Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tatlo pa pong Senador ang madaragdag sa mga irekomenda ng Independent Commission for Infrastructure
00:05na makasuhan kaginan ang questionable flood control projects.
00:09Ay kay Pangulong Bongbong Marcos, bago sumapit ang Pasko, may makukulong na sangkot sa anomalya.
00:16Saksi, si Ivan Mayrina.
00:21Mahiyang naman kayo.
00:23May git tatlong buwan na mula ng sabihin niya ni Pangulong Bongbong Marcos
00:27na sinunda ng imbestigasyon sa mga maanumalyang flood control project.
00:31Pero wala pa rin nakukulong.
00:33Pagtitiyak ngayon ng Pangulo.
00:34Mula silang Merry Christmas. Before Christmas, makukulong na sila.
00:38Palagay ko, bago mag...
00:40Hindi, hindi palagay ko. Alam ko.
00:43Bago magpasko, marami dito sa napangalanan dito
00:46ay palagay ko nasa ano na, matatapos na yung kaso nila, buo na yung kaso.
00:54Makukulong na sila.
00:55Ayon sa Pangulo, may tatlong putpitong individual na sangkot sa flood control scandal
00:59base sa unang batch ng case referral ng Independent Commission for Infrastructure o ICI sa ombudsman.
01:04Ito ang mga naimbisigahan na at may nakalap ng ebidensya.
01:08Hindi tinukoy ng Pangulo kung sinong kabilang sa listahan.
01:11Pero kabilang sa mga nirefer ng ICI si dating congressman at Appropriations Committee Chairman Zaldico
01:15na hanggang ayaw ay ayaw magbalik pansa dahil sa mga bad tao mano sa kanyang buhay.
01:20Hindi pa nasampahan ng kaso. Therefore, the request for the cancellation of his passport cannot yet be made.
01:29However, when that time comes, we will immediately cancel his passport.
01:35Ibang usapan naman ang tungkol sa dating speaker at pinsan ng Pangulo na si Congressman Martin Rubualdez
01:41na iniugay din sa kontrobersya.
01:42Wala pa rin kasing ebidensya laban sa kanya sa ngayon.
01:46Not as yet. Not as yet. If something else comes out, then he might have to be answerable for something.
01:54So, again, you know, we don't file cases for optics.
02:01We file cases to put people in jail or to make people answer.
02:06I know that there are many, many suggestions of who else we should file cases against.
02:12Well, we're fine with that. Provide us the evidence and we will file cases against them.
02:18Bukod sa magpapanagot sa mga may sala, layon ng gobyerno na mabawi ang mga pondong ibinulsa sa maanumalyang flood control projects.
02:26Sa ngayon, nasa 6.3 billion pesos na ang naipafreeze ng Anti-Money Laundering Council.
02:32Hinahabol na rin ang BIR ang mga sangkot para sa mga hindi nabayarang buis.
02:36At i-auction na rin ang milyong-milyong pisong halaga ng mga sasakyan na mag-asawang diskaya.
02:42Pagtitiyak ng Pangulo, mas lalaki pa ang halagang mababawi sa mga susunod na araw.
02:48May mga ginagawa na rin daw na reforma, mga ahensya ng pamahalaan para maging mas transparent ang mga transaksyon sa mga proyekto.
02:55At hindi na maulit ang mga ganitong anumalyang.
02:57Pero babala ng Pangulo, pauna pa lamang ang mga mananagot dito sa anumalyang at may mga susunod pa.
03:04Sa pagkapatuloy na investigasyon ng ICI, tatlong Senador parao ang ire-rekomenda nilang kasuhan kaugday sa mga flood control project.
03:11Hindi tinukoy ni ICI Chairman Andres Reyes Jr. kung sino sila.
03:15Iba pa ito sa naunang rekomendasyong Plunder at Graff laban kayo na Senador Jingo Estrada at Senador Joel Villanueva.
03:21I-sinumiti rin ang ICI ang kiliman nitong rekomendasyon sa Ombudsman.
03:25Ang kasuhan din ng Graff, Malversation at iba pangkasong kriminal.
03:29Sina dating DPWH Bulacan First District Engineer Henry Alcantara, dating DPWH Engineer Bryce Hernandez,
03:37Engineer Ernesto Galak at tatlo pang opisyal ng DPWH Bulacan.
03:42Gawd na iyan ang 74 million peso ghost flood control project sa Hagonoy, Bulacan.
03:46Pinakakasuhan din ang may-ari ng kontraktor na Darcy and Anna Builders and Trading na si Darcy Kimel Respecio.
03:53Ang rekomendasyon ay base sa report ng Commission on Audit Ocoa na nagsabing walang istruktura
03:57ang itinayo sa lakasyong sinabi sa proyekto kahit ang binayaran nito at idiniklarang tapos na Oktobre noong isang taon.
04:05Pinakakasuhan naman ulit ang kasong administratibo si dating DPWH Secretary Manuel Banoan na nasa labas na ng bansa ngayon.
04:11At mga dating DPWH Undersecretary si Roberto Bernardo at Catalina Cabral.
04:17Wala pang pahayag ang mga inirekomendang kasuhan.
04:20Bukas naman magpapatuloy ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa mga flood control project.
04:25May nakuha mo nung impormasyon si Sen. Amy Marcos na magpapakita umano roon si Ko.
04:30Nakon din siya na umapir ng Zoom pero may duda pa rin ako kung talagang matutuloy.
04:36Nabalitaan natin dati na si Martin Romualdez ay a-appear sa Blue Ribbon.
04:41Nagbago rin ang isip. Tignan natin kung magbago rin ang isip ni Saldi.
04:46Pero since tinatanong ninyo kung sino yung VIP, sa pagkaalam ko yun yun.
04:51Pero sabi ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lakson,
04:54hindi na niya itinuloy ang plano na imbitahan si Ko na dumalos sa pagdinig via Zoom.
04:58Anya, kung pagbibigyan si Ko na online ang pagdalo,
05:02baka magamit umano ni Ko ang pagdinig para sa propaganda.
05:05Para sa GMA Integrated News, ako si Ivan Mayrina ang inyong saksi.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended