- 4 hours ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Mga kapuso, gusto lang naman makamura sa bibilhing gamot para sa misis ang dumulog sa inyong kapuso action man.
00:09Pero ang karaniwang dalawang linggo lamang sanang overseas delivery, inabot ng siyam-syam.
00:15Ang problemang yan, aming pinaaksyonan.
00:17Na-diagnose na may congenital heart disease at severe pulmonary hypertension, Pebrero ngayong taon, ang kinakasama ni Jims.
00:33Para makamura sa gamot, nag-desisyon silang bumili sa ibang basa.
00:36Wala naman daw naging problema noong una, pero ang in-order nilang mga gamot nitong Agosto.
00:41Na-asahan po namin yung gamot na darating mga two weeks pagkatapos po namin in-order, pero hindi po dumating.
00:48Ang lumalabas po kasi doon sa tracking, na-hold daw po sa Bureau of Customs.
00:53Naipasa na rao ng pamilya ang lahat ng mga kailangan dokumento sa BOC.
00:58Lahat po ng mga requirements na kailangan isubmit, kagaya po ng clinical abstract, yung mga quotation po ng gamot, tas yung result po ng hemodynamics.
01:09Hindi po sila nag-reply.
01:10Habang tumatagal ang kanilang paghihintay, mas lumalala rin ang kondisyon ng kinakasama ni Jims.
01:17Yung sa patient po, nahihirapan po siya eh. Nakikita po namin na parang hirap po siyang huminga sir.
01:22Tapos kailangan na po niya mag-oxygen ng 24 hours.
01:26Kung naisubmit po namin yung mga requirements, sana naman po, maikumply po nila agad yung mga, ma-send po nila yung mga gamot.
01:34Ang naturang inaing, agad na itunulog ng inyong kapuso, action man, sa akensya ng gobyerno.
01:40Ipinaliwanag ng Bureau of Customs ang prosesong kailangan daanan ng mga dumarating na parcela sa bansa.
01:49Ang kanyang parcel po ay naglalaman ng mga regulated drugs under Food and Drug Administration po.
01:55At sangayon po sa BOC-FDA Joint Circle No. 1 po,
01:59ang mga regulated drugs po ay nangangailangan po kasi ng doctor's prescription upang ma-process po at ma-release sa ating Bureau of Customs.
02:06Kasama po ng Receive of Proof of Payment, kanisunod po sa Section 701 ng CMT upang ma-determine po kung ang kabuwang halaga po ng pinatala ay taxable o hindi.
02:16Nagkaroon naman nun ang delay sa koordinasyon ng kanila ahensya sa Philippine Postal Corporation of Philpost.
02:22Ang pangawing opisina po, yung mihingi po ng oman hinsa, nangyari po na ito.
02:26Nagkataon din po ng mga panahon po na yun, yung nagkasunod-sunod po, yung work suspension po,
02:30tapos yung holiday po natin, nagkasunod-sunod po, tapos yung nagkaroon din po ng kakulangan ng tao, yung Philpost.
02:39Makaraang ma-verify ng BOC ang mga dokumentong na ipasa ni Jims.
02:44Natanggap na nila ang mga gamot nitong unang linggo ng Oktubre.
02:49Nagpapasalamat po kami kay Sir Emil Sumangil po dahil sa agarang aksyon po.
02:54Mission accomplished tayo mga Kapuso.
03:01Para sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page
03:05o magtungo sa GMA Action Center sa GMA Network Drive Corner sa Maravino, Diliman, Quezon City.
03:10Dahil sa anong magreklamo, pang-aabuso o katuliyan, tiyak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
03:17Ilang araw ng usap-usapan online kung paano tila nalusaw umano ang mata ng bagyong uwan nang tumama sa Sierra Madre.
03:25Sabi ng mga eksperto, landfall ang nagpapahina sa isang bagyo pero may epekto pa rin ang mga bundok.
03:33Sabi naman ng isang grupo, makakatulong yan kontrabaha kung hindi kalbo.
03:38Ang estado ng mga gubat ng Sierra Madre sa pagtutok ni Chino Gaston.
03:42Hindi na iwasan ang pananalasan ng bagyong uwan sa North Luzon.
