State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
đź—ž
NewsTranscript
00:00This is the latest satellite image of Bagyong Tino ngayong gabi.
00:12Pulang-pula ito, sinyalis ng taglay nitong lakas at dami ng ulan na bumabalot sa malaking bahagi ng Mindanao at Visayas.
00:20Hagip din ito ang ilang bahagi ng Luzon.
00:23Bago pa mag-landfall ang Bagyong Tino, hinahagupit na nito ng malalakas na hangin na tulan ang ilang bahagi ng Visayas.
00:32May mga paglikas na sa ilang lugar, lalo na sa mga lugar na may bantanang daluyong.
00:37Ito rin ang mga lugar na sinalanta ng Bagyong Yolanda noong 2013.
00:42May report si Oscar Oida.
00:43Habang papalapit ang Bagyong Tino sa Visayas, hinahagupit na ng hangin ang Camotes Island sa Cebu.
00:56Naging malakas ang ulan sa iba't ibang bahagi ng Camotes at may ilang lugar na halos mag-zero visibility.
01:04Sa lakas ng hangin, tila mapipigtas ang tali ng mga bubong na gawa sa tela sa bayan ng San Francisco.
01:13Winawas-iwas naman ang hangin ang mga puno sa bayan ng Pilar.
01:20Sa Tabuelan, Cebu, may bahagyan ang pagguho ng lupang may kasamang bato sa bahagi ng Gumbang National Road.
01:31Sa Talisay City, maaga ng pinalikas ang mga nakatira sa tabing dagat bilang pag-iingat sa banta ng daluyong.
01:40Sumunod naman ang mga taga-barangay poblasyon.
01:43Lalot natuto na raw sila mula sa naranasang hagupit ng Bagyong Odet noong 2021.
01:49Inilipat naman sa mas ligtas na lugar ang mga bangka.
02:05Sa barangay Dumlog, may gitsanda ang pamilya ang inilikas.
02:09Nakataas ang red alert status ng Central Visayas Region.
02:12Maaga rin lumikas ang ilang taga-taklo, Banleite.
02:17Nadala na sila sa malalakas na bagyo tulad ng Super Typhoon Yonanda noong 2013.
02:23Ang ilan, sa San Jose Central School muna nanunuluyan.
02:26Nabahaan mong basta nagsigiguan na ulan. Kahit di bagyo hiya.
02:33Misan di siya bagyo, nabahaan mong bala.
02:36Minsusulod kami hitubig.
02:38Sa huli ang pagsisisi.
02:39May mga lumikas naman sa hotel kaya marami ang fully booked na.
02:45Nahirapan tuloy na maghanap ng matutuluyan.
02:47Ang dalawang babaeng galing pang burongan Eastern Summer at dumayo lang para kumuha ng boarding sa ambukas.
02:54Hindi kami nag-e-expect nga mga puno kasi yung ibang hotel hindi naman direct naman mga puno.
03:04Hindi nila siguro maghanap at kami.
03:06Sa G1 Eastern Summer, nakahapon pa naka-red alert sa Pilitang Inilikas ang may gitsandaang taga-Victory Island.
03:15Yung pre-emptive evacuation will cover doon sa mga storm source areas, flood prone areas, landslide prone areas.
03:23And of course, yung mga tatamaan ng malalakas na hangin for the typhoon.
03:28So yun yung binigyan natin ng emphasis.
03:31So as of this time, binigyan natin ng window for the conduct of pre-emptive and forced evacuation ang ating mga local DRMC's until this afternoon.
03:42Kasi mararanasan na natin yung hangin mamayang gabi.
03:46Oscar Oida, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:52Makibalita tayo kay Nico Sereno ng GMA Regional TV na nakabantay sa sitwasyon sa Abuyog Leyte na nasa signal number 4 ngayon dahil sa Bagyong Tino.
04:02Nico, tumusin naman ang panahon dyan?
04:03Atom ay kalakasan ng hangin at ulan na narasan at ngayon dito sa Abuyog Leyte.
