirmasyon mula sa QCPD kung sino ang may-ari ng drone.
00:44Dahil araw ng lunes, mas matindi ang naging epekto sa dalaw ng trapiko
00:48na ikalawang araw ng protesta sa EDSA People Power Monument
00:51kung saan dumalong ilang politiko at retiradong sundalo.
00:55Saksi si Chino Gaston.
01:00Tanghali, nagsimula ang programa na hindi natinag kahit ang bahagyang umulan dakong alas dos ng hapon.
01:07Bukod sa mga miyembro ng UPI na mga retiradong sundalo, may mga dumaluring politiko.
01:13Ipinakita rin sa programa ang mga videos ni dating Kongresman Zaldico
01:17na nagdidiin sa papel umano ni Pangulong Bongbong Marcos
01:20at dating House Speaker Martin Romualdez sa katiwalian sa flood control projects.
01:26Hindi raw bibigyan dignidad ng Pangulo ang mga aligasyon ni Ko
01:29habang si Romualdez naniniwalang walang bigat sa korte ang mga sinabi ni Ko.
01:35Umaga palang tukod na ang trapiko sa northbound ng EDSA
01:38simula sa canto nito at ng White Plains Avenue hanggang sa EDSA, Mandaluyong.
01:42Kina ilangang paradahan ng isang lane ng EDSA ng service vehicles,
01:46ng mga pulis at iba pang bantay na seguridad.
01:49May rerouting din dahil sarado ang bahagi ng White Plains Avenue
01:53mula sa Corinthian Gardens hanggang EDSA.
01:56Mas matindi ang epekto sa trapiko ngayon
01:58kumpara sa unang araw na pagditipon dito ng United People's Initiative o UPI.
02:04Hindi maiwasan kasi nga today is Monday, may pasok na yung mga tao natin.
02:09Kaya nga yung mayor natin, nung una, kinukombinsi namin na huwag na munang payagan,
02:16umanap na lang na ibang araw.
02:19Pero nung nakita namin na mas magiging problema yung uuwi ito,
02:22babalik pa ito, tapos yung mga logistics nila maapektuhan,
02:26binigyan na namin ng another permit for today.
02:29Para sa GMA Integrated News, ako si Chino Gaston ng inyong saksi.
02:35Tumugon ang Independent Commission for Infrastructure
02:37sa ilang kumukwestyon, sa kanilang pagiging anilay independent at transparent.
02:42Pinag-aaralan na rin daw nilang dumulog sa kworte
02:44para ipa-indirect contempt si dating congressman Zaldi Koh.
02:48Saksi si Joseph Morong.
02:49Let's do it right at mahiyan naman kayo.
02:54Matapos ilabas si dating congressman Zaldi Koh,
02:56mga video na nag-aako sa akin na Pangulong Bongbong Marcos,
02:59dating House Speaker Martin Romualde,
03:01sa dibabang matataas na opisyal.
03:02Hamon ang Independent Commission for Infrastructure kay Koh,
03:06tumistigo na siya sa komisyon.
03:08We've been inviting him, right?
03:09So the fact that we've been inviting him,
03:11we want to know his statements under oath before the commission.
03:17Kasi malaking bagay yun eh.
03:18Kailangan talaga nandito sila in person,
03:21testifying under oath,
03:22para maging credible ang kanilang testimony.
03:25Dalawang beses na na ipinasabina ng ICI
03:28si dating congressman Zaldi Koh,
03:30pinakahuli para noong November 11.
03:32Pero ayon sa ICI,
03:33hindi raw tinanggap ang sapina sa pinagdala nito.
03:36Pagdidesisyon na na ng komisyon
03:38kung dudulog na sila sa Regional Trial Court
03:40para ipa-indirect contempt si Koh.
03:43Wala pang pahayag si Koh ukol sa hamon ng ICI.
03:46Ayon sa ICI sa ngayon,
03:48hindi nila magagamit na ebidensya
03:50ang mga video ni Koh.
03:51The videos come in,
03:53alam nyo,
03:53sa under the rules of evidence.
03:56Pagka video yan,
03:56kailangan dyan eh,
03:58untampered, diba?
03:59Tire-diretsyo.
04:00That's the fact that there's also a requirement
04:02under the rules of court,
04:03on rules of evidence,
04:05that the person taking that video
04:07should verify,
04:10in fact,
04:10validate this video.
04:12Kanina, harap dapat sa ICI
04:15si dating DPWH
04:16under Secretary Roberto Bernardo.
04:18Sa halip,
04:18nagsumiti siya ng supplemental affidavit
04:20na kapareho
04:21nang ibinigay niya sa Senado.
04:23Confidential ang kopyang ibinigay sa ICI
04:25dahil ginagamit ito ni Bernardo
04:27sa aplikasyon niya
04:28para maging state witness.
04:30Dahil din dito,
04:31hindi na maiimbitahan
04:32ng ICI si Bernardo
04:33bagaman gagamitin
04:34ng komisyon ng affidavit
04:36sa kanilang investigasyon
04:37at mga referrals
04:38sa ombudsman.
04:39Sa nakaraang pagdinig ng Senado
04:41kabilang sa mga ediniin ni Bernardo
04:43sa anomalya sa flood control projects,
04:45ang pitong dati
04:46at kasalukuyang Senador.
04:48Ayon kay ombudsman
04:49Jesus Crispin Remulia,
04:50lahat ng nabanggit
04:51sa affidavit ni Bernardo
04:52iniimbestigahan.
04:54Naano nang itinanggi
04:55ng mga nabanggit ni Bernardo
04:57ang kanyang mga aligasyon.
04:59Ang ginagawang investigasyon
05:00ng ICI
05:01kasama sa mga binanggit
05:02ng ilang personalidad
05:03sa kilus protesta
05:04ng Iglesia ni Cristo
05:06sa Quirino Grandstand.
05:07Ginawa po
05:08ang tinatawag na ICI.
05:11Tinatanong ko po
05:12paano naging independent
05:14ang ginawa nilang ito
05:17samantalang sila po
05:18ay humihingi ng tulong
05:20sa House of Representatives,
05:22humihingi ng informasyon
05:23sa Senado,
05:25humihingi ng informasyon
05:26sa Sandigang Bayan,
05:28sa mga korte,
05:29at sa lahat
05:30ng mga opisina
05:32ng ating pamahala.
05:34Hindi siya independent.
05:35Tuntunin at pangalanan
05:38ang mga sangkot!
05:42Lalo na ang utak
05:45ng katiwalian!
05:47Sagot diyan ng komisyon,
05:48Ang aming being transparent
05:51is shown
05:51through our actions.
05:53Meaning,
05:53nakita naman ninyo
05:54yung aming mga referrals.
05:56We already
05:56included there
05:58several high-ranking officials.
06:00Kung anong
06:00ebidensyang meron kami
06:01at ito'y tumuturo
06:04to any individual
06:06who may be responsible
06:07on these
06:09anomalous projects,
06:11then we will include them
06:12in our referrals
06:13for possible
06:14filing of charges
06:15by the Ombudsman.
06:16Para sa GMA Integrated News,
06:18ako si Joseph Morong
06:19ang inyong saksi.
06:22Sa gitna ng
06:23kabikabilang protesta,
06:24kuenestyo ni Vice President
06:25Sara Duterte
06:26kung paano hinaharap
06:27ng administrasyon
06:28ang mga imbisigasyon
06:29sa isyo ng korupsyon.
06:31Anya nahaharap
06:32sa crisis of confidence
06:33ang Pangulo.
06:35Ang sagot naman
06:35ng palasyo,
06:37huwag magmalinis
06:38ang hindi malinis.
06:40Saksi,
06:40si Marisol Abduraman.
06:41The President
06:46now faces
06:47a profound
06:47crisis of confidence,
06:50especially in the way
06:51these corruption
06:51investigations
06:52are being handled,
06:54which appear
06:54to lack
06:54both direction
06:55and resolve.
06:57We also seek
06:57clear answers
06:58on how a budget
06:59that deprived
07:00Filipinos
07:01of billions
07:02and billions
07:02of pesos
07:03was approved
07:04under his watch.
07:05Ito ang pahayag
07:06ni Vice President
07:07Sara Duterte
07:08sa gitna ng kaliwakan
07:10ng protesta
07:10kontra korupsyon,
07:12karapatan daw
07:12ng mga mamamayan
07:13na magpahayag
07:14ng kanilang salo
07:15o binaban sa pamahalaan.
07:17Kaisa ako
07:18ng milyong-milyong
07:19Pilipino na dismayan
07:21at nandidiri
07:22sa pamahalaang
07:23lulong sa inseguridad
07:24at walang
07:25kabusogang
07:26kasakingan.
07:28Ang karapatan
07:29nating magsalita
07:30at magpahayag
07:31ang sandigan
07:32ng demokrasya.
07:33Dapat itong pakinggan
07:35ng pamahalaan
07:37hindi para isang tabi
07:39at baliwalain lamang.
07:41We Filipinos
07:42deserve better.
07:45Inungkat din muli
07:46ng BC
07:46ang kanyaraw karanasan
07:47sa muna'y ginawang
07:48pagmanipula
07:49ng House of Representatives
07:51sa budget
07:52ng Department of Education
07:53noong kalihim pa siya nito.
07:55Sa halip na sundin
07:56ang isahan ng DepEd
07:57upang matugunan
07:58ang malalang kakulangan
08:00sa classrooms,
08:01bisulang ginawang
08:02pork barrel
08:03ang pondong
08:04na kalaan
08:04para sa kabataang
08:06Pilipino
08:06at pinaghati-hatian
08:08ng mga
08:09congressistang
08:10malapit
08:10sa mga
08:11makapangyarihan.
08:13Pinili kong huwag
08:14sumalik
08:14sa panggagago
08:15sa taong bayan.
08:17Sa aking pagbitiw
08:18bilang kalihim
08:19ng DepEd,
08:20ininda ko
08:20ang kalibatkanan
08:22na atake
08:22kasama na
08:23ang impeachment
08:24para lamang
08:25mapagtakpan nila
08:26ang katiwalian
08:27sa 2025 budget.
08:30Sabi naman ni Palace
08:31Press Officer
08:31under Secretary
08:32Claire Castro.
08:33Ang Pangulo
08:34uulit-ulitin natin
08:35na siya po
08:35ang nagpaumpisa
08:36ng pag-iimbestigan
08:37na ito.
08:38Noon pa po
08:39ay marami
08:40ng anomalya.
08:42Since 2020,
08:43sinabi na po natin
08:44na marami na po
08:45ghost projects
08:46pero wala po
08:47ganitong klaseng
08:48pag-iimbestigan
08:49nangyari.
08:50Kung sino man
08:50yung nagsasabing
08:51walang klaseng
08:52confidence,
08:52siguro siya po
08:53ang mismo.
08:54Ang maglahad
08:55kung mayroon siyang
08:56nakakaharap
08:58na anomalya,
08:59huwag magmalinis
09:00ang hindi malinis
09:01at huwag magpakabayani
09:03ang hindi bayani.
09:04Para sa GMA
09:05Entity News,
09:07Marisol Abduramal
09:08ang inyong saksin.
09:10Binigang parangal
09:11ng malabon
09:12ang mga natatangi
09:13individual na nag-ambag
09:14sa pag-unlad
09:15at nagbigay ng karangalan
09:16sa lungsod.
09:18At kabilang po
09:19sa mga kinilala
09:19si GMA Network
09:20Incorporated Chairman
09:21Atty. Felipe L. Gozon.
09:24Saksi si Jamie Santos.
09:30Tumanggap ng Malabon
09:32Medal Badge Lifetime Award
09:33bilang Most Outstanding
09:35Citizen of Malabon
09:36si GMA Network
09:38Incorporated Chairman
09:39Atty. Felipe L. Gozon.
09:41Para kay Atty. Gozon,
09:43isa raw malaking karangalan
09:44ang natanggap niyang pagkilala.
09:47Sa kanyang talumpati,
09:48sinariwan ni Atty.
09:49Atty. Gozon
09:50ang kanyang kabataan.
09:51At kahit hindi na raw siya
09:53nakatira sa Malabon,
09:54nananatini ni Anya
09:55ang kanyang puso
09:56para sa lungsod.
09:58Dahil ang team
10:00parangal sa mga nakaraan
10:03o gunitain natin
10:05ang nakaraan,
10:07I would like to say
10:08that I am proud
10:11that I studied
10:12in Malabon Elementary School
10:14during my primary grades.
10:17That was a very,
10:19very long time ago.
10:20That I learned
10:22how to swim
10:23in Malabon River
10:25when it was not yet
10:27polluted.
10:29And that I spent
10:30my early
10:31formative years
10:33in Malabon.
10:35Kasama niya
10:36sa pagtanggap
10:36ng parangal
10:37ang kanyang mga kapatid
10:39na si Carolina
10:39Gozon Jimenez,
10:41pati si Florencia
10:42Gozon Tariela
10:43na nauna
10:44ng ginawara ng
10:45dangal ng Malabon Award.
10:46Ayon sa Kasama Incorporated
10:49na nag-organisa
10:50ng event,
10:51kinilala si
10:51Atty. Gozon
10:52dahil sa kanyang
10:53matatag na paninindigan
10:54sa katotohanan
10:56at pagsusulong
10:57ng responsabling
10:58pamamahayag
10:59sa pamamagitan
11:00ng pamumuno
11:00ng GMA Network
11:01Incorporated.
11:03Pinarangalan din
11:04ang iba pang
11:04personalidad
11:05mula sa
11:06sining,
11:06akademya,
11:07negosyo
11:07at servisyo publiko.
11:08Ito po nga
11:10pagbibigay
11:10ng ating
11:11gintong parangal
11:13ay hindi lamang po
11:14para sa kanila
11:15kundi para sa bawat
11:17malabwenyong
11:18nangangarap
11:19nagbibigay
11:20ng masigasig
11:21na pagmamalasakit
11:23at karunungan,
11:25kagalingan.
11:27Para sa GMA Integrated News,
11:29ako si Jamie Santos
11:31ang inyong saksi.
11:33Mga kapuso,
11:35maging una sa saksi.
11:36Mag-subscribe
11:37sa GMA Integrated News
11:38para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended