- 14 hours ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Iginit ng polisya na sigurado sila at may ebidensya na ang tinugis at napatay na polis Kalaocan
00:06ang siyang ng hold-up sa isang tindahan sa Bulacan.
00:10At tumalabas din sa embisikasyon na maraming utang ang napatay na polis.
00:14Saksi si Marie Zumali.
00:19Hindi lang basta hold-upper kundi polis umano ang tumira sa isang convenience store sa Marilaw, Bulacan.
00:25At hindi basta polis kundi ang polis captain na naging hepi ng investigation division ng Kalaocan Polis.
00:32Hindi kita sa CCTV ang muka ng hold-upper.
00:35Pero ang napatay na polis umano ang natunto ng mga kabaro sa tulong ng isang staff.
00:40Pinahinto umano siya ng mga rumesponding polis pero nauna umano nagpaputok kaya binaril at napatay sa enkwentro.
00:47Kanina idiniin ng polis siya sa isang press conference na tiyak silang ang nang hold-up ay ang napatay na polis Kalaocan
00:53na nakatira sa San Jose del Monte, Bulacan.
00:56Nakausap na rin nila umano ang asawa ng napatay na suspect pero hindi naman sila nagdetalya ng usapan.
01:02Nakabase po kasi lahat ng statement namin sa ebidensya.
01:05Makikita niyo po dun yung 20,000 peso worth na hinold-up niyan of different denomination.
01:11Sa napuhan ng ebidensya na ito, makikita po yung mga hand notes na mga cashier.
01:16Ito po ay nakuha dun po sa motosiklo ng suspect.
01:22Bukod pa yan sa na-recover na pulang jacket na suot ng suspect sa mismong pagnanakaw,
01:27police ID at service firearm na ginamit ng makipagbarilan sa mga pulis.
01:32Isa rin daw sa mga ebidensya ang mismong motor na ginamit ng suspect.
01:36Let me put on record also that the motorcycle used by the suspect was a registered motorcycle under his name.
01:44Makikita natin na yung motosiklo na ito, side by side by his presence dun sa ***.
01:51And side by side with his presence during the arming counter,
01:55it goes to show that we are targeting one and the same person.
01:59We have the affidavit of the crew ng convenience store.
02:05And let me inform everybody na noon pong nagkaroon ng drug net operation,
02:10yung pong crew ng convenience store was present inside the patrol car.
02:18So kasama po siya.
02:19Kaya po nung nag-overtake po yung motor ng suspect at yung suspect,
02:25yun po yung time na sinabi ng biktima yung crew na ito po yun.
02:30Sabi ng NCRPO, walang derogatory records sa kanila ang suspect.
02:35Pero hindi kasama sa records nila ang mga kasong inaimbestigahan ng Bulacan Police na maaring kinasangkutan niya.
02:41Meron pong mga similar activities involving the same person.
02:45Ito po ay sa part ng Marilao, part sa boundary na si Del Monte, and part ng Micawaya.
02:55Coffee shops, mga gasoline stations, at yun nga po yung convenience store.
03:02Meron silang previous na business na nalugi nung time ng pandemic.
03:06So yun yung possible na reason kung bakit nagkaroon siya ng pagkagipit sa pera.
03:12So ano na siya, sagad na siya sa loan.
03:15Sinusubukan pa namin punan ng pahayag ang kaanak ng nasawing kulis.
03:18Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali ang inyong saksi.
03:23Sa loob ng siya na one, araw-araw na maglilinis ang DPWH sa magigit isang daang daluyo ng tubig gaya ng mga ilog, sapa at estero.
03:32Bahagi po yan ng Oplan kontrabaha na inilunsan ni Pangulong Bongbong Marcos.
03:37Saksi, si Maki Pulido.
03:39Batay sa Climate Risk Index ng isang Germany-based non-governmental organization,
03:48isang Pilipinas sa mga bansang pinaka-apektado ng extreme weather events noong 2024.
03:54Binanggit ang sunod-sunod na bagyong nanalasa noong 2024, kabilang ang bagyong Karina, Christine at Pepito.
04:00Sa report, ipinuntong kakaiba ang 2024 typhoon season, lalot 6 na bagyo ang tumama sa bansa sa loob lang ng 30 araw.
04:09Lagi rin daw binabagyong Pilipinas dahil sa lokasyon nito.
04:13Sa daras ding tumama ng mga bagyo, di pa nga nakarecover ang isang lugar sa bagyo at pagbaha.
04:18May darating na namang bagyo.
04:20Bagay na naranasan kamakailan sa halos magkasunod na pagtama ng mga bagyong Tino at bagyong Uwan.
04:27Kabilang sa mga pinupo na ngayon ng mga infrastrukturang nagpasikip pa o nagpabagal sa agos sa mga tubig,
04:32kaya sa susunod na siyang nabuan, araw-araw at sabay-sabay na lilinisin at palalalimi ng DPWH,
04:39ang nasa 120 daluyan ng tubig o waterways sa mga critical area, kabilang ang mga ilog, sapa at estero.
04:47We will also bring kontrabaha to Cebu, to Bacolod, to Rojas City, to Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Pangasinan,
04:55Cotabato, Dabao, Cagayan de Oro, and other places na madalas mga baha.
05:01Ininspeksyon ng Pangulo itong San Junisio Creek sa Paranaque na kung barado ay nagdudulot ng baha.
05:07Inumpisahan na rin ang dredging at cleaning sa estero sa tondo, Maynila.
05:11Ang estimate ng ating mga scientifico ay sabi nila mababawasan ng up to 60% ang pagbaha kung ito ay maging maayos na.
05:23Even after that 9 months ay patuloy lang, regular na ang paglinis, pagdisiltation, paglinis ng basura, lahat ito ay patuloy natin gagawin.
05:35Pag-aaralan ding ipag-iba mga flood control project na mas nakasama pa ayon kay Public Works Secretary Vince Disson.
05:42Kabilang dyan ang pumping station sa Quezon City na itinayo sa ibabaw mismo ng creek
05:47at ang pagpapasimento ng ilalim ng creek ng Riverside Extension sa Barangay Commonwealth.
05:52Ayon sa Quezon City Hall, nakasama pa sila sa daloy o nagpapaapaw ng tubig.
05:57Marami sa mga pumping station natin mula ng itinayo ay hindi pa gumana kahit minsan.
06:03Hindi nag-operate kahit minsan. Bakit?
06:06Dahil yung pumping station mismo sa paglagay nila, yun pa ang nakaharang sa tubig.
06:14At imbis na magbigay ng solusyon, ito pa ang naging problema.
06:19Kasama ng Pangulong nag-inspeksyon ng ilang negosyanteng tutulong sa offline kontrabahan ng gobyerno.
06:24This is not an instant solution. In the long term, we have to go upstream and look at the watersheds.
06:31I'm very optimistic that once we get the majority of this done, maramdaman na kaagad natin na pagdating ulit ng tagpulan next year, malaki na yung mababawasan sa flooding.
06:43Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong sakti.
06:48Inireklamo na isang grupo ng mga BPO employee ang isang daang BPO company.
06:55Dahil po yan sa puresahan umanong pagpapapasok ng mga kumpanya sa kanilang mga empleyado noong kasagsagan ng Super Bagyong One.
07:03Saksi si Vaughan Aquino.
07:04Naglabas ng placard sa harap ng tanggapan ng Department of Labor and Employment sa Maynila,
07:12ang mga membro ng BPO Industry Employees Network of Bien Philippines.
07:16Matapos nilang maghain ng reklamo laban sa ilang BPO companies na pwersangan-a nilang nagpapasok sa kanilang mga empleyado
07:24sa kabila ng pananalasa at epekto ng Super Typhoon Uwa noong weekend.
07:29Dalawandaang reports daw ang kanilang natanggap mula sa mga BPO employees sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.
07:35Tingin nila may mga posibleng paglabag sa Occupational Safety and Health Law
07:39at mga panuntunan ng dole kaugnay ng suspensyon ng trabaho at proteksyon sa mga manggagawa sa gitna ng masamang panahon.
07:46Meron din mga management level, supervisory level na hindi pinaabot doon sa mga workers yung options na yun.
07:55So napilitan sila na pumasok despite the fact na pwede pa lang mag-work from home arrangement or flexible arrangement.
08:02Ang gole, sinimula na raw ang kanilang investigasyon sa isang daang BPO companies na inireklamo ng Bien Philippines.
08:09Meron ang inawang pagpapatawag. For example, sa LPR, magharap-harap pa sila.
08:15So meron na at hihintay na lang namin ito ang ito mga particular na mga action or reports
08:21sa ito mga regional offices kung saan nandoon, nakalukis, yung mga nakalista sa letter ng Bien.
08:30Tiniyak ni Sekretary Bienvenido Laguesma na sineseryoso nila ang mga ganitong reklamo ng mga manggagawa
08:36dahil prioridad ang kanilang kaligtasan at proteksyon.
08:39Pero bibigyan din daw ng due process ang mga inireklamong BPO companies.
08:44Ang gusto namin ma-resolve pa ng issue dito yung pinipwersa or test to report for hormig
08:50at ito yun. Dapat hindi pinipwersa ang pagdagawa.
08:54Hindi dapat na malalit sa panganib ang kanilang buhay, ang kanilang kaligtasan.
09:01At syempre, alam mo nga tayo mga Pilipino, pag mayroong mga kalabidad,
09:05gusto natin na mabantayan o pagiling natin ang ating pamilya.
09:08Ayon sa Dole, ang mga kumpanyang mapapatunayang lumabag sa Occupational Safety and Health Law
09:14maaring maharap sa pananagutang administratibo, criminal at civil kung nagdulot ng injury o sakit
09:21matapos ang pwersahang pagpapapasok sa empleyado.
09:25Sa isa namang pahayag tiniyak ng IT and Business Process Association of the Philippines,
09:29o IBPAP, na ang kanilang mga miyembrong kumpanya ay tumatalima sa Dole Regulations,
09:35Circulars at Labor Advisories sa panahon ng kalamidad at iba pang extraordinary events.
09:42Binigyan din nila na ang kapakanan ng mga empleyado ay nananatiling nasa puso ng kanilang industriya.
09:48Win-a-welcome umano nila ang inspeksyon ng Dole at kinikilala ang regulatory authorities.
09:54Para sa GMA Integrated News, Bon Aquino ang inyong saksi!
09:59May bago pong mamumuno sa Bureau of Internal Revenue, o BIR.
10:04Itinalagaan ni Pangulong Bobo Marcos si Finance Undersecretary Charlito Mendoza bilang bagong BIR Commissioner.
10:11Papalitan niya sa pwesto si Commissioner Romeo Lumagi Jr.
10:17Pinayimbisigahan ng Independent Commission for Infrastructure, o ICI,
10:21ang mga flood control projects sa Cebu, kasunod po ng paghagupit sa probinsya ng Bagyong Pino.
10:27Saksi si Joseph Moro.
10:29150 ang patay, 57 ang nawawala at mahigit apat na raan ang sugatan sa probinsya ng Cebu ng Manalasa ang Bagyong Pino.
10:40Kung tutusin, may 26 billion pesos na halaga ng mga flood control projects sa probinsya.
10:4550 billion pesos pang araw yan, sabi ni Department of Public Works and Highway Secretary Vince Dizon.
10:51Ngayon, pinayimbisigahan na yan ni Independent Commission for Infrastructure, o ICI Chairman, Justice Andres Reyes Jr.
10:57ayon kay ICI Special Advisor, General Rudolfo Azurin Jr.
11:02Bakit ganun yung nangyari despite sa napakalaki ng funding na dinala doon?
11:09We are now getting yung mga bid documents through the help of the CIDG and the NBI kasi meron silang sub-pina power.
11:18Ibabanggan namin yan doon sa actual na implementation ng mga projects.
11:21Sabi naman ni Dizon, may kabukod pang report ng DPWA sa Cebu na isisumitin nila sa ICI.
11:27Alam naman natin, may master plan, yun, di ba?
11:30Na pinakita yung Pangulo natin nung nag-briefing kami sa mga officials ng Cebu.
11:352017 yung master plan ngayon.
11:38Pero, imbes na yung mga proyekto na nakagagay sa master plan ng implement, hindi yun ang mga in-implement.
11:43We're already looking at the project components of the master plan and what were implemented and what were not implemented.
11:52Ang investigasyon sa Cebu na ginagawa ng Independent Commission for Infrastructure o ICI,
11:57bahagi ng mas malawak na investigasyon na ginagawa nito sa lampas 400 na mga suspected ghost flood control projects sa buong bansa.
12:07Nagpatawag ng high-level meeting ang ICI sa Camp Krame kanina kasamang Armed Forces of the Philippines,
12:13Philippine National Police, Ombudsman, DOJ, DPWH at iba pang ahensya.
12:18Ang goal is to coordinate and validate yung current list.
12:23May mga teams na naumiikot, pero kailangan bawat team kumpreto ng abogado, engineer, at kumpreto yung akses sa DPWH documents.
12:35Ayon kay Asurin, bubusisiin nila ang 80 sa mga ito dahil sangkot sa mga proyektong ito ang top 16 ng mga kontraktor na pinangalanan ng Pangulo na nakakuha ng pinakamaraming flood control projects.
12:47Meron ang focus.
12:47Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong, ang inyong saksi.
12:55Mga kapuso, bago sa saksi, isang sunog ang sumiklab sa residential area sa barangay San Roque sa Antipolis City, pasado alas 8.30 ngayong gabi.
13:04Mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga pahay.
13:08Na-apula rin ang sunog, pasado daskishis, ngayong gabi.
13:12At inaalam pa ang sanhinang sunog at ang halangan ng pinsala sa aliyan.
13:17Nag-iimbisaga na ang DNR at ang Cebu City LGU sa isang mala Rice Terraces na residential project.
13:25Isa po ito sa sinisisi sa matinding pagbaha nung manalasa ang bagyong Tino.
13:30Saksi si Dano Tingkungko.
13:32Ito ang The Rice at Monterazas, isang high-end residential project na sinimula nung 2024 sa may barangay Guadalupe sa Cebu City.
13:45Kakaiba ang proyekto dahil nasa burol mismo ang development at ginawang malabanawi Rice Terraces ang gilid nito para matayuan ng mga bahay.
13:53Sa Facebook page ng The Rice at Monterazas, pinakita na ang tatlong ektaryang property na may mga luxury villas.
14:01Ngayon, isa ang Monterazas project sa sinisisi sa malalang pagbaha nung nakaraang linggo sa Cebu City.
14:07Ang baha noon, muntikan ng umabot sa bubunga ng mga bahay.
14:11Ayon sa mga residente, ito ang unang pagkakataong nangyari ito sa kanilang lugar.
14:15Baka raw dahil pinutul ang mga puno at nawala ang forest cover, kaya dire-diretsyo na ang tubig ulan pababa sa mga kabahayan.
14:23Kinatatakutan nila baka lumalapa ang problema kung hindi ito maagapan.
14:26Sa inyong gilidahan sa tugikan to tubigas?
14:29Dito, ginas babaw, gigikan mam. Sabukin, ginagigikan.
14:31Kaya na, ilagin mo nga Monterazas?
14:33Possible, gyan.
14:33Iwan na may lain, kaya direts ako doon lupi, kika na mung dalang dea street, kina, igo, ginasam mo agad niya.
14:37Bumuuna ang Department of Environment and Natural Resources ng isang team para magsagawa ng masusing imbesigasyon ng proyekto.
14:45Kapag daw may nakitang paglabag sa kanilang Environmental Compliance Certificate o iba pang regulasyon,
14:51hindi mag-aatubili ang DNR na magpataw ng mga parusa gaya ng suspension, penalties at iba pa.
14:57Sinabi rin ang DNR na kahit may tree cutting permit ang developer, malaki daw ang nabawas sa mga puno sa lugar sa loob ng tatlong taon.
15:04Sa Sendro, Cebu City, kasi meron tayong ginawa na tree inventory last in the year 2022.
15:12It recorded 745 trees.
15:15Ngayon, nung nag-conduct tayo ng interview last Friday, it appears na 11 na lang, 1-1 yung out of 745 na mga kahoy during the inventory.
15:28Meron talagang tree cutting permit yung proponent.
15:31Sinimula na rin ang Cebu City LGU ang imbesigasyon sa proyekto dahil sa mga reklamong dulot ng bahak.
15:37Kung ingon sila itong i-close, then we will do that.
15:40Now, kung ingon na ito, kinanglan inyong nipadak ang inyong catchment para sa kayuhan sa syudad o sa mga tao na nasa ubos, then we will let them do that.
15:48Hiniingan pa namin ang pahayag ang developer.
15:50Pinuntahan din namin ang tanggapan ng Monterasas ni Cebu, pero ayon sa gwardya doon, walang pwedeng humarap sa team.
15:56Para sa GMA Integrated News, ako si Dana, tingkung ko ang inyong saksi.
16:01Mga kapuso, maging una sa saksi.
16:04Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Recommended
1:14
|
Up next
0:41
1:18
1:20
1:36
0:48
1:01
4:19
1:04
Be the first to comment