24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Sa kita ng Bantanang Bagyong Uwan, sinuspindin ang DILG ang foreign travel ng mga local government official.
00:08Handa na raw ang lahat ng kagawaran ng gobyerno para tumugon sa epekto ng bagyo.
00:13Nakatutok si Bon Aquino.
00:17Nasa 54 na probinsya, kabilang ang Metro Manila, sa mga inaasahan maapektuhan ng Bagyong Uwan ayon sa Office of Civil Defense.
00:26Sa tayana OCD, nasa 5.7 milyon na nakatira sa coastal areas ang maaaring maapektuhan ng storm surge, ulan at baha.
00:3561.6 milyon ang posibleng maapektuhan ng trough o buntot ng bagyo.
00:40Handa na raw ang lahat ng kagawaran ng gobyerno para tumugon sa epekto ng bagyo.
00:44Ang DILG sinuspindi ang foreign travel ng local government officials para matiyak na may magmamando sa disaster response and relief operations ng isang lugar.
00:53Hinikayat din nila ang mga LGU na simulan na ang preemptive evacuation.
00:58We are appealing that this should be done sana nga, not later than noon tomorrow.
01:05Dapat tapos na po lahat ng preemptive or preparatory activities.
01:09Kasi nga, we cannot wait na nandyan na yung ulan, nandyan na yung hangin, saka pa lang sila mag-evacuate.
01:17Naka-preposition na rin daw ang mga relief items sa mga LGU.
01:21Mensahe ng Pangulo, maging mahinahon pero huwag magpakampante.
01:26Kailangan daw maghanda at sumunod sa abiso ng mga otoridad.
01:31Sa Metro Manila, 870 personnel ng MMDA ang naka-duty na.
01:36Nag-preposition na rin daw sila ng search and rescue units at equipment sa iba't-ibang kwadrant sa NCR.
01:42Yung ating 71 pumping stations po, ina-assure po sa ating flood control and sewage management office
01:50na all are fully operational.
01:54At yun naman pong ating solid waste management ay kinokolekta na po yung mga nakakalat pang natitirang mga basura po sa mga lansangan
02:02para hindi naman po siya bungar sa mga drainages, just in case, bumaha po.
02:07And then finally, yung ating clearing and cleaning group sa MMDA ay nagtatabas din po nung mga sanga ng kahoy
02:16na maaari pong malaglag o mabali during the arrival of the storm.
02:22Ayon kay Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora,
02:26tuloy-tuloy ang mga paghahanda para sa Bagyong Uwan.
02:30Magpapatupad din daw ng preemptive evacuation sa mga nakatira sa gilid ng mga estero at iba pang danger zones.
02:36Para sa GMA Integrated News, Von Aquino na Katutok, 24 Oras.
Be the first to comment