00:00May ginagawa ng hakbang ang Philippine National Police upang mapigilan ang posibleng cyber attack na mangyayari sa November 5.
00:08Ang sentro ng balita mula kay Ryan Lesigas.
00:13Pinagana na ng Philippine National Police o PNP ang kanilang cyber defense protocols at pagpapalakas ng koordinasyon sa national security partners
00:23kasunod ng ulat ng posibleng cyber attack sa November 5.
00:26Layon itong tiyaking mapapangalagaan ang mahalagang information systems at ang publiko mula sa umuusbong na digital threats
00:34na maaring makaantala sa operasyon ng gobyerno at servisyo publiko.
00:39Giyot ni Acting Chief PNP Police Lieutenant General Jose Melencio Nartates Jr.
00:44Naglagay na ng Round the Clock Coordination Centers ang PNP Anti-Cyber Crime Group.
00:50Katuwang dito ng PNP ang Department of Information and Communications Technology, National Intelligence Coordinating Agency
00:58at Armed Forces of the Philippine Cyber Group para masiguro ang pagpapatuloy ng mahalagang servisyo publiko
01:04at pigilan ang anumang tangkang pananabutahi online.
01:08Bukod sa internal measures, nagdagdag din ng PNP ng cyber patrol at monitoring teams
01:14na inatasang bantayan ng online spaces para sa kahinahinalang galaw o coordinated disinformation.
01:21Biling pa ni Nartates sa lahat ng police units sa buong bansa
01:24na magpatupad ng mandatory security protocols.
01:27We are continuously protecting that. And to protect that, to protect our system,
01:36ay ginagawa natin ang iba't ibang activities like to ensure firewall,
01:43ensure the integrity of hardwares and even software.
01:48And even yung mga tao natin na gumagamit nitong mga system na ito.
01:54Dagdag pa ng hepe ng pambansang polisya, may direktiba man uwala,
01:58gumagawa na ito ng hakbang upang proteksyonan ang mga impormasyon at data na meron ito,
02:04lalo na sa logistics, firearms at ang Internal Disciplinary Mechanism Information System o IDMIS.
02:12DPNP is in fact prepared to any possible cyber attack.
02:17We keep on reminding our units and personnel to always secure the different system.
02:28Sa inilabas na babala ng DICT, nakasaad dito ang posibleng pagkakaroon ng Distributed Denial of Service o DDOS
02:36o Traffic Flood na pwedeng magpabagal o hindi agad ma-access ang ilang websites o applications.
02:43Pero agad nilinaw ng DICT na sakaling mangyari ito,
02:47hindi magkakaroon ng data breach o pagnanakaw ng personal information.
02:53Ryan Lisigues, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.