04:14Karamihan sa mga residente ayon sa Abuyog MDRMO na nasa danger zones, storm surge, flood prone at landslide prone areas ay nailikas na nasa iba't ibang mga evacuation centers na atom.
04:33Sa bandang abuyog Leyte?
04:43Yes, Nico, narinig mo ba ako?
04:48Yes, yes, atom.
04:50Oo, Nico, sa pag-iikot nyo kanina, may mga napansin ba kayong mga binaha o di kaya ay nagkaroon ng storm surge pag uho ng lupa?
04:58Sa ngayon, wala pa naman atom so far.
05:04Ang napansin lang natin, itong mga naputol na mga sanga na mga ilang mga puno, nakahambalang sa daan.
05:10Pero hindi naman yung mga malaking kahoy talaga ang natumba at atom.
05:13At sa pagkipag-update din natin sa opisyal ng Office of Civil Defense 8,
05:18ang kailang spokesperson nila, wala pang naitala sa mga oras na ito ng mga insidente ng storm surge baha at matinding mga epekto nitong si Bagyong Tino Atom.
05:30Okay, mabuti naman na ganun ang sitwasyon sa ngayon.
05:34Itong lugar na inyong kinalalagyan ngayon, Nico, ay matinding pinensala ng Bagyong Yolanda noong 2013.
05:41Meron ba kayong nakikita ang mga lessons mula doon sa experience na yon sa paglikas ng mga tao para maiwasan ang anumang mga casualties sa pagdaan ng Bagyong Tino?
05:58Tama yan Atom.
05:59Kukonsider natin mas proactive na ang mga tao ngayon kumpara nung kanilang mga past experiences sa mga insidente sa iba't ibang mga bagyo.
06:08So, katunayan nga itong punuan ng mga hotels, isa itong indication na willingness ng mga tao na mag-evacuate talaga sa safer ground.
06:18At kanina, nanotice nga na Atom, maliban sa mga hotel rooms, mga hotel accommodations na punuan na kahit mga reservations sa ilang mga parking slots sa northern portion ng Tacloban City,
06:31e punuan na rin dahil yung ibang mga tao gusto nilang masiguro ang kanilang mga lugar.
06:35Napansin din natin sa ating pag-ikot dito sa southern portion ng Leyte Province Atom na kaninang hapon, mga alas 4, alas 5 ng hapon,
06:43daw tila ghost town na ang ilang mga coastal communities, mga kalalakihan na lang ang naiwan sa kanilang mga bahay.
06:51Dahil, pagkikita nga, ayon sa mga tao, e hindi na sila nag-atubiling magsilikas para sa kanilang kaligtasan.
06:59Yes, Nico, kamusta yung mga kababayan nating lumikas?
07:01Sa ngayon Atom ay nasa iba't ibang mga evacuation centers sa pagkakalam natin.
07:10Isa itong evacuation center, kinalalagyan natin MDRMO evacuation center sa bayan ng Abuyog.
07:16Sa ngayon Atom, punuan talaga dito.
07:19Kayong mapapansin mo, may ibang mga residente na wala ng espasyo sa itaas na bahagi nitong building.
07:25Kaya dito na lang sa iba ba. Parking area ito, medyo open air, medyo malamig nga.
07:30Pero, anila, mas importante, nasa ligtas na lugar sila kung bayuhin man itong lugar na ito ni Bagyong Tino Atom.
07:40Maraming salamat at in kayo dyan, Nico Sereno ng GMA Regional TV.
07:44Naagpabaha na sa Mindanao ang Bagyong Tino bago pa man ito mag-landfall.
07:50Mahigit 6,000 na ang inilikas sa mga isla ng Siargao at dinagat bilang paghahanda.
07:56May report si Oscar Oida.
08:04Hanggang bayuwang na baha ang buwis-buhay na sinuong ng mga taga-barangay tagmamarkay sa Tubay Agusan del Norte.
08:12Ilang bahay ang pinasok na ng tubig.
08:17Tumirig sa gitna ng baha ang sasakyang ito.
08:22Rumaragasa ang tubig sa sapang ito.
08:28At pinasok na ang ilang bahay.
08:34Malakas na ulan din ang naranasan sa ilang lugar gaya sa Kabadbaran City.
08:42Kabiser na Agusan del Norte kung saan malakas ang agos ng malaputik na tubig sa ilog.
08:53Nanlumo na lang ang motoristang ito dahil bahana sa kanilang dinaraanan sa highway ng Santiago Agusan del Norte.
09:02Hirap makausad ang ilang sasakyan.
09:04Dahil sa malakas na ulan at hangin.
09:12Lumigas na sa Quarinta Elementary School ang mga residente sa bayan ng San Jose.
09:18Nasa 7,000 na ang nagevacuate mula sa 7 munisipalidad ng Dinagat Islands.
09:25May gitaring na libong individual naman sa Siargao Island ang inilikas.
09:30Nakakabingi ang ugong ng hangin na sinabayan ng malakas sa ulan sa resort na ito sa barangay Ipil, Surigao City, kalinang hapon.
09:43Nagpatupad na ng forced evacuation sa mga nakatira sa delikadong lugar.
09:48Ayon sa pag-asa, posibleng makaranas ng hanggang 3 metrong taas ng daluyong o storm surge sa mga baybayin ng lungsod.
09:57Hindi lahat ng barangay may mga hazard areas.
10:02So may mga portions lang, may sityo o ipuro or isend o certain number of household surge.
10:10Malapit kami sa dagat.
10:11Nanigurado lamang para 50 kami.
10:14Kahapon pa lang daw, naghahanda na ang mga residente.
10:18Kahapon pa niya ang tinalian ko.
10:19Malakas na hangin baga masira pa.
10:24Ang mga taga-barangay Washington sa CVDS Elementary School na namalagi.
10:30Ilang residente naman ang nagpanikbahing.
10:33Kasi magbabagyo.
10:34O.
10:35Saan natatakot kayo na magkaubusan?
10:38Parang gano'n na nga po.
10:40Ano po yung parang gano'n?
10:41Magkakaubusan ng pagkain.
10:43Kaya bibili ako.
10:44Paniguro lang kasi may mga apo ako marami.
10:48Natakot daw sila dahil sa anunsyong walang magbubukas na supermarket at bangko.
10:53We were able to make recommendations for them to open today.
10:58Para to give way also for preparation ng mga tao.
11:02Kung kailangan nila mamili, kailangan nila mag-secure ng pera.
11:05So we're very thankful na wala ng panigbahing.
11:10Oscar Oida, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:15Nasa signal number 3 dahil sa Bagyong Tino, ang Surigao del Norte.
11:19Mag-uulat mula sa Surigao City si James Paolo Yap ng GMA Regional TV.
11:25James, kabusang panahon dyan?
11:31Atom, hanggang sa mga oras na ito ay patuloy ang pagbayo ng malakas na hangin na may kasamang ulan.
11:38At ngayon lang ay nawala ng supply ng kuryente dito sa kinaroroonan natin sa harap ng City Hall dito sa Surigao City.
11:48At may ilan-ilang puno na rin ang nagsitumbahan dahil nga sa malakas na hampas ng hangin.
11:54At katunayan, may dalawang sasakyan ang nasira dahil nadaganan ito ng isang malaking puno ng kahoy doon sa Surigao del Norte Provincial Complex.
12:05Atom, sa ating pag-iikot kanina sa ilang evacuation sites dito sa Surigao City ay nakatira na sila ng paunang tulong mula sa CSWD at DSWD.
12:34Ilan sa kanilang mga request ay sana malagyan o mabigyan sila ng supply ng tubig para sa kanilang palikuran.
12:42Kasi ito yung pangunahing problema ng mga evacuation sites.
12:46Ilang evacuation sites dito sa Surigao City, yung iba nga, ay sinamantala na lang ang buhos ng ulan
12:52para makapag-iigib ng tubig na magagamit para sa kanilang pangangailangan ngayong gabi.
13:00Diyan ba sa inyo, James, may mga binahanang lugar o mga lugar na nagkaroon ng landslide?
13:05Maliban sa nai-report na mga kahoy na nagsitumbahan, ay wala pa namang naiuulat na landslide o storm surge dito sa bahagi ng Surigao City.
13:20Pero may mga natatanggap tayong report na as of 9pm kanina ay nawala na rin ang supply ng kuryente,
13:27ang malaking bahagi ng Siargao Island.
13:31At ngayon nga ay nakikipag-ugnayan tayo sa Surigao del Norte Provincial Disaster Office
13:37upang makumpirman natin at makamusta natin ang sitwasyon ng ating mga kababayan doon sa Siargao Island
13:44na siya rin posibleng tumbukin ng bagyong Tino.
13:49Atom.
13:50Okay, pingat at maraming salamat, James Paloyap ng GMA Regional TV.
13:55Balikan na po natin si Ray Gozon, ang officer in charge ng Office of the Civil Defense Region 8.
14:01Magandang gabi po, Sir Ray.
14:03Magandang gabi, Atom. Magandang gabi din po sa lahat ng mga nanonood sa estasyon.
14:07Okay, Sir Ray, nasaan po kayo sa mga oras na ito at kamusta sa inyong lugar?
14:12Okay, nasa Tacloban City po ako ngayon.
14:15And na-observe ko dito medyo tahimik pa.
14:22Although nararamdaman namin na medyo malakas than normal yung hangin natin.
14:29Ano po ba yung mga lugar, Sir, na binabantayan natin,
14:32particular dito sa mga bantanang baha, pag-uho ng lupa at storm surge o daluyong?
14:38Unag muna, itong typhoon track mismo is binabantayan natin for possible flooding and landside
14:50and even yung possibility for storm surge.
14:54Kaya po, doon sa ating preparedness measures, part of it or big part of it is yung conduct ng preemptive evacuation.
15:03So, as of this time, marami na rin pong nagkaroon ng preemptive evacuation sa lahat po ng areas na nasa typhoon track po.
15:15May particular areas po ba kayo, Sir Ray, na binabantayan o meron kayong partikular na lugar na nananawagan sa ating mga kababayan
15:24na lumikas na sa mga oras na ito?
15:27Okay, actually, nag-betayin ng last window kaninang hapon.
15:33And we do hope na lahat po ng ating mga kababayan,
15:37sa tulong ng local disaster inspection and management council,
15:42ay napa-evacuate na po lahat.
15:45So, binabantayan po natin itong southern tip ng eastern summer,
15:51papunta ng Leyte, southern Leyte,
15:55palabas naman po dito sa western part ng province ng Leyte.
15:59So, ito po yung binabantayan natin.
16:01Pero, hindi rin po natin iniiwasang magbigay ng advisories doon sa outside tone ng typhoon
16:10kasi possible din po magkakarana sila ng mga pag-uulan,
16:16which will possibly result to flooding and landslide.
16:20So, patuloy din po natin itong minumultor at ang lahat ng mga areas na ito na nabanggit natin.
16:26Sige, sir. Isang huli na lang, sir Ray, ano po ba ang inyong panawagan sa mga kababayan natin sa mga lugar na iyan?
16:35Okay, napapansin ko kasi ato na meron nang nagkakonduct ng clearing operations,
16:41especially ito sa may southern Leyte.
16:43So, i-ano natin na palampasin na muna yung bagyo,
16:48huwag muna tayong lumabas habang hindi pa nakalampas yung bagyo sa atin
16:53para ma-insure natin na stay po tayong lahat.
16:58Alright. Ingat po at maraming salamat,
17:00Sir Ray Gozon, Officer in Charge ng Office of the Civil Defense sa Region 8.
17:05Maraming salamat din po. Maganda gabi.
17:07Ramdam din sa Bicol ang Bagyong Tino gaya sa Sorsogon na nasa signal number 1 ngayon.
17:12Nakuna ng isang residente ang baha sa kanilang lugar ngayong gabi
17:15sa barangay Salog sa Sorsogon City.
17:18Sabi niya, sa gitna ng matinding buhos ng ulan kaninang alas 7 ng gabi,
17:23umapaw ang ilog kaya nalugog sila.
17:25Humupa na rin ito pero naka-alerto pa rin daw sila.
17:29Sa bulan Sorsogon naman, pati sa Catanduanes,
17:32maraming biyahe sa dagat ang suspendido.
17:35As of 4pm, ayon sa Philippine Coast Guard,
17:38mahigit 3,500 individual at mahigit 1,000 sasakyang pandagat
17:43ang stranded sa 68 pantalan sa bansa
17:47naapektado ng bagyong.
17:50Nakataas ang tropical cyclone wind signal sa ilang lugar,
17:54bunsod ng Bagyong Tino,
17:55na sa ngayon ay hindi pa nagla-landfall ayon sa pag-asa.
17:59Batay sa 11pm bulitin ng pag-asa,
18:01signal number 4 sa extreme southeastern portion of eastern Samar,
18:07western and southern portion of Leyte at southern Leyte.
18:10Gayun din sa northern portion of Cebu,
18:13northeastern portion of Bohol,
18:15northernmost portion of Negros Oriental,
18:18northern portion of Negros Occidental,
18:20Gimaras, pati na ang Dinagat Islands,
18:23Siargao at Bukas Grande Islands.
18:25Signal number 3 naman sa southern portion of eastern Samar,
18:29southern portion of Samar at central portion of Leyte.
18:32Gayun din sa eastern or extreme northern at central portion of Cebu,
18:37central and eastern portions of Bohol,
18:40northern portion of Negros Oriental,
18:42central portion of Negros Occidental,
18:44Iloilo,
18:45southern portion of Capiz,
18:47central and southern portions of Antique,
18:50pati sa natitirang bahagi ng Surigao del Norte.
18:53Signal number 2 naman sa southern portion of Basbate,
18:55southern portion of Romblon,
18:57southern portion of Oriental Mindoro,
18:59southern portion of Occidental Mindoro.
19:02Gayun din sa northern portion of Palawan,
19:04central portion of eastern Samar,
19:06central portion of Samar,
19:08Biliran at Siquijor.
19:10Signal number 2 rin sa central portion of Negros Oriental,
19:14natitirang bahagi ng Leyte,
19:15Bohol,
19:16Cebu,
19:17Negros Occidental at Capiz,
19:19Aklan at Antique.
19:21Gayun din sa northern portion of Surigao del Sur,
19:24northern portion of Agusan del Sur,
19:26northern portion of Agusan del Norte at Camiguin.
19:29Habang signal number 1 sa Albay,
19:31Sursogon,
19:32natitirang bahagi ng Masbate,
19:34Romblon,
19:35Oriental Mindoro,
19:36Occidental Mindoro,
19:38southern portion of Quezon,
19:40southern portion of Mariduque,
19:41central portion of Palawan.
19:43Signal number 1 din sa northern Samar,
19:46natitirang bahagi ng eastern Samar,
19:48Samar at Negros Oriental.
19:50At sa iba pang bahagi ng Surigao del Sur,
19:53central portion of Agusan del Sur,
19:55natitirang bahagi ng Agusan del Norte,
19:57Misamis Oriental,
19:59northern portion of Bocaddon,
20:01northern portion of Misamis Occidental,
20:03pati na sa northern portion of Zamboanga del Norte.
20:07Huling na mataan ang bagyong Tino
20:08sa ibabaw ng coastal waters ng Loreto,
20:11Dinagat Islands.
20:13Papalapit ito sa Dinagat Islands at Humunhon Island
20:15at inaasaang magla-landfall sa Leyte o Southern Leyte
20:19mamayang hating gabi o bukas ng madaling araw.
20:23Tatawarin ito ang Visayas at northern Palawan
20:26hanggang sa lumabas sa West Philippine Sea
20:28sa Merkoles ng umaga.
20:30Pusibling sa Merkoles ng gabi o Huwebes ng umaga
20:33ito makalalabas ng Philippine Area of Responsibility.
Comments