Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pahirapang makalusot ang mga galing Abra at Ilocos Sur patungo naman sa Cagayan.
00:05Hindi po kasi madaanan ang Abra-Kalinga Road kasunod ng hagupit ng Bagyong Uwan.
00:11Saksi, si Rafi Tima.
00:16Ganito kalakas ang agos ng tubig sa ilog sa Tanudan, Kalinga, noong kasagsagan ng Bagyong Uwan.
00:21Hindi lang pagbaha, kundi landslide ang sumalanta sa ilang bahagi ng lalawigan.
00:26Biyahing kagaya ng aming team mula sa Ilocos Sur, nangdatnan namin ang bahagin ito ng kalsada sa barangay Balbalasang sa bayan ng Balbalan.
00:33Ilang metro lang mula sa natumbang mga kawayan sa kalsada, nakaharang ang malaking guho ng lupa.
00:38Ilang landslide po ba yung hindi pa nagkiklear dito?
00:41Dito lang, mga dalawa-tatlo. Apat pa. Tinignan ko yung bahay ko bukod dyan. Eh talaga, binuhat ng hangin.
00:51Sa laki ng guho, kakailanganin ng heavy equipment para ito ay mabuksan.
00:55Kaya sa ngayon, putol itong Abra-Kalinga Road.
00:58Hindi pwedeng makalusot patungo sa iba pang bahagi ng Kalinga at sa Kagayan kapag galing ng Abra at Ilocos Sur.
01:03Sa Ilocos Sur na sumailalim sa signal number 4, pabugsu-bugsong hangin ang aming naranasan bago maghating gabi.
01:11Bagamat malakas, hindi naman ito tumagal. Wala rin ang mga lakas na ulan na pinangambahan ng lokal na pamalaan na pwedeng magpabaha sa probinsya.
01:19Pero nagkalat sa kalsada ang mga yero at iba pang bagay na tinangay ng malakas na hanging dala ng bagyong uwan.
01:24Pagsapit ng umaga, todo linis na ang mga residente ng mga nagkalat na punong binuwal ng bagyo.
01:29Agad na rin nakabalik sa kanika nila mga tahanan ang karamihan sa mahigit 5,000 individual na lumikas bago dumating ang bagyo kahapon.
01:36Si Dexter na pinalikas sa mga kaanak kahapon, pinili rin naman ang tili dito sa kanyang bahay kagabi para bantayan ito.
01:43Masyadong malakas yung hangin.
01:46Binantayan mo yung bahay niya?
01:47Opo sir, binantayan ko namin kasi nililipad na yung mga yero.
01:54Sa drone video na ito, kita kung paano hatakin ang ulap ng papalayong bagyo na nasa West Philippine Sea.
02:00Laking pasalamat na lang ng mga taga-elokosur na lumihis ang bagyo sa kanilang probinsya.
02:04Sa Cagayan at Isabela, mahigit 40,000 residente ang lumikas dahil sa bagyong uwan ayon sa Office of Civil Defense Region 2.
02:12Umapaw na ang Chico River at hindi madaanan ng Tuaw Overflow Bridge.
02:16Para sa GMA Integrated News, ako si Rafi Timang, inyong Saksi!
02:34Sampai jumpa!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended