00:00Sa pagpapatuloy po ng usapin sa mga aksyon at programa ng NAPSI
00:03at ng mga departamento at sangay ng pamahalaan laban sa kahirapan,
00:08alamin po natin ng mga hakbang na ginagawa ng NAPSI at Mindanao Development Authority
00:12para masog po ang kahirapan sa Mindanao.
00:15Tututukan natin ang convergence o ang pagsasama-sama ng mga programa at stakeholders
00:19sa patuloy ng pagpapaunlad ng mga komunidad at pamayanan.
00:23Dito pa rin sa National Anti-Poverty Commission, Aksyon Laban sa Kahirapan.
00:30Mga kakakwentuhan natin ngayon dito sa ating programa si Assistant Secretary Romeo Montenegro
00:40mula sa Mindanao Development Authority upang talakayin ang pangunahing mandato ng Mindanao Development Authority o Minda
00:47at kung paano nakatutulong ito upang labanan ng kahirapan sa Mindanao.
00:51Good morning. Welcome po sa Risen Center, Dinas.
00:54Sir, asik, ano po yung pangunahing mandato ng Mindanao Development Authority o ng Minda?
00:58At from your perspective, sa anong paraan po ito nakakatulong para labanan ng kahirapan, particularly sa Mindanao?
01:05Ang Mindanao Development Authority ay isinigawa sa pamamagitan ng RA 9996 noong 2010
01:13at inatasan itong pag-isahin ang ito at ibang plano, polisiya, programa ng ito at ibang ahensya ng gobyerno
01:22para upang magkaroon ng mas pinaigting na pagpapatupad ng mga programa na naaayon sa pangangailangan ng mga taga Mindanao.
01:34Alright. Sa ngayon po, kumusta po ang estado ng poverty sa Mindanao?
01:38Bagamat mas mataas pa rin versus national average ang antas ng kahirapan sa Mindanao.
01:44But ayon sa pinakahuling datos ng ating Philippine Statistics Authority,
01:49Ito'y nagtala ng significant reduction or pagbaba ng poverty incidence na mula sa antas na 35% noong 2012, bumaba ito ng 24%.
02:05Pinakamalaki ang naitalang pagbaba ng poverty incidence, lalo-lalo na sa BARM region.
02:11Mula 55% poverty incidence noong 2012, bumaba ito to 32% noong 2023.
02:20Ito'y nagpapakita lamang ng mga pagbabagong nangyayari, lalo-lalo na sa BARM region.
02:26So 35 to 24, then 55% to 32%. So that's good news.
02:31Sa usapin po ng programa, meron po kayong ginawa sa nagdaang Mindanao Development Forum,
02:37inilunsad niya yung programang Building a Better Mindanao.
02:41Ano po yung pangunahin-layunin ng programang ito at ano-ano po yung mga initiatives na sakop po nito?
02:46Ang Building a Better Mindanao o BBM program ay inilunsad ng Minda upang mapag-isa
02:52ang iba't ibang programa at proyekto ng ating mga ahensya ng gobyerno,
02:58lalo-lalo na sa mga isinusulong na proyektong agad-agad may koneksyon doon sa paglaban sa kahirapan.
03:08Ang pinakamahirap na sektor sa Mindanao ay agriculture, lalo-lalo na mga farmers natin at fisher folks.
03:15Sapagkat ayon ito sa kakulangan ng infrastruktura, ng transportasyon, at ng enerhiya,
03:23at kung saan nagkakaroon ng limited opportunity para maiaangat ang value or halaga ng ating produksyon.
03:32Kaya sa Building a Better Mindanao, isinusulong natin ang pagpapabilis ng pagpapatayo ng mga infrastruktura sa Mindanao.
03:40Tulay, daan, kung saan kumukonekta sa ating production areas doon sa value-adding centers at doon sa ating export gateways.
03:48Isinusulong din natin sa Building a Better Mindanao ang resiliency.
03:53Sapagkat mga nakaraang dekada, ang tawag namin sa Mindanao, typhoon-free.
03:58Pero ito'y hindi na ang nakikita nating pangyayari.
04:04Kaya ang Mindanao ay sinusulong na rin ang resiliency.
04:08Isa din dito sa isinusulong natin ang malinis na enerhiya.
04:14Kaya tinatarget ng Mindanao ang pagpapataas ng contribution ng renewable energy na ating source of electricity.
04:22So, iilan lang ito sa mga isinusulong natin under the Building a Better Mindanao na tumutugon sa mga pangangailangan,
04:30lalo-lalo na sa mga kanayunan na ating tinitingnan na siyang magkakaroon ng oportunidad na maiangat ang kanilang buhay.
04:39Isa lang ito, itong agriculture, pero tinututukan nyo niyo po yung ibang sektors.
04:43Ibang sektors.
04:44Lalo-lalo na sa pakikipagtulungan ng ating pribadong sektor.
04:48Isa sa nakita namin batay sa pagsusuri na naging contribution ng pag-improve ng ating poverty reduction sa Mindanao,
04:57sa pagbaba ng atas ng kahirapan, ay ang umaangat na confidence ng private sector.
05:03Ang pamumuhunan ng ating pribadong sektor sa iba't-ibang sangay ng pagninegosyo.
05:10More investors po.
05:12And we heard na meron po kayong ginawang the 21st Board of Directors Meeting sa Mindanao.
05:18Ano po yung mga mahalagang usapin o yung mga tinalakay nyo dito na tumutugon sa pangangailangan ng mga batayang sektor sa Mindanao?