03:52Pero paniwala ng marami, mas marami pa ang nawalang buhay, bahay at kabuhayan kung wala.
03:58Ang mga kabundukan sa Luzon, particular ang bulubundukin ng Sierra Madre.
04:02May mga nagpost pa sa social media na tila ba diwata ang Sierra Madre.
04:14Mga nagpunto pang tila nalusaw ang mata ng bagyong uwan nang tumama sa Sierra Madre batay sa satellite image nito.
04:22Pero pinahihina nga ba talaga ng mga bundok ang isang bagyo?
04:26Medyo tama raw ang pananaw na yan ayon sa pag-asa.
04:30Pero ang nagpapahina talagaan nila ng bagyo ay ang pagtama nito sa kalupaan o landfall.
04:37Regarding naman dun sa structure ng bagyo, kung saan napapansin nga po ng iba, buong-buo yung mata niya dito sa may Philippine Sea.
04:44Pero pagtama dito sa kalupaan ng Sierra Madre, nabasag yung kanyang sirkulasyon.
04:48Definitely, may effect din po yung matataas na mga lugar, yung mga mountainous areas ng Sierra Madre,
04:54ng Carabalho and Cordillera Mountain regions dito po sa structure o itsura ng isang bagyo.
04:59Kaya madalas hindi na natin nakikita yung ikot o yung sentro o mata ng bagyo kapag tumama na ito sa kalupaan.
05:06Sa ginawang simulation ng mga atmospheric scientists ng UP, may bundok man o wala ang Luzon, halos pareho lang.
05:14Ang paghina ng bagyo kapag nakarating na sa lupa.
05:17Ayon sa kanya, lumalakas kasi talaga ang bagyo sa dagat dahil sa nag-e-evaporate na tubig.
05:23We simulated 40 plus na bagyo na dumaan sa Luzon.
05:28So ginawa namin is dun sa isang simulation, nandiyan si Sierra Madre.
05:32Another simulation, flinaten namin si Sierra Madre.
05:36So ang tanong ngayon ay kung malakas yung effect ni Sierra Madre.
05:39So ibig sabihin, dun sa flattened, hindi kaano hihina yung bagyo.
05:44Dun sana dyan si Sierra Madre hihina yung bagyo.
05:46And it turns out na medyo same lang yung paghina ng bagyo.
05:52Hindi man ganoon galaki ang epekto sa mismong pagpapahina ng bagyo,
05:56malaking tulong naman ito sa pagsalo ng ulang ibinubuhos ng bagyo kung hindi pa kalbo ang mga gubat nito.
06:03I just save Sierra Madre Network Alliance kung sira na ang mga gubat.
06:08Mas malaki ang tsansa ng pagguho ng lupa at tuloy-tuloy nadadaloy ang ulang magpapabaha sa kapatagan.
06:16At bagaman nakakatuwaan nila ang mga meme at contact na nagdidiin sa papel ng Sierra Madre,
06:23sanaan nila hindi lang sa social media ang mga hakbang para protektahan ang Sierra Madre.
06:28Kalat-kalat yung iba't iba mga quarrying companies, nickel companies, mga mining companies.
06:35Actually, doon sa Nueva Vizcaya nga ay mayroong nakakuha ang permit ng isang mining corporation.
06:44The same way ay yung ongoing na pagtatayo ngayon ng Kaliwaddam na talagang malawakan na tinututulan nito
06:51ng mga partners namin mga katutubo.
06:54Gusto namin sa organization na mag-translate yung creativity sa social media into warm bodies
07:02na naglalobby sa DNR, nagko-community organizing, nagsasama-sama para mag-tree planting.
07:13Mas tingin ko yun yung challenge doon sa marami mga netizens.
07:17Sa datos ng GMA News Research, patuloy na lumiliit ang kagubatan ng Sierra Madre na napapaloob sa 10 lalawigan ng Luzon.
07:25Ang mahigit 1,800,000 ektarya nitong gubat noong 2003 na bawasan na ng mahigit 130 ektarya batay sa survey noong 2020.
07:37Kung magpapatuloy ang ganitong bilis na pagkalbo, posible umanong mga lahati ang kagubatan sa Sierra Madre sa taong 2031.
