Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Wala nang natira sa mga barong-barong na hinambalos ng dambuhalang alon sa Baseco, Manila, kasunod ng hagupit ng Bagyong Uwan.
00:09Saksi, si Sandra Aguinaldo.
00:16Malakas ang hampas ng alon sa seawall ng Block 2 sa Baseco, Manila.
00:21Ang mga bubog ng mga bahay sa paligid halos tangay na ng hangin.
00:26Pagkatapos nito, tuluyan din nasira ang bahay ni neneng nang abutin ng hampas ng alon.
00:31Pira-piras kong kahoy na lang ang natira.
00:34Isang pupuan ako eh.
00:36Gusto ko rin magkaroon ng bahay pero ganito nga.
00:40Di mo rin kasi masabi ang kalikasan.
00:42Pitong barong-barong ang nawasak sa lugar habang lima ang partially damaged.
00:48Ang isa sa mga barong-barong tinangay pa ng alon.
00:51Ang isang ito naman, isa na lang ang natitirang paa.
00:55Nagsalubong ko po kasi alon dito eh.
00:58Sumamparin po sa bubong namin ang ganyan.
01:00May kasama ng batat at buhangin.
01:01Sa Manila Bay, nagkalat ang mga buhangin.
01:04Tulong-tulong ang mga residente sa paglinis nito para makadaan ang mga sasakyan sa kalsada.
01:10Ang isang manging isda, sinusubukang isalba ang inanod niyang bangka.
01:14Ayon kay Manila Mayor Isco Moreno, naguuwian na ang ilang sa mahigit tatlong libong pamilya o mahigit sampun libong individual na lumika sa mga evacuation center.
01:26Pero kagabi, may mga residenteng sinundo sa kanikanilang tirahan para kumbinsing lumikas na.
01:33Hanggang kanina, malakas pa rin ang alon at hangin sa Maynila kaya may mga manging isda pa rin hindi makalaot.
01:40May ilang stranded din sa Northport dahil kanselado ang biyahe ng mga barko.
01:45Nag-alala sila sa akin dahil may bagyong malakas.
01:49Eh sana nga lang po, ligtas ako makauwi sa pamilya ko po.
01:52Nasira naman ang floodgate na ito sa Paco Pumping Station sa kasagsaga ng bagyong uwan.
01:59Ang nasirang floodgate, gawa ng Department of Public Works and Highways.
02:03Ayon sa MMDA, posibleng dahil ito sa hampas ng tubig mula sa Pasig River na umabot ng mahigit 12 meters kagabi.
02:14Nagkalat naman ang mga piraso ng bakal at yero sa kahabaan ng Balete Drive sa Quezon City.
02:20Pansamantala itong hindi nadaanan ng mga sasakyan habang nire-respondihan ng mga taga-barangay at LGU.
02:27Ayon sa mga otoridad, galing ito sa trusses o pamakuan ng bubungan na nilipad mula sa kalapit na gusali dahil sa lakas ng hangin.
02:36Wala namang nasaktan sa insidente.
02:39Sa Malabon, isa-isa nang nag-uwian ang mahigit 800 pamilya na lubikas sa Malabon National High School kagabi.
02:46Pinayagan na rin umuwi ang mga lubikas na residente sa magkakatabing bayan ng Rodriguez at San Mateo Rizal at Marikina City.
02:56Kabilang sa mahigit 20,000 residente na lubikas ang pamilya ni Laika.
03:00Nagbantay po kami. Parang ngayon po, mas maaga po kami makalikas. Alas 3 pa lang po nag-lipit na kami.
03:07Tapos ano, ayon po, nung alas 6 na, lumikas na kami.
03:12Ang ilan sa mga lumikas, isinama ang kanilang mga alagang aso.
03:17Ayon sa LGU ng Marikina City, Rodriguez at San Mateo Rizal, walang binaha sa kanila mga lugar.
03:24Ang pinakamataas na level ng tubig kahapon sa Marikina River ay 14.5 meters, malayo sa 18 meters na forced evacuation.
03:34Relieve po kami dahil sa totoo lang po, pinaghandaan naman po namin itong bagyong uwan.
03:42Isang buong linggo, we've been conducting pre-disaster meetings.
03:47Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
Be the first to comment