Skip to playerSkip to main content
  • 1 year ago
Mga taga-Angono, ngayong araw dumalaw sa mga yumao; bahagi ng municipal cemetery, binaha | 24 Oras Weekend

Category

🗞
News
Transcript
00:00Gaya ng nakaugalian ngayong araw ng mga kaluluwa, dumalaw sa yumao ang mga taga-angono Rizal.
00:06At nakatutok live, si Nico White.
00:09Nico.
00:13Ivan, kung marami sa ating mga kababayan ang pabalik na normal,
00:17a pabalik na sa normal ngayong araw dahil may pasok na bukas,
00:20ang mga taga-angono Rizal, tradisyon na raw na gunitain ang undas sa mismong All Souls Day.
00:31Ngayong araw ng mga kaluluwa o November 2, ang nakaugalian pagdalaw sa mga yumao ng mga taga-angono Rizal.
00:38Dito sa Angono Municipal Cemetery, may mga ngayong araw lang din naglinis at nagpintura ng puntod.
00:44Nalake ng pagano, kasi may busy ako.
00:46Magkano pintura, sir?
00:48Ano lang, sir? 250 lang ito, sir.
00:50Isa raw sa napansin ng mga taga-angono, mas kakaunti ang mga pumunta ng sementeryo ngayong taon.
00:56Dati kasi siksikan, ngayon hindi na.
00:59Siguro, kagabi pa yung iba, nagpunta rito.
01:02Medyo hindi siya ganun karami at dahil may 31 tayo, by one, and of course,
01:09nagkaroon sila ng chance para mauna yung iba.
01:12At kung titignan natin, ang kabuuan ay hindi ganun kasikip.
01:15Sa pagsuyod naman namin sa Angono Municipal Cemetery, kapansin-pansing may mga nichong lubog sa baha.
01:22Gaya ng nicho ng lola ni Bea.
01:24Mula noong ilibing ito rito noong 2018, palaging ganito ang sitwasyon.
01:28Medyo mahirap po, pero ganun talaga.
01:33Mahirap.
01:33Maglilimas talaga mo, maglilimas pa ganito eh.
01:36Ayon sa Angono Police, stagnant ang tubig sa dulo ng sementeryo at walang malabasan.
01:41Sinusubukan pa namin kunan ang pahayagang LGU.
01:45Sa isang pribadong sementeryo rito, ang himlayan ng dalawang national artists,
01:49ang muralist na si Carlos Botong Francisco at ang composer na si Lucio San Pedro.
01:54Mga boy scout ang bantay sa kanilang mga puntod.
02:01Ivan, tulad ng inaasahan ay mas dumami pa yung mga dumadalaw rito sa Angono Municipal Cemetery.
02:07Siguro mga nga nasa alas 3 ng hapon kanina na magsimulang dumagsa yung mga dumadalaw rito.
02:13At ayon sa Angono Police, nasa mahigit 10,000 na yung mga dumadalaw sa tatlong sementeryo rito sa Angono Rizal.
02:20Ayon naman sa Rizal Police Provincial Office at naging payapa ang paggunita ng undas sa buong provinsya.
02:26Yan muna ang latest. Balik sa Ivan.
02:29Maraming salamat, Nico Wahe.

Recommended