07:45At sa 2075, tinatayang one-fourth o 25% na ng kagubatan ang matatapyas.
07:52Sa taong 2030, tinatayang kasing lawak ng Metro Manila ang makakalbong kagubatan.
07:58Nangunguna sa pinakamalaking porsyento ng nabawas na gubat ang mga lalawigan ng Rizal, Nueva Ecija at Cagayan.
08:06Sinisika pa namin makuna ng bahayag ang DENR.
08:10Para sa GMA Integrated News, sino gasto ng katutok? 24 oras.
08:21Binubuunan ang Technical Working Group ng Senate Justice and Human Rights Committee
08:26ang panukalang batas para sa pagbuo ng Independent People's Commission.
08:32Ayon sa chairman itong si Sen. Kiko Pangilinan, mas may pangil ang IPC na layong pumalit sa Independent Commission on Infrastructure o ICI.
08:44Magkakaroon daw ito ng kapangyarihang magpadala ng sumpina, makapag-freeze ng asset,
08:50magbusisi ng mga record ng bangko at kontrata, makapag-kumpis ka at makapag-contempt.
08:57Target ng Senado na pagdibatihan ang panukala bukas at maipasang kanilang versyon bago matapos ang taon.
09:06Nag-recommenda na ng abogado si Vice President Sara Duterte para kay Sen. Bato de la Rosa
09:10kaugnay ng posibilidad na ipa-aresto siya ng ICC.
09:14Maipuna rin ang bisya sa takbo ng imbestigasyon sa flood control projects.
09:18Nakatutok si Adrian Prietos ng GMA Regional TV.
09:22Noong Abril pa lang daw, sinabihan na ni VP Sara Duterte si Sen. Bato de la Rosa
09:30na maghanda sa anumang mangyayari patungkol sa kaso nito sa ICC.
09:35Noong nabalitaan ko po na nagsalita si Ombudsman na rumuya patungkol sa ICC warant,
09:43ay message ko si Sen. Bato de la Rosa.
09:47Nakausap ko yung anak niya si Paki de la Rosa at nag-refer ako ng isang lawyer
09:51na nakausap din namin noon na isang King's Council at nakabase yung kanilang opisina doon sa England.
10:01Ilang araw nang umuugong ang mabalitang maaaring ipa-aresto si de la Rosa
10:05dahil sa naging papel nito sa madugong war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
10:10Nagsalita ang pangalawang Pangulo matapos dumalaw sa mabiktima ng Bagyong Tino sa Himamaylan,
10:17Negros Occidental kung saan halos isang daang libong residente ang naapektuhan.
10:21Dito, kanya rin binatikos ang takbo ng imbisigasyon sa mga flood control projects.
10:26Alam na natin kung sino yung mga tao na may kagagawan noong anomalia korupsyon sa ating budget
10:37pero hanggang ngayon ay wala pa rin nananagot. Puro lang investigasyon.
10:45Bukod sa Himamaylan City, pumunta rin ang vice-presidente upang magdala ng tulong sa Binalbagan,
10:51Moises Padilla, La Castellana, La Carlota City, Bagos City at Sabacolod City.
10:56Kabood lagi ganyanit sir. Kabood lagi ganyanit.
11:00Kati yung Tobi ang diferentsya.
11:01Sobra-sobra, ganyan yung experience. First time pa lang natin na nagamo, bala sinaw.
11:07Pagpuli naman sa balay, ang important sa kusina, wasak nga.
11:12Tapos ng patisyo naman, pagkanto sa kusina, wasak naman.
11:16Sa ano, guro ng tubig, bala sa pressure, guro ng tubig, nga porte kadasig.
11:20Kasama sa pinoproblema ng mga residente particular si Himamaylan, ang supply ng tubig.
11:24Kalako ang isyo, no? So buong gina-rush naman, kaya may arat, kaya may arat, kaya may water filtration machine.
11:31Nga drasagin patindog naman sa amon yung Regional Evocation Center.
11:35Kilanan pa i-inspeksyon nun ang puta-bolgid siya.
11:38Sa ngayon, water rationing lang muna ang pagsamantalang solusyon ng LGU.
11:43Mula sa GEME Regional TV at GEME Integrated News, Adrian Prietos. Nakatutok 24 oras.
11:50Kung hindi tapos, eh hindi umunod talaga na itayo ang ilang flood control projects sa Davao City at Davao Occidental ayon kay Congressman Terry Ridon.
12:00Kakausapin niya ang ICI para maisama yan sa kanilang investigasyon.
12:05At nakatutok si Tina Pangniban Perez.
12:07Ayon kay House Infrastructure Committee Co-Chair Terry Ridon, February 2025, dapat sinimulan ang pagtatayo ng flood control structure sa parangay Kinangan, Malita, Davao Occidental.
12:24Mukhang ito rin daw ang lugar na inereklamo ni DPWH Secretary Vince Nison na may ghost project mula pa noong 2021.
12:31This is a typically new project. Ito po ay Feb 2025 project. Pero ito nga po, this has been looked into and nakita na wala pa rin pong nagagawang proyekto rito.
12:48Ito rin po yung area na nagre-reklamo si Secretary Dizon kung saan po meron po mga proyekto na parang mga ghost projects.
12:58Nagpakita rin si Ridon ng mga litrato na mga tinatawag na problematic projects o yung incomplete, unconstructed at poorly situated projects na nasa Davao Occidental at Davao City mula pa noong 2021 hanggang 2023.
13:16I think very clear po na there's every reason for the ICI to basically go into Davao City to go into Davao Occidental dahil nakita ho talaga natin dito na hindi ho totoo na lahat po ng mga proyekto ay kompleto, na lahat po ng mga proyekto ay wala pong problema.
13:40Ayon kay House Infracom Co-Chair Terry Ridon, kakausapin niya ang Independent Commission on Infrastructure para ang mga proyektong ito ay maisama sa investigasyon nito.
13:51Balak din daw niyang ibigay ang mga proyektong ito sa ombudsman.
13:55Satanggapin namin yan and it will be part of our investigation and our review.
14:00So we would welcome any information with regard to our mandate which is to investigate anomalous flood control projects at the same time other infrastructure projects.
14:11Sa ngayon, patuloy ang deliberasyon ng House Committee on Government Reorganization sa mga panukalang batas para sa pagbuo ng Independent Commission Against Infrastructure Corruption na magbibigay ng mas marami at mas matibay na kapangyarihan sa Independent Commission on Infrastructure.
14:31Pangako naman ang Speaker ng Kamara.
14:33Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok 24 Horas.
15:03Mabilis na chika ang tayo para updated sa Sherbiz Happenings.
15:16Nakisabay na rin sa Opalite Dance Crazy na kapu sa Primetime King and Queen, Dinglong Dantes at Marian Rivera.
15:23Comment pa ng fans sa visuals ng couple, sila aging like fine wine ang dalawa.
15:28Buin welcome ni Starstruck alumni, Vanessa Del Moral, ang kanyang baby boy.
15:37Inabot man daw ng 12 hours ang kanyang paglilabor, worth it naman ang lahat ng hirap.
15:42Nagkaisa ang GMA Network at Little Art Foundation para magpasaya ng pediatric patients sa ginanap na Art Gap Gives Back Event.
15:53Kasama sa pagbibigay-saya ang ilang sparkle artists na nakiisa rin sa i-activities gaya ng art therapy.
16:00Official nang magbabalik bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, si Senate President Potempore Ping Lakson.
16:09Walang kumontra sa botohan sa plenaryo ng Senado.
16:13October 6 nang magbitiw si Lakson bilang committee chairperson,
16:17matapos mo nung magpahayag ng dipagsangayon ang ilang senador sa takbo ng imbisigasyon ng mga flood control project.
16:24Ang pagdinig dyan ay itutuloy na sa biyernes.
16:28Iimbitahan naman o at pahihintulutan dumalok si dating congressman Zaldico kahit online sa pamagitan ng video conferencing.
16:38Imbitado rin si na dating house speaker Martin Romualdez,
16:42ang labing-pitong congressman na pinangalala ng mga diskaya,
16:46at si congressman Eric Chiap na dating house appropriations committee chairman.
16:50Panawagan ni dating United Nations Secretary General Ban Ki-moon,
16:56pakikipagtulungan ng lahat para sa paglutas ng mga problema sa buong mundo.
