00:00Nag-iwan din ng malaking pinsala ang Bagyong Tino sa Negros Island Region.
00:04Kabilang sa mga tinutugunan ngayon ng lokal na pamahalaan ay ang supply ng kuryente at komunikasyon.
00:10Si Paulo Pajarillo mula sa PIA Negros Occidental sa Detali.
00:16Nawalan ng kuryente, linya ng komunikasyon.
00:19Ngunit patuloy ang kooperasyon ng mga ahensya ng pamahalaan at local government units
00:25pagkatapos mag-iwan ng pinsala sa malaking bahagi ng Negros Island Region ang Bagyong Tino.
00:32Malaking bahagi ng reyon ang nawalan ng kuryente at kasabay nito ang pagkawala rin ng linya ng komunikasyon.
00:39Base sa Situational Report No. 2 ng Office of Civil Defense, Negros Island Region noong November 4,
00:46sa mga probinsya ng Negros Occidental at Negros Oriental,
00:50may naitalang 200 katao o 185 na pamilya ang nasa loob ng 7 evacuation centers.
00:58Upang maiwasan ang tiyak na kapahamakan,
01:01nagsagawa naman ng pre-emptive evacuation sa Telisay City at Sipalay City sa Negros Occidental
01:07at Tayasan sa Negros Oriental,
01:09na may 1,365 na pamilya ang nailikas bago pa man dumating ang bagyo.
01:16Sa Bacolod City, nagpadala ng generator sets sa mga evacuation centers ang lokal na pamalaan
01:22para maging safe, komportable at makapag-charge ang mga internally displaced na mga residente
01:28habang hinihintay na ma-restore ang mga linya ng kuryente at komunikasyon.
01:33Hinimok din ang mga barangay na mag-set up ng mga charging stations
01:37maliban sa pagbukas ng Bacolod City Government Center sa mga nangailangan ng charging station at pansamantalang matuluyan.
01:44Sa Negros Oriental naman ay patuloy ang pamimigay ng Provincial Social Welfare and Development Office
01:51ng ayuda sa mga apektado ng bagyo.
01:54Ayon kay Provincial Social Welfare and Development Officer Hilton Adrial,
01:59prioridad ang hilagang bahagi ng probinsya na labis na naapektuhan ng daang bagyo
02:05gaya ng bayan ng Valle Hermoso, Himalalud, La Libertad at Ihulungan City.
02:11Nasa 2,000 family food packs at 300 hygiene kits ang ipinadala ng Provincial Social Welfare and Development Office
02:20ng Negros Oriental para sa mga nasalantan ng Magyuntino sa unang distrito ng probinsya.
02:25Since limited ang resources na ito, we will just be sharing, no,
02:30kanang equitably langit ang ito ang resources.
02:32We will be sending family food packs and tag-5 kilo ng rice
02:36sa mga LGUs na nag-request na ito o mga hinabang.
02:41We are closely coordinating with the regional office, Mansad, to augment also the resources.
02:46Samantala, sa Sikihur naman, agad na tumugon ang mga local DRRM offices ng aning na munisipalidad
02:53at nagsagawa ng pre-emptive evacuations bilahakbang para sa kaligtasan ng mga residente.
02:59Tuloy-tuloy rin ang clearing operations sa mga barangay at mga pangunangin kalsada
03:04na ay sinasagawa ng iba't ibang ahensya ng gobyerno
03:08upang mabilis na mayabalik ang normal na daloy ng trapiko at transportasyon.
03:12Mula rito sa Negros Occidental, para sa Integrated State Media,
03:17paulupahan rin yun ng Philippine Information Agency.