05:24At tinalakay kamakailan ng mga miyembro ng Mindanao Development Board of Directors na kinasasakupan ng mga Regional Development Council chairpersons sa Mindanao.
05:38Kasali na rin dito yung Chief Minister ng pang sa Moro Region.
05:42Tinalakay ang mga prioridad na kailangang paigtingin ng iba't-ibang ahensya sa Mindanao.
05:48Of course, kalakay na rito yung pagsusulong natin ng infrastruktura sa agriculture.
05:54Sinisigurado nito na konektado lahat ng proyekto doon sa pangangailangan ng mga komunidad.
06:01Ang pangangailangan din sa Mindanao ay patubig para sa ating mga kanayunan sa pag-improve ng ating agriculture.
06:08At tinitingnan din ang pagsulong ng digital connectivity para maipaabot pa ang ating mga kanayunan at iba't-ibang lugar sa Mindanao sa mga oportunidad na binibigay ng digital connectivity.
06:24Para makasabay na rin sa ibang region sa digitalization na mandato rin ni Pangulong Marcos Jr.
06:30Pero kumusta po yung update sa sinasabi niyo pong infrastructure projects?
06:35Is it ongoing or kailang pa magsisimula?
06:38Ah, tuloy-tuloy naman ito.
06:40Ang antas ng pagpapatupad ng iba't-ibang proyekto ng DPWH, lalo-lalo na yung mga tulay at daan.
06:52Ang proyekto din ng Department of Transportation and Communications, lalo-lalo na sa mga ports at airports sa Mindanao.
06:59At ito ay nakapaloob sa monitoring ng Mindanao Development Authority.
07:06At in fact, inilunsa din namin yung tinatawag na Mindanao Project Development Tracker.
07:11Kung saan kahit sino gusto makita ano ang ginagawa sa saang lugar, ano ang update sa proyektong ito,
07:19pwede makita ang status nito doon sa aming ipinatupad at inilunsad na Mindanao Development Tracker.
07:26At least na may transparency na.
07:28Now, going back with the programs po, ano-ano po mga programa specifically ang nakatakad ng pagtuunan ng pansin ng Minda
07:33para mas mapaunlad pa yung mga komunidad sa Mindanao?
07:36Sa mga darating na taon, especially under this administration,
07:40tinututukan natin ang pagbuo talaga ng mas pinaiting na Mindanao resiliency.
07:46Isa nito ay sinusulong namin ang pagtatag o pagbuo ng Mindanao Disaster Resiliency and Resource Center.
07:52Meron kasi nito sa Visayas and Luzon, wala sa Mindanao.
07:56At sa nakikita nating mga pagbabago ngayon sa takbot, sa klima,
08:02kinakilangan itong itaguyod sa Mindanao para handa ang ating bawat LGUs,
08:06ang bawat komunidad sa mga anumang mangyayaring sakuna, dala ng effects ng climate change.
08:12Of course, tinitingnan din natin na maipabilis pa ang mga programa,
08:18lalo-lalo na sa agriculture value chain.
08:21Pang-apat po sa buong mundo ang Mindanao sa export ng ating cavitish banana.
08:25Pang-apat sa buong mundo ang Mindanao sa pag-export ng ating canned pineapples.
08:30Pangatlo sa mundo ang Mindanao sa pag-export ng ating seaweeds.
08:34Pang-walo sa rubber at saka pang-walo sa tuna at iba pa.
08:37Walo sa sampung prime agricultural commodity export ng Pilipinas galing sa Mindanao.
08:43Kaya tutok tayo na sa pakikipagtulungan with the Department of Agriculture
08:48o kagawan ng agrikultura at pagsasaka na ito ay maipatupad,
08:52iba't ibang programa na kumikonekta doon sa inaasahan nating acceleration
09:00and improvement ng ating production at value adding sa iba't ibang lugar sa Mindanao,
09:05lalo-lalo na sa barb.
09:06Siguradong malaking tulong niya sa ekonomiya ng bansa.
09:08Kasi nga, majority of the productions, agriculture, yung mga nabanggit niya po ay mula dyan sa Mindanao.
09:15Correct. At nabanggit makailang beses ng ating pangulo na ang kaunlaran ng Mindanao ay kaunlaran ng Pilipinas.
09:22Ito po, gaano po kahalaga from Mindanao's perspective,
09:27yung convergence o yung pagkakaisa at pagtutulungan ng iba't ibang sektor ng lipunan
09:31sa epektibong pagsugpo sa kahirapan sa Mindanao at sa buong bansa?
09:35Mas malawak, mas mabilis, mas malaki ang maaasahan nating ma-accomplish or magawa kung tayo ay nagkakaisa.
09:47Kung bawat ahensya ng gobyerno may isang development agenda na isinusulong
09:51at konektado ang galaw ng bawat kagawaran at kumukonekta ang bawat proyekto doon sa isinusulong natin,
09:58naiisang development agenda.
10:00Yan yung kahalagahan ng convergence na isinusulong ng Mindanao Development Authority doon sa Mindanao,
10:05lalo-lalo na sa Bangsa Moro Region.
10:07Alright, magandang balita po yan.
10:09Parangyong maraming salamat po sa pagbabahagi sa amin ng inyong mga programa,
10:13Assistant Secretary Romeo Montenegro.
10:16Muli po, napakakapanayahan po natin si Assistant Secretary Romeo Montenegro
10:19mula sa Mindanao Development Authority.
10:23Kaya naman, sabayan niyo po ako at sama-sama tayong umaksyon laban sa kahirapan.