17:00Sa kanyang talumpati sa Asian Forum on Enterprise for Society,
17:05binigyan diin ni Ban ang kalagahan ng climate justice na dapat anyay ipinatuto pa din sa Pilipinas.
17:11Naniniwala si Ban na makalagang maging global citizen sa ang lahat at magkaisa,
17:15lalo't kinakaharap ng buong mundo ang iba't ibang krisis.
17:18Kaya, sabi ni Ban, dapat magtulungan ang mga pinuno ng gobyerno,
17:23mga business leader at mga mamamayan.
17:29Fresh from her US trip, napa-reminis muna si Barbie Forteza sa kanyang sparkling moments
17:34pag ang 30th anniversary ng Sparkle GMA Artist Center.
17:38Isa si Barbie sa makikicelebrate dyan this coming Saturday.
17:42Makichika kay Nelson Canlas.
17:44Sa mahigit isa't kalahating dekada,
17:50kasakasama na ni Barbie Forteza ang Sparkle GMA Artist Center.
17:55Karamihan ng kanyang mga desisyon sa buhay,
17:57mapakarir man o personal,
18:00kasama at kasanggan niya ang Sparkle.
18:03Nasaksihand din ang Artist Management Arm ng Kapuso Network
18:06ang pag-usbong ni Barbie from a budding teen artist
18:09to being the kapuso drama princess that she is now.
18:14At hindi raw malilimot ni Barbie ang kanyang Sparkle moments.
18:17I am very grateful to say that na marami akong sparkling moments with Sparkle.
18:24Number one na dyan syempre yung Maria Clara at Ibarra
18:26dahil yun talaga ang naging umpisa ng maraming blessings
18:31and nasundan syempre ng magaganda pang proyekto,
18:35pelikula, Pulang Araw, Beauty Empire,
18:38nagroon ng P77, saka Contra Vida Academy.
18:42At ngayong nagseselebrate ng 30-year anniversary ang Sparkle.
18:46Isa si Barbie sa maraming stars na makikisaya sa Sparkle 30,
18:51isang show na gaganapin sa Sabado, November 15,
18:54sa Moa Sky Amphitheater.
18:57Lahat kami, we're very excited
19:00dahil isa siyang napakalaking event to celebrate Sparkle.
19:04So ang saya kasi talagang lahat ng Sparkle artists nandun
19:09and lahat din syempre ng supporters,
19:11ng lahat ng artista looking forward sa gabing yun.
19:14Kababalik lang ni Barbie mula sa kanyang US trip
19:17kung saan binisita niya ang kanyang kapatid
19:19from her IG-worthy photos sa Chicago
19:22hanggang doon ay game na game ding lumahok
19:25sa isang fun run si Barbie.
19:28Nag-share din sya ng unforgettable moments from the past month.
19:32Nelson Canlas updated sa Showbiz Happenings.
19:35Sarado ang ilang kalsada sa Nueva Vizcaya
19:39dahil sa mga landslide dulot ng bagyong uwan.
19:43At live mula roon, nakatutok si Rafi Tima.
19:46Rafi!
19:49Vicky, narito tayo ngayon sa Nueva Vizcaya,
19:52Pangasinan Road kung saan nga ngayon nga
19:54ay sarado pa rin itong kalsadang ito.
19:56Shortcut sana ito mula dito sa Santa Fe
20:01papunta sa direksyon ng Pangasinan.
20:06Pero ngayon nga ay sarado ito
20:07dahil sa mga landslide na katulad nito.
20:09Napakalaki na itong landslide nito.
20:11At series ito ng mga landslide.
20:12Isa lamang ito sa ating mga nadaanan.
20:15Pero pwede lang dumaan dito ay mga motor.
20:17Pero mga dalawang kilometro mula rito
20:19ay talagang cut-off na raw yung kalsada
20:22at medyo matatagalan bago ito mabubuksan.
20:25Kung kaya tas ang mga gustong magtungo
20:26sa direksyon ng Santa Fe
20:28o kay Dadaan ng Dalton Pass,
20:30kailangan nyo nang dumaan sa Maharlika Highway.
20:32Ito yung talagang major na thoroughfare
20:34na marami rin traffic ng mga malalaking track.
20:37Kaya ito dapat yung pinakamabilis na daan
20:39at ito yung dinadaanan ng mga maliliit na sasakyan.
20:42Pero ngayon nga po ay sarado na itong kalsadang ito
20:44at hindi patiyak kung ka rin itong mabubuksan
20:47dahil sa malalaking mga guho na katulad nito
20:49at makikita pa may mga malalaking bato-tipak ng bato
20:52na nandito pa rin na nakaharang sa kalsada.
20:56Ang abiso pa rin ng mga otoridad dito,
20:58motor lamang ang pwedeng dumaan dito.
20:59Pero again,
21:00tatlong kilometro mula dito sa aking kinaroonan
21:02dito sa may barangay Burarak
21:04ay talagang cut-off na,
21:06hindi na madadaanan na mga sasakyan
21:08ang kalsadang ito.
21:10Yan pa rin ang latest mula dito
21:11sa Nueva Vizcaya Santa Fe
21:14o Santa Fe Road.
21:16Vicky?
21:18Maraming salamat sa iyo, Rafi Tima.
21:21Buhay pa pero inaanod na
21:23at napapalitan ng galit
21:24ang bukam bibig noon
21:25na pagiging matatag o resilient na mga Pinoy.
21:28Sa gitna yan ng mga sakunang pwede
21:30sanang napigil ang mga proyekto
21:31kung walang kurakot.
21:33Nakatutok si Mark Salazar.
21:39Nakasanayan na ng mga Tagarohas District,
21:41Quezon City,
21:42ang malubog sa baha.
21:43Tatlong beses pa nga kada taon
21:45sa mga nakausap ko rito
21:46sa Gumamela Street ng distrito.
21:50Sinisisinil na yan
21:50sa maling flood mitigation project na ito
21:53na nagpalalaraw sa kanilang sitwasyon.
21:55Kasi po, nung time,
21:58wala hong harang yan.
22:00Mabilis lang umagos ng tubig.
22:04Eh ngayon,
22:05magmula nung sinabing sarahan yan,
22:07ayun ang tubig.
22:09Hindi na makalabas.
22:10Mas matindi naman po ng baha.
22:12Imbis na panagutin
22:14ang maling flood control project,
22:16natutunan na lang ng komunidad na ito
22:18kung paano mamuhay sa baha.
22:20Kailangan lang may bangka
22:22sa bawat isang grupo ng bahayan.
22:24Permanente na rin itong lubid nila
22:26sa mga poste
22:27para may kakapitan
22:28habang nag-ievacuate
22:30sa Rumargas ang baha.
22:31At ang kanilang warning system
22:33gamit ang malalaking megaphone
22:35sa bawat kanto.
22:36Sanay na po kami.
22:38Awa naman ng Diyoslat
22:39ng kapitbahay namin dito,
22:40tulong-tulong.
22:42Wala naman hindi ano.
22:43Pag dumating na yung rescue
22:45yung mga amphibian boat,
22:48ginadala na sa school
22:50o dyan sa simbahan.
22:54Matagal na sa kasaysayan ng Pilipino
22:56ang resiliency
22:57o pagiging matatag
22:59ayon sa isang sociologist.
23:01Yung lugar natin
23:02ay nasa isang lugar
23:03na kung saan tayo ang gateway
23:05sa Southeast Asia.
23:06Yung lugar natin
23:07ay nasa isang lugar
23:07na kung saan
23:08yung unang takbo
23:10ng bagyo,
23:11tayo yung unang matatamaan.
23:13So,
23:14for recorded history,
23:16we are really resilient.
23:18Even ang mga foreigners
23:19na nanirahan na dito,
23:21sanarapin natin
23:21nakapag-asawa na
23:22ng mga Filipino,
23:23Filipina,
23:24nakikita nila na
23:25we are resilient
23:26and they too
23:27became resilient too.
23:29Nakalakas pa sa resiliency
23:31ang pagiging religyoso
23:32ng mga Pilipino.
23:33Ang paniniwala natin
23:34sa kung may kapal,
23:36sa Diyos,
23:36sa bathala
23:37na ito ay
23:38nagpapakita lamang
23:39ng isang mensahe
23:41na may kailangan tayong baguhin.
23:43Hindi rin bago sa mga Pinoy
23:44na idaan sa tawa
23:45at ngiti
23:46ang mga pagsubok.
23:48Pero sabi ng ilan ngayon,
23:50nakakasawa na.
23:52Lalo kung hindi naman
23:54acts of God
23:55kundi kasakiman
23:56ng mga tao
23:56ang dahilan
23:57ng tinitiis nilang sakuna.
23:59Resilience does not mean
24:00na papabayaan lang natin
24:02na matalo tayo.
24:03Hayaan mo na,
24:04nadating ulit yan.
24:05Ang resilience
24:05kasama rin dito yung
24:06malaman natin
24:08kung sino ay pananagutan
24:09sa mga bagay-bagay
24:10na supuso binapat ginawa.
24:11Sabi ni Dr. Christopher Berset
24:13ng UP National College
24:15of Public Administration
24:16and Governance,
24:18idinidikta ng bata
24:19sa gobyerno
24:19kung paano tayo
24:20magiging resilient
24:21kaso hindi naman sinusunod.
24:24Ang goal natin is that
24:25as we spend more
24:26on prevention
24:27and mitigation
24:28and preparedness,
24:29let's say sa baka
24:30o mas mababa na.
24:32So, ibig sabihin,
24:33mas kukunti yung
24:34kailangan ayudahan.
24:36Pero tila baligtad
24:37ang ginagawa
24:38para umasa tayo
24:39sa mga politikong
24:40namumudmud ng ayuda.
24:42Kung ganyan,
24:43ay hindi masasabing
24:44resilient tayo.
24:45Ang mga disaster
24:46naman din talaga
24:47ay pwedeng gamitin
24:50bilang pahagi
24:51ng politika.
24:53Kapag mas resilient
24:54na yung mga communities
24:55natin,
24:56mas kukunti na lang
24:57dapat yung
24:58mga kailangan
24:59o kakailanganin
25:00na ayuda.
25:01Nakagagalit
25:02ang flood control
25:03scandal
25:03pero sa pagputok
25:04nito,
25:05parang baharin
25:06hindi mapigil
25:07ngayon
25:07ang paniningil
25:09ng tao
25:09sa pananagutan.
25:12Sana nga
25:12hindi humupa
25:13ang galit
25:14na yan.
25:15Hindi ito
25:16katanggap-tanggap
25:16at dapat
25:17ay talagang
25:19ang mga tao
25:20mismo
25:20ay magumpisang
25:21magmonitor,
25:22maningil
25:24kung ano yung
25:25dapat na
25:26ibinibigay
25:27na servisyo
25:27ng gobyerno.
25:29Para sa GME
25:30Integrated News,
25:31Mark Salazar
25:32nakatutok
25:3424 oras.
25:36Samantala,
25:37pinaiimbisighan
25:38ang DILG
25:39ang mga lokal
25:40na opisyal
25:40na lumabas
25:41ng bansa
25:42noong kasagsagaan
25:43ng pananalasan
25:44ng bagyong
25:45Tino
25:45at Juan.
25:47Ayon kay Palas
25:47Press Officer
25:48Claire Castro,
25:50hindi raw
25:50nagustuhan
25:51ng Pangulo
25:51na wala
25:52ang mga opisyal
25:53sa panahon
25:54ng kalamidad.
25:55Depende raw
25:56sa resulta
25:56ng imbisigasyon
25:57kung ano
25:58ang magiging
25:59parusa
26:00sa mga
26:01naturang opisyal.
26:07At yan
26:07ang mga balita
26:08ngayong Martes,
26:0944 na araw
26:11na lang,
26:11Pasko na.
26:12Ako po si Mel Tiyanco,
26:14ako naman po si Vicky Morales
26:15para sa mas malaking misyon.
26:16Para sa mas malawak
26:17na paglilingkod
26:18sa bayan.
26:19Ako po si Emil Sumangio.
26:20Mula sa GMA Integrated News,
26:22ang News Authority
26:23ng Pilipino,
26:24nakatuto kami.
26:2524 oras.
Recommended
1:22
|
Up next
Be the first to comment