Skip to playerSkip to main content
  • 3 hours ago
PNP, pinaghahandaan ang posibilidad na may manggulo sa kilos-protesta sa Nov. 16-18 | Ulat ni Ryan Lesigues

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Lansyado na ang ipadutupad na seguridad ng PNP sa tatlong araw na kilos protesta ng Iglesia ni Cristo.
00:07Yan ang ulat ni Ryan Lesigues.
00:11Pinaghahandaan na ng Philippine National Police ang posibilidad na may manggulo na ibang grupo
00:16sa ikakasang malaking kilos protesta ng isang religious group sa Maynila,
00:20gaya ng nangyari noong September 21.
00:23Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Randolph Tuanyo,
00:27Lansyado na ang siguridad na ipadutupad ng PNP.
00:31Bukod sa religious group, nag-apply na rin ng permit sa Quezon City
00:35ang United People's Initiative na grupo ng mga retiradong militar.
00:39Ang PNP, magpapakalat ang halos 15,000 pulis para sa siguridad sa buong Maynila.
00:45Pinakamarami ang deployment na inilaan ng pulisya sa Mendiola na nasa mahigit 3,000
00:50habang nasa halos 2,000 naman ang mga pulis na ipupuesto sa Ayala Bridge.
00:55Wala po tayo natatanggap na anumang pong banta pero kung meron man po,
00:58hindi po natin ikikipit balikat ito, magkakaroon po agad tayo ng assessment.
01:02Nasa 300,000 ang inasahang makikisa sa naturang rally.
01:06Lahat po ng contingencies ay nakaprepare.
01:09Ang ating pong QCP net ang buong NCRP o base na rin po sa kutusan ng ating pong chief,
01:13yung National Police.
01:14Kaya naman magpapatupad ng traffic rerouting ang MPD.
01:18Sinabi ni MPD spokesperson Police Major Philip Inez na meron silang isasarang mga kalsada
01:24bilang bahagi ng ipatutupad nilang siguridad.
01:27Kabilang dyan ang southbound lane ng Rojas Boulevard mula Katigbak hanggang Pio Campo.
01:32Isasarado din ang northbound lane ng Rojas Boulevard mula President Quirino Avenue hanggang Katigbak Drive.
01:39Maging ang southbound ng Bonifacio Drive patungo sa Anda Circle hanggang sa Katigbak Drive.
01:44Sarado din sa mga motorista ang bahagi ng South Drive, Independence Road, P. Burgos Avenue hanggang Taft Avenue.
01:52Ganon din ang finance road mula P. Burgos Avenue hanggang Taft Avenue.
01:56Ang Maria Rosa Street mula Burgos Avenue hanggang Kalaw Avenue.
02:00Taft Avenue hanggang Rojas Boulevard.
02:02Maging ang roundtable patungo ng Palacio Street at General Luna ay hindi rin madaraanan ng mga motorista.
02:08Ang sa atin po dito, tinitignan po natin dito, hiling din natin dun sa ating mga kababayan, natulungan din po kami.
02:15Kasi sabi nga po natin, alam po natin sa lunsod ng Maynila, talagang halos araw-araw po may mga protesta kami.
02:23At sa atin naman po, palagi po natin nandun po yung pag-respeto natin sa karapatang pantao
02:28at karapatan po ng mga kababayan natin magpahayag ng kanilang mga salawin.
02:32Sa mga susunod na araw ay muling magpupulong ang PNP at mga organizers ng protesta para sa dagdag siguridad ng aktibidad.
02:39Samantala, pinaiimbestigahan na ng Malacanang sa Armed Forces of the Philippines
02:44ang inilabas na listahan ng kolumnista na si Ramon Tulfo
02:48na nasa likod umano ng destabilisasyon o tangkang pagbuwag sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
02:55Nasa kamay na aniya ng intelligence community ng sandatahang lakas ng Pilipinas ang mga lumitaw na pangalan.
03:02Ayon sa Malacanang, hindi dahil ibinalandra ang mga pangalan sa mga social media ay totoo
03:08at dapat ng pagkatiwalaan.
03:10Dapat aniya itong i-validate at pag-aralang mabuti.
03:13Kailangan po kasi talaga maimbestigahan ito
03:16at kasi maaari sabihin nila ito ay freedom of expression.
03:20Pero muli, titignan natin kung ano ang hangganan
03:24at kailangan po talaga itong mapaimbestigahan kung ito po ay parte na po talaga ng destabilisasyon.

Recommended