00:00Samantala mahigpit na nagpapantay ang mga otoridad sa coastal areas ng Southern Leyte
00:04sa harap na rin ang banta ng daluyong o storm surge na maaring idulot ng Bagyong Tino.
00:11Si Dalia Orit Atuel na Radio Pilipinas Sogod sa Sentro ng Balita.
00:17Nagsimula ng magpatrolya ang mga tauha ng Philippine Coast Guard sa Southern Leyte
00:21para matiyak ang kaligtasan ng mga residente na nakatira sa mga paybaing dagat.
00:25Nakataas na kasi ang high alert status ng PCG
00:28bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa Bagyong Tino.
00:31Ayon kay Lt. M.R. John Inupia,
00:33isinagawa ng PCG ang Coastal at Seaborn Patrol sa iba't ibang baybay ng komunidad
00:37upang ipaalala sa mga mangingisda at may-ari ng mga maliliit na bangka
00:41na sumunod sa mga inilawas na abiso ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.
00:46Kabilang narito ang pagbabawal sa paglalayag habang may banta ng bagyo
00:50upang may iwasang ang anumang aksidente o pagkawala sa laot.
00:53Tiniyak din ang Coast Guard na handa at kumpleto ang kanilang mga kagamitan
00:56tulad ng life vests, rescue cans, life boys, hard hats at mga communication gear
01:01na agad gagamitin kung kinakailangan.
01:04Bukod dito, nagibahagi rin ang mga tauhan ng PCG sa pagdadala ng mga relief pack
01:08para sa mga pamilya na posibleng maapektuhan ng Bagyong Tino.
01:12Sa datos ng PCG, umabot na sa 164 individual at 66 rolling cargos ang stranded sa pantalan ng lalawigan.
01:20Sa ngayon, patuloy ang mahigit ng monitoring ng PCG at provincial government sa lagay ng panahon
01:24para agad makatugon sa pangangailangan ng mga residente rito.
01:28Apela ng pamahalaan sa publiko, maging alerto sa pagbaha lalo na sa storm surge
01:32habang papalapit ang Bagyong Tino.
01:34Mula sa Southern Leyta, para sa Integrated State Media,
01:38Dalia Oretatwil ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.