Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Palikman sana si Pangulong Bongbong Marcos matapos dumalo sa APEC Summit sa South Korea.
00:05Nakasama niya roon si Chinese President Xi Jinping pero hindi nila tinalakay ang tungkol sa West Philippine Sea.
00:12Ang paliwanag dito ng Pangulo sa Pagtutok, Di Bernadette Reyes.
00:18Lumapit at nakipagkamay si Pangulong Bongbong Marcos kay Chinese President Xi Jinping
00:22sa pagtatapos na Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Summit sa South Korea.
00:27Ayon sa Pangulo, binati niya si Xi para sa APEC Chairmanship ng China sa 2026.
00:57Hindi nila tinalakay ang hidwaan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
01:20This is APEC, it's an economic meeting. We don't really talk about such issues.
01:27Habang nagaganap ang APEC Summit na pagkasunod ng Pilipinas at Amerika sa ASEAN Defense Minister's Meeting sa Kuala Lumpur, Malaysia,
01:34ang pagbuo ng Task Force Philippines kung saan bubuo ng bagong sistema para sa patulong na interoperability at kahandaan ng dalawang bansa
01:42at pigilan ng paglala ng tensyon sa South China Sea.
01:45I hope it will lower the tensions in West Philippine Sea. It will certainly not heighten them because it's not something new.
01:54Bago ang APEC Summit lumahok sa multilateral naval exercise sa ating exclusive economic zone ng mga barko ng Pilipinas,
02:01Amerika, Australia at New Zealand. Limang warship ng China naman ang namataang nagmamasin.
02:06Kinumpirma ng Chinese military na nagpatrolya sila sa misyong tinawag nilang seryosong banta sa kapayapaan at kapanatagan sa regyon.
02:14Bukod sa gusot sa siguridad, may bangayan din sa kalakalan ang Amerika at China.
02:20Isa sa mga magandang ibinalita ni Pangulong Marcos ang pagpasok ng 50 billion peso worth of investment
02:25mula sa isang Korean company na magpapalawig ng negosyo sa Pilipinas at magpapasok ng karagdagang 3,000 trabaho.
02:33Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatutok 24 Horas.
02:44Pag.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended