00:00Namataang nakamasid ang ilang barko ng China sa gitna ng paglalayag ng mga barko ng Pilipinas kasama ang mga kaalyadong bansa sa West Philippine Sea.
00:10Saksi si Chino Gaston.
00:15Mula Zambales, magkakasabay naglayag tungong Rectobank sa Mindoro ang mga barko ng Pilipinas, US, Australia at New Zealand
00:22sa multilateral naval exercise sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
00:27Pinangunahan ng BRP Jose Rizal, ang frigate ng Philippine Navy, ang pagsasanay kung saan kalahok din ang USS Fitzgerald ng Amerika,
00:36HMAS Balarat ng Australia at ang fuel tanker na HMNZS o Tiroa ng New Zealand.
00:43Ito na ang panglabing dalawa na multilateral maritime cooperative activity ng Pilipinas at mga kaalyadong bansa
00:50at pangpitong joint sail sa West Philippine Sea ngayong taon sa dalawang araw na naval exercise,
00:56limang warship ng China ang namataang nagmamasit.
00:59Kasama sa mga ginawang pagsasanay sa multilateral exercises dito sa West Philippine Sea,
01:04ang tinatawag na replenishment at sea operations kung saan itong fuel tanker ng bansang New Zealand
01:11ang malapitang dumikit dito sa frigate ng Pilipinas.
01:15Ito'y bilang paghahanda sa hinaharap kung saan merong operation na kailangan na lang mag-refuel dito sa dagat
01:21at hindi na kailangan umuwi pa o bumalik pa ng kalupaan ang mga barko na magkakaalyadong bansa
01:27para tumagal ang pagpapatrolya dito sa West Philippine Sea.
01:31May simulation din kung paano mag-refuel ang AWS-159 anti-submarine helicopter ng Philippine Navy
01:38na habang nasa ere.
01:40Habang ginagawa ang replenishment at sea, walang tigil ang paglipad ng helicopter ng Australia.
01:44Sa isang punto, nagbago ang direksyon ng BRP Jose Rizal, kaya napalapit ng 3 nautical miles
01:50mula sa mga nagmamasid na warship ng China.
01:53We have monitored several foreign intrusions in the area.
01:58To be specific, we have monitored 5 unwanted foreign intrusions, pero di naman sila nakalapit sa atin.
02:05Dumikit lang sila sa atin, di naman siya talagang nakalapit.
02:11Pinaka-nearest nila is 3 to 5 nautical miles sa atin.
02:14Nagsagawa din ang personnel exchange ang mga barko gamit ang mga rubber boat
02:18at palitan ng supply gamit at lubid sa pagitan ng dalawang barko.
02:23Isa sa mga sumampah ng BRP Jose Rizal, ang Australianong naval officer na may dugong Pinoy.
02:28It's been a very good experience to work with the Filipino naval forces.
02:32Tuwing gabi, may mga namataang drone na nagmamasid sa mga barko ng magkakaalyadong bansa.
02:38Hindi raw ito nagmula sa mga barkong kalahok sa multilateral exercise.
02:41Na-detect din gabi ng Webes ang isang U.S. Nimitz-class aircraft carrier at iba pa mga escort nitong warship na naglalayag sa West Philippine Sea.
02:50Nagtapos ang dalawang araw na naval exercise sa pass and review na nagsilbing pamamaalam na rin ng mga kalahok na warship.
02:57Para sa GMA Integrated News, ako si Chino Gaston, ang inyong saksi.
03:03Sa kabila ng paalala ng maturidad, may ilan pa rin nahulihan na may pinagbabawal na gamit sa mga transport terminal.
03:10Marami pa rin ang bumiyahin ngayong araw para makaabot sa pagunitan ng undas sa mga probinsya.
03:17Saksi si June Veneracion.
03:18Bantay sarado ang mga otoridad sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX mula pa kaninang umaga.
03:30Nakumpis ka ang ilang gamit na bawal sa loob, gaya ng patalim, lighter at bitane canister.
03:36Kahapon, umabot sa 194,000 ang pasahero sa terminal.
03:40Nakita po natin na mas maunti na po ang mga pasahero natin compared po yesterday.
03:45Yung iba po natin mga pasahero ay nakapag-travel na since Monday pa lamang.
03:50Pero hindi ramdam ng ilang bus company ang dagsa ng mga pasahero.
03:55Gaya ng biyahing ito na patungong Matnogsorsogon, wala pang kalahati ng bus ang sakay.
04:00Ang napupunulan naman po rito, sir, yung mga kilalang company, katulad nung mga matatagal na po.
04:06Kung ang ilang pasahero, excited na makauwi sa probinsya, may ilang isinantabi muna ang tradisyon dahil sa trabaho.
04:13Medyo malungkot at wala tayong magagawa. Ako wala akong magagawa dahil nga una-una, trabaho.
04:23At ito yung nature ng trabaho ko, simulat sa pol.
04:27Sa isa sa mga bus terminal sa Cubao, Quezon City, dagsari ng mga pasahero kanina.
04:32Dagikot naman ang jepe ng NCRPO sa mga bus terminal sa Cubao.
04:35Para siguruhin ang siguridad, ininspeksyon niya ang mga police outpost, pati mga assistance desk.
04:42Ang pinakaiwasan nating mangyari ngayon sa mga kababayan natin ay yung maging biktima sila ng krimen.
04:51Inaasahan naman hanggang ngayong araw ang buhos ng mga pasahero sa Matangasport.
04:55Mukhang kahapon talaga yung pinakapik because yun yung last day of office.
05:00Mula October 23 hanggang kaninang tanghali, mahigit 87,000 ang mga pasahero sa Matangasport.
05:07Mahigpit ang siguridad sa pantalan.
05:09May bag check papasok sa terminal at papasok sa passenger waiting area.
05:13Kinumpis ka rin ang mga pinagbabawal na gamit gaya ng mga lighter.
05:17Bukod sa Matangasport Police, umiikot din ang EOD at K9 units ng Philippine Coast Guard.
05:23Habang may ilang taga Coast Guard Auxiliary ang namigay ng face mask sa mga pasahero.
05:29May mga oras namang maluwag ang mga paliparan ngayong araw, gaya sa NIA Terminal 3.
05:35Pero may mga pagkakataon ding matindi ang buhos sa mga pasahero, lalo na sa immigration.
05:41Bukod kasi sa dagsa ng mga pasahero, kulang din ang tauhan ng airport dahil sa mga ahenteng nagkasakit.
05:47Parang may flu season eh.
05:49Talagang dumarami ang absences because of that.
05:52Pero dagdag ng New NIA Infra Corporation, posibleng ito ang huling undas na mararanasan ng ganitong problema.
05:59Bumili ng immigration e-gates.
06:02Yung e-gates nga, yan ang mga nakikita natin sa other countries eh.
06:05Na talagang may biometrics yan.
06:09Mabilis.
06:09Mabilis na ang lalong-lalong na dun sa arrival.
06:12By December 12, ready-ready na tayo ron.
06:15So in time for the holiday season natin sa December.
06:19Patirawang mahabang pila sa check-in.
06:21Maayos na nila ngayong taon.
06:22By November 17, gagana na ang ating automated passenger processing system.
06:30Yung sinasabi natin na scan mo lang yung passport mo, mapiprint na yung yung mga boarding pass.
06:38Mayroon ka ng mga bagtags.
06:40And then from there, pupunta na na sa self-bag draft.
06:43Para sa GMA Integrated News, ako si Jimmy Van Arasyon, ang inyong saksi.
06:49Magandang tanawin at malamig na klima ang habon na maraming namama siya ngayong undas long weekend sa Baguio City.
06:55At nakabantay ang otoridad sa seguridad at gayon din po sa mga taxi driver na pumipili ng pasahero.
07:02Saksi, si Jasmine Gabriel Dalban ng GMA Regional TV.
07:05Mula sa Maynila, dumiretso ang Pamilya Ramirez sa Burnham Park para simula ng tatlong araw na bakasyon sa Baguio City.
07:14Biking area ang first stop ng mag-anak para ma-enjoy ng mga bata ang bakasyon.
07:19Makapag-relax.
07:23Dahil long weekend, dagsa ang mga turistang umakyat sa Baguio City.
07:27Karamihan galing sa Metro Manila.
07:29Habang ang ilan, nagmula sa Karatig Prodinsya na gustong ma-feel ang cold weather sa City of Pines na naglalaro sa 17-18 degrees Celsius.
07:38Kasi po, ayun sa weather po, napaka-press ko kahit naglakad.
07:42Yung hindi ka pagpapawisan agad, parang relaxed na relaxed kahit na walang gawin.
07:47Daan-daang police ang nakadeploy sa mga pukpasyalan sa Baguio City.
07:51Bukod sa mga nakapwesto sa Tourist Assistance Desk,
07:54ay meron pang mga nag-iikot para mamonitor ang sitwasyon ng mga turista.
07:59Sa dami ng turista, binabantayan ng DOTR ang mga taxi driver na namimili ng pasaherong isasakay.
08:05Ang dami nga talaga yun, namimili na sila.
08:07Dahil traffic, dahil nga ayaw nila dun sa rota na yun, ang dami nga ganyan.
08:12Dagsa na rin ng mga bisita sa Baguio Public Cemetery.
08:15In the past 2-3 years, maaga na kami talaga dahil lalo na noon may schedule.
08:20At saka meron din kami kasing mga bibisitahin sa La Union, sa Naguilian.
08:25Halos isandaang patalim, alak at sigarilyo ang nakumpiskan ng otoridad.
08:29Naka-ready tayo, meron tayong mga pangtag at saka mga deposit box para dun sa mga nakonfiscate po natin na items.
08:37Ngayong weekend, inaasang aabot sa magkita 30,000 ang mga bibisita sa Public Cemetery.
08:43Kaya bukod sa magkita 200 na pulis na nakabantay sa lugar,
08:46ay meron ding augmentation mula sa barangay pribadong sektor.
08:49Samantala, mas lalo pang tumaas ang presyo ng bulaklak sa Baguio City ngayong araw.
08:54Nagkakaubusan na rin ang suple ng bulaklak sa mga pamilihan.
08:57Para sa GMA Integrated News, ako si Jasmine Gabriel Galban ng GMA Regional TV,
09:03ang inyong saksi.
09:05May rollback po sa presyo ng LPG bukas, unang araw ng Nobyembre.
09:0945 centing mga kada kilo ang bawas presyo ng Solane sa kanilang LPG.
09:14Katambas po yan ang halos limang pisong rollback sa kada regular na tanke.
09:18Ang petro naman, 50 centing mga kada kilo ang rollback.
09:22Sa susunod na linggo, nakaamba namang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo.
09:26Ay sa Oil Industry Management Bureau,
09:28mahigit dalawang piso kada litro ang posibleng taas presyo sa diesel.
09:32Piso at dalampung centing mga ang posibleng taas presyo naman sa gasolina,
09:36habang piso at 75 centing mga naman sa kerosene.
09:40Inibitahan ni Pangulong Bombo Marcos si South Korean President Lee Jim Myung na bumisita sa Pilipinas.
09:47Sa gitna po yan, magpag-uusap ng dalawang leaders sa APEX Summit.
09:51At mula sa Busan, South Korea, saksila si Bernadette Reyes.
09:57Bernadette?
09:58Pia, mga traditional Korean food gaya ng bibimbap at braised short ribs
10:05ang ilan sa mga pinagsaluhan ng mga world leaders at delegates
10:08sa gala dinