00:00Hindi po ba nakakabangon ang bansa sa mga pinsanong dulot ng Bagyong Tino?
00:03Paparating naman ang mas malakas na bagyo na papangalan ng Bagyong Uwan.
00:09Nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ang estate of national calamity.
00:14Pinaghanda na ang mga local government units na mga rescue boats, life vests at iba pang gamit.
00:19At ipinahanda na rin ang mga evacuation center.
00:22Narito na ang unang balita.
00:24There was a proposal from the NDRMC which I approved that we will declare a national calamity.
00:35Kasunod ng pananalasan ng Bagyong Tino sa iba't ibang bahagi ng bansa.
00:41Isinailalim na ni Pangulong Bongbong Marcos ang buong Pilipinas sa state of calamity.
00:46Dahil yan sa matinding pinsala na iniwan ang bagyo sa ilang lalawigan.
00:50Dahil nasa state of national calamity, mapapabilis daw ang paglalabas ng pondo para sa tulong na ibibigay sa mga nasalanta.
00:58Mapapabilis ang ating procurement so that we don't have to go to the usual bureaucratic procedures
01:03and we can immediately provide assistance to the victims of the storms.
01:09Naglabas din ang Office of the President ng P760M para sa halos 40 lokal na pamahalaan na naapektuhan ng bagyo.
01:17Kasama na rin yan ang Cebu Province na makakatanggap ng 50 milyon pesos kasama ng iba pang lalawigan sa Visayas at Mindanao.
01:25May mga probinsya rin makakatanggap ng tig 40 milyon pesos, 30 milyon, 20 milyon, 10 milyon at 5 milyon pesos.
01:34Bukod sa epekto ng Bagyong Tino, paghahanda na rin daw ang pagdeklara ng state of national calamity para sa Bagyong Uwan na posibleng maging super typhoon.
01:42We are also doing everything that we can para ma-anticipate at makapaghanda tayo ng mabuti dito naman sa parating na typhoon Uwan.
01:53Ang Office of Civil Defense nagbabala na sa inaasahang malaking maaapektuhan ang Bagyong Uwan.
01:59Posible raw na isanlibong kilometro ang lawak ng Uwan kapag lumakas na ito bilang super typhoon bukas na tatama sa Luzon.
02:06Hinimok naman ang Department of the Interior and Local Government ang mga local government unit na paghandaan na rin ang paparating na bagyo.
02:14Dapat daw ay nakastandby na ang mga emergency response team, pati ang mga rescue unit ng kada LGU.
02:20Nasa code blue alert status ng Department of Health.
02:22Ibig sabihin, may mga karagdagang health personnel na ipapadala sa mga evacuation center at pansamantalang tinutuluyan ng mga sinalanta ng bagyo.
02:32Handa rin silang ipamahagi sa mga LGU ang mga gamot, medical supplies, pati mobile response teams.
02:38Mas pabibilisin din ang koordinasyon kaugnay sa emergency response sa pamamagitan ng kanilang operation center at health emergency management staff.
02:46Ang magatdam naman sa Isabela, nagpapalabas na ng tubig bilang paghahanda sa malakas na buhos ng ulan.
02:53Ito ang unang balita.
02:55Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.
03:01Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.