00:00Napinsala naman ang ilang bahagi ng Banawe Rice Terraces sa Banawe, Ifugao, dahil sa epekto ng bagyong uwan.
00:07Sa barangay Batag, ilang bahagi ang naapektwa ng pagguho ng lupa sa kasagsagan ng bagyo nitong lunes.
00:14Dalawa ang napaulat na namatay roon.
00:16Ayon sa uploader, marami ring bahay roon ang pinasok ng lupa at putik.
00:21Nananawagan sila ng tulong para matanggal ang mga lupa sa mga bahay
00:25at para maibalik ang dating ganda ng rice terraces na idineklara ang UNESCO World Heritage Site noong 1995.
00:34Nagdeklara na ng State of Calamity ang Banawe LGU kasunod ng mga pinsala ng bagyong uwan sa kanilang bayan.
Comments