Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Nagpangalan ang mag-asawang Diskaya ng mga politikong nakatanggap umano ng kickback base umano sa dinala nilang ledger ng mga transaksyon sa Senado.
00:10Pero ang listahan, hindi pa raw kumpleto.
00:13Saksi, si Darlene Cai.
00:18Mula sa kanilang compound sa PASI, tumulak pabalik ng Senado ang mag-asawang Pasifiko Curly at Sara Diskaya bago mag-alas 3 ng hapon kanina.
00:27Naka-detain si Curly sa Senado pero pinayagan siya ng Senate Durban Committee na makauwi saglit para kunin ang ledger na dating binanggit ng mag-asawa na naglalaman ng mga transaksyon umano nila sa ilang politiko.
00:40Ang ledger na bit-bit ng mag-asawa pagbalik sa Senado, naglalaman umano ng impormasyon tungkol sa ibinigay nilang kickback sa ilang mambabatas at opisyal ng DPWH kaugnay ng maanumaliang mga proyekto kontrabaha.
00:52Nasa ledger umano ang mga pinangalanan ni Curly na anim na dati at kasalukuya kongresista at dalawang dating DPWH officials.
01:01Kong Roman Romulo, si Kong Marvin Rillo, si Kong Nungdin Asisto, si Kong Patrick Vargas, si Kong Marivik Ilar, si Kong Jojo Ang, si Yusek Terence Calatrava, si Yusek Bernardo.
01:27Nagbagit din si Curly na mga petsa ng pagbibigay umano ng pera at kung sino ang tumanggap. Pero ilan lang daw ito sa listahan ng mga mambabatas.
01:35Kaperaso lang po yung nakuha ko dahil mauubos po yung time namin baka pagbalik po namin dito ay tapos na po ang hearing.
01:43Para makumpleto ang listahan, susulat daw ulit si Sen. Peng Lacson, chairman ng Blue Ribbon Committee kay Sen. President Quito Soto,
01:51para muling payagang makauwi si Curly para kunin ang iba pang dokumento.
01:55Hinihinga namin ang reaksyon ang mga nabanggit ni Diskaya.
01:59Nasa parehong pagdinik si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, kaya tinanong na rin siya tungkol sa mga isiniwalat ni Curly.
02:06Mr. Chair, according to Diskaya, it was given to Mani Bulusan. So kung ako man po ay merong alam dito, I have to match with my records.
02:17Because pagka po ako ay merong ganyan, as I stated earlier, meron po akong proponent. Meron po project na katumbas yan.
02:24So I will have to match that with the projects if really it's true.
02:28No show naman sa pagdinig ng Senado si dating House Speaker Martin Romualdez at labing tatlo pang incumbent na kongresista na pinangalanan sa pagdinig.
02:36Sa isang liham sa komite, sinabi ni Speaker Bojie Dina hindi sisipot ang mga mambabatas dahil haharap naman sila sa investigasyon ng ICI o Independent Commission for Infrastructure.
02:47At baka raw malagay sa alanganin ang findings ng ICI.
02:50No show din ang anim na dating mambabatas kabilang si Zaltiko.
02:54Kaya ay minungkahin ni Sen. Sherwin Gatchalya ng pag-issue ng sabpina kay Ko para kung hindi pa rin daw sumipot, maaari nang mag-issue ng arrest warrant laban sa kanya.
03:03Wala pang petsa ang susunod na pagdinig ng komite sa Senado.
03:07Para sa GMA Integrated News, ako si Larlene Kay, ang inyong saksi.
Be the first to comment