00:00Karaniwang problema ng ating mga kababayan kapag dumadalaw po sa mga sementeryo ay ang pahirapang paghanap sa mga puntod ng kanilang mga yumaong kaanak.
00:09Kaya naman agad nila itong isinangguni sa pamunuan na gumagamit na rin ng online finder para mabilis na mahanap ang mga puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
00:19Ang detali sa report ni Bian Manalo.
00:21Tatlong oras na hinanap ni Nanay Josefina ang puntod ng kanyang ama sa Manila South Cemetery.
00:31Laking gulat niya nang makita ang ibang pangalan na ang nakaukit sa lapida at hindi na ang kanyang ama.
00:37Nabisita pa raw niya ito noong nakaraang taon.
00:39Hinala niya, inilipat na ng pamunuan ang buto ng kanyang ama dahil natapos na ang kanilang kontrata sa kinahihimlayan itong tinatawag na apartment.
00:48Pero hindi niya raw inasahan na wala siyang dadatnan dahil wala naman daw silang formal na abisong natanggap mula sa pamunuan ng simenteryo.
01:13Kaya panawagan niya sa pamunuan ng simenteryo.
01:16Sana naman po, bigyan nila ng pansin yung mga hindi nakakaabi ng bagong renewal fee.
01:26Sana naman po, bigyan naman po ng konsiderasyon.
01:32Ayon sa mga otoridad, ilan sa kalimitang idinulog sa kanilang mga public assistance desk ay mga nagpapatulong para mahanap ang mga nawawalang puntod ng kanilang mga mahal sa buhaya.
01:43Agad naman daw nila itong isinasangguni sa pamunuan na gumagamit na rin ang online finder para mabilis na mahanap ang mga nawawalang puntod.
01:51Sa talaan ng Manila South Cemetery, umabot sa maygit isang daang libong individual ang naitala nilang bumisita kahapon November 2.
02:00Noong November 1 nga, umabot sa maygit 140,000 ang bumisita sa libingan.
02:06Aabot sa halos dalawang daang pulis mula sa Manila Police District ang nakakalat sa loob ng simenteryo.
02:12Bugod pa dyan ang mga pulis mula sa Makati Police District na nakadeploy sa labas naman ng simenteryo at maging ang mga force multiplier.
02:21Karamihan sa mga nakumpiska ay sigarilyo at vape.
02:23May mga nasamsam ding matutulis na bagay gaya ng gunting at cutter.
02:28Sabi ng pulis siya, generally peaceful ang pagunitan ng onda sa Manila South Cemetery.
02:33Wala rin naitalang anumang untoward incidents, maliba na lang sa mga humingi ng atensyong medikala na karamihan ay pawang mga matatanda na tumaas ang blood pressure o nahilo dahil na rin sa mainit na panahon.
02:46May alok namang libring trike service at wheelchair ang Manila South Cemetery Management para sa mga senior citazena, buntis at mga PWD na maghahatid sa kanila sa mga puntod.
02:58Bien, Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.