00:00.
00:08Sa Cordillera Administrative Region,
00:11lima po ang nasawi dahil sa kabi-kabilang landslide dahil pa rin po sa Bagyong Uwan.
00:16Balitang hatid ni Jonathan Andal.
00:19Manay!
00:21Biglaro gumuho ang lupa sa bahagin ito ng barangay Western Uma sa Lubuagan, Kalinga kahapon.
00:28Dalawa ang patay, isa ang sugatan at may dalawa pang nawawala.
00:32Sabi ng Lubuagan Municipal Information Office,
00:34pinuntahan ang mga biktima kahapon ng isang bahay na nasira sa kasagsagan ng bagyo.
00:39Pero habang nasa bahay sila, biglang may gumuong malaking bahagi ng lupa.
00:43Kinilala ng LGU ang mga nasawi na si Naaki Magwin at Eric Magwin, 45 years old, magsasaka.
00:49Nawawala naman si Naredento Tinio, isang barangay kagawad at si Ricardo Magwin.
00:53Sabi ng lokal na pamahalaan, magsasagawa sila ng search and rescue operations
00:57para mahanap ang mga nawawala.
00:59Sa bayan naman ng kabayan sa Benguet, patay ang natutulog lang noon na babaeng 65 years old
01:05matapos pasukin ang landslide ang unang palapag ng kanilang bahay sa barangay Balay kahapon ng madaling araw.
01:11Sabi ng kabayan ng LGU, inabot ng halos apat na oras bago dumating ang rescue dahil sa hindi madaan ang mga kalsada.
01:17Patay sa post-mortem examination, ang cause of death ng biktima ay traumatic brain injury.
01:23Sa bayan naman ng Tinok sa Ifugao, isa rin ang patay matapos matabunan ng lupa at pine tree
01:28ang tinitirhan niya habang siya natutulog. Gabi nitong linggo, kasagsagan ng superbagyong uwan.
01:33Kinaumagahan na siya na retrieve ng mga otoridad ayon sa Tinok Municipal Police Station.
01:38Sa Barlig Mountain Province naman, lumubug na ang bahay na ito. Natabunan naman ang landslide ang rice terraces doon.
01:45Sabi ng Barlig LGU, isang senior citizen ang nasawi roon matapos matabunan ng putik ang kanilang bahay
01:51sa barangay Latang kahapon ng madaling araw. Nakaligtas naman pero sugatan ang dalawa pa niyang kasama sa bahay
01:56na nirescue ng bayanihan ng mga taga roon.
01:59Sa Baguio City, walang casualty. Ang naging pinsala lang ay mga nagtumbahang pine tree at poste ng kuryente
02:05kaya nawala ng kuryente na halos buong lungsod ng Baguio.
02:08Buti at may alok na free charging station sa City Hall, Baguio Convention Center at pati sa mga hotel.
02:14Nagulat kami na minimal lang ang impact sa amin. We were spared from devastation.
02:23Malaki yung impact ng mountain range natin. Meron pa yung Sierra Madre,
02:29tapos siyempre pagpasok dito sa Cordilleras. So nakatulong na malaki.
02:34Jonathan Nandal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.