Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa loob ng siyam na buwan, araw-araw na maglilinis ang DPWH sa magigit isang daang daluyo ng tubig gaya ng mga ilog, sapa at estero.
00:09Bahagi po yan ng Oplan Kontrabaha na inilunsan ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:14Saksi si Mackie Polido.
00:19Batay sa Climate Risk Index ng isang Germany-based non-governmental organization,
00:24isang Pilipinas sa mga bansang pinaka-apektado ng extreme weather events noong 2024.
00:30Binanggit ang sunod-sunod na bagyong nanalasa noong 2024, kabilang ang bagyong Karina, Christine at Pepito.
00:37Sa report, ipinuntong kakaiba ang 2024 typhoon season, lalot 6 na bagyo ang tumama sa bansa sa loob lang ng 30 araw.
00:46Lagi rin daw binabagyong Pilipinas dahil sa lokasyon nito.
00:49Sa dalas ding tumama ng mga bagyo, di pa nga nakarecover ang isang lugar sa bagyo at pagbaha.
00:54Ay darating na namang bagyo.
00:56Bagay na naranasan kamakailan sa halos magkasunod na pagtama ng mga bagyong Tino at bagyong Uwan.
01:03Kabilang sa mga pinupuna ngayon ng mga infrastrukturang nagpasikip pa o nagpabagal sa agos ng mga tubig.
01:09Kaya sa susunod na siyang nabuan, araw-araw at sabay-sabay na lilinisin at palalalimin ng DPWH,
01:15ang nasa 120 daluyan ng tubig o waterways sa mga critical area, kabilang ang mga ilog, sapa at estero.
01:23We will also bring kontrabaha to Cebu, to Bacolod, to Rojas City, to Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Pangasinan, Cotabato, Davao, Cagayan de Oro, and other places na madalas mga baha.
01:38Ininspeksyon ng Pangulo itong San Dionisio Creek sa Paranaque na kung barado ay nagdudulot ng baha.
01:44Inumpisahan na rin ang dredging at cleaning sa estero sa Tondo, Maynila.
01:47Ang estimate ng ating mga scientifico ay sabi nila mababawasan ng up to 60% ang pagbaha kung ito ay maging maayos na.
01:59Even after that 9 months ay patuloy lang, regular na ang paglinis, pagdisiltation, paglinis ng basura, lahat ito ay patuloy natin gagawin.
02:12Pag-aaralan ding ipag-iba ang mga flood control project na mas nakasama pa ayon kay Public Works Secretary Vince Disson.
02:19Kabilang dyan ang pumping station sa Quezon City na itinayo sa ibabaw mismo ng creek
02:23at ang pagpapasimento ng ilalim ng creek ng Riverside Extension sa Barangay Commonwealth.
02:29Ayon sa Quezon City Hall, nakasama pa sila sa daloy o nagpapaapaw ng tubig.
02:34Marami sa mga pumping station natin, mula ng itinayo ay hindi pa gumana kahit minsan.
02:40Hindi nag-operate kahit minsan. Bakit?
02:43Dahil yung pumping station mismo sa paglagay nila, yun pa ang nakaharang sa tubig.
02:50At naging prob, imbis na magbigay ng solusyon, ito pa ang naging problema.
02:56Kasama ng Pangulong nag-inspeksyon ng ilang negosyanteng tutulong sa offline kontrabahan ng gobyerno.
03:01This is not an instant solution. In the long term, we have to go upstream and look at the watersheds.
03:08I'm very optimistic that once we get the majority of this done, maramdaman na kagal natin na pagdating ulit ng tagulan next year,
03:18malaki na yung mababawasan sa flooding.
03:20Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
03:25Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:29Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended