Skip to playerSkip to main content
Panayam kay OCD-Region 2 Regional Director, Rafael Leon ukol sa assessment sa epekto ng Bagyong #UwanPH sa Cagayan Valley Region

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, assessment sa epekto pa rin ng Bagyong Uwan sa Cagayan Valley Region.
00:06Ating pag-uusapan kasama si Office of Civil Defense Region 2 Regional Director Leon Rafael.
00:12R.D. Leon, magandang tanghali po.
00:16Magandang tanghali sa QOE at sa lahat na nakasubaybay sa inyong programa.
00:20Sir, una po sa lahat, ano po yung assessment ninyo sa pinsalang idinulot po ni Uwan sa Cagayan Valley Region?
00:32Yung mga kapinsala, lubos na napinsala, Sikdiwi, ay yung ating munisipyo ng Dinapigay at yung lalawigan ng Kirino at ni Babiskaya
00:44dahil ito yung tinahak ng Bagyong Uwan itong nakaraang araw, Sikdiwi.
00:51Okay. Sir, sa ngayon po, ilang mga lugar sa Cagayan ang pinakamatinding tinamaan po ng bagyo
00:57at ano po ang lagay ng mga pangunahing kalsada po sa rehyon?
01:02Yusikmarts, ang mga tinamaan dito sa lambak ng Cagayan, gaya na nasabi ko kanina,
01:07yung munisipyo ng Dinapigay sa Isabela at yung mga bayan natin sa Kirino at sa Nueva Biscaya.
01:15Ito po yung dinaanan ni Bagyong Uwan.
01:20At karamihan dito, Yusikmarts, ay yung sa mga bahay nila.
01:24Dahil sa lakas ng hangin ay medyo napinsala yung mga kabahayan nila sa ngayon.
01:30RD, so far, mababa po yung bilang ng mga nasawi dahil po sa maaga po na paghahanda
01:40ng ating mga LGU at mga Local Disaster Reduction Unit.
01:46Pero meron po ba tayong datos in terms of yung casualties, missing, ano po yung balita sa kanila?
01:53Sa ngayon, Asik Jowim, ay meron tayong tatlong nasawit.
02:00Ito ay sa lalawigan ng Nueva Biscaya.
02:04Ito ay sa bayan ng Kasibu, meron tayong dalawa.
02:09Sa bayan ng Kayapa, meron po tayong isa.
02:12At meron po tayong nasugatan din, tatlo po sa bayan ng Kasibu at isa sa bayan ng Kayapa.
02:19At wala ba naman po tayong missing sa ngayon, Asik Jowim.
02:24RD, ingin na din po kami ng update po sa mga Coastal Barangays.
02:28Kamusta na po ba ang mga ito at ano po ang assistance sa mga nasirang tirahan at kabuhayan sa mga ito?
02:36Sa ating mga Coastal, gaya na nabanggitin ko kanina,
02:40ang nalulupat mga medyes ay yung bayan ng Dinapigay.
02:48At ayun nga sa aming anakuhang dato sa kanila,
02:52ay talagang mga bahay din ang nasira.
02:55And ngayon sa ngayon,
02:57ay amin ang ineanday yung aming mga dadalhin na mga relief goods doon sa kanila
03:02at mga iba't iba ang pangangailangan pa nila,
03:05lalong-lalo na yung pagkumpunin ng kanilang bahay na kanilang matitirhan
03:09sa mga susunod pang mga araw, yung Sek-March.
03:13Sir, doon po sa mga nabanggit niyo pong Coastal Area,
03:16meron po bang plano ang OCD pati po yung mga LGU
03:20para po sa long-term mitigation tulad na lang po halimbawa
03:24nung paglipat ng mga bahay na malapit talaga sa baybayin?
03:28Yes, Sek-Joway, isa yan sa mga maging plano.
03:33Sa ngayon ay papasok na yung aming RDNA team
03:36o yung Rapid Damage Assessment and Needs Assessment team namin
03:40sa mga naapektuan na lugar,
03:44dyan sa May Isabela, sa Quirino at sa Nueva Biscaya.
03:47At yan din ang magiging titignan nila,
03:52yung relokasyon ng ating mga kababayan na nakatira doon sa gilid
03:56sa mga maybayin na lugar.
04:02RDNA, ano po ba yung naging pinakamalaking haman sa inyong clearing operations?
04:09Yung Sek-March, dahil nga sa malakas yung naging hangin dito,
04:14ayun nga sa clearing operation ng ating mga main highway,
04:18yung mga tumumbang punong kahoy,
04:20yung mga tumumba na mga poste ng koreyente natin,
04:26at meron din tayong mga kalsada na medyo na-damage
04:31dahil doon sa pagragasan ng mga tubig na galing sa patataas na lugar
04:36dito sa Lambak ng Kagayan.
04:39Sa ngayon na yung Sek-March ay ginagawa na ng mga local government units
04:43at saka ng DPWH yung mga road debris clearing operations.
04:49At nabuksan na rin yung mga iba't ibang kalsada,
04:53lalong-lalong na yung ating national highway na hindi madaanan noong nakaraang araw.
04:58Sa ngayon, ayan, nadadaanan naman na.
05:01At ang isang problema lang natin sa ngayon na
05:04ay itong bandang Santa Fe, papuntang Pangasinan Road natin,
05:12at hindi pa nagagawa po yung dadaanan nila doon.
05:15R.D. sa pakikipag-ugnayan po ng OCD Region 2 sa mga LGU
05:21at sa iba't ibang ahensya po ng gobyerno,
05:24ano po yung nabatid nyo na pinaka matinding pangangailangan
05:29ng mga naapekto hong residente sa ngayon?
05:31Sa ngayon, asik Joey, ang mga pangangailangan nila,
05:38yung ating mga, of course, family food pack,
05:41yung mga inuming tubig,
05:43at saka yung mga tarpaulin na gagamitin nila na pananggalang
05:47o kaya pang-takit sa kanilang mga nasirang bubong,
05:52yun na rin, at saka mga shelter repair kit,
05:55yun ang mga paunahin na ipapadala namin dito sa mga napektoan
05:58ng mga local government jurists natin, asik Joey.
06:01Okay. R.D., ano naman po yung update sa linya po ng komunikasyon
06:05at supply po ng kuryente dyan sa inyo?
06:10Sa ngayon, Yusek Marks, walang kuryente sa may dinapigay sa vela.
06:16Dahil ang kanilang source ng kuryente ay dito sa lalawigan ng Aurora.
06:23At alam nyo naman, lubha sila rin na apektoan dun.
06:26Ang buong lalawigan ng Kirino, wala rin na kuryente sa ngayon,
06:31gayon din sa buong lalawigan ng Nueva Biscaya.
06:34So, ginagamit nila ngayon mga agences para nagkakaroon kami ng komunikasyon
06:39at yung atin naman, DICT, ay sila naman yung nagpo-provide ng komunikasyon
06:45lalong-lalo na sa lalawigan ng Kirino
06:48dahil yung mga telcos natin ngayon dun ay medyo mahina yung signal nila.
06:53So, nagpunta yung isang team ng DICT,
06:57naka-deploy sila ngayon sa Kirino
06:58upang magkaroon ng komunikasyon dun sa mga local government units natin, Yusek Marks.
07:06RD, habang unti-unti tayong bumabangon sa pananalasa po ng Bagyong Uwan,
07:12mensahin nyo na lamang po sa mga kababayan ninyo sa Region 2
07:15na patuloy pong lumalaban para po talaga makabangong muli mula sa epekto ng Bagyong Uwan.
07:23Salamat sa ating mga kababayan dito sa Lambak ng Kagayan,
07:29ginagawa po ng lahat ng ahensya ng gobyerno ng aming kayahan
07:34upang kayo po ay tulungan na makabangon sa nagiging epekto ng Bagyong Uwan
07:42dito sa ating sa Lambak Kagayan.
07:44At sa lalat-madaling panahon po ay makakarating na po
07:48yung mga tulong ng gobyerno nasyonal sa inyong mga lugar.
07:52So, hintayin nyo lamang po at parating na po yung mga tulong.
07:57Okay po. Maraming salamat po sa inyong oras,
08:00OCD Region 2 Regional Director Rafael De Leon.
08:04Sir, ingat po kayo.

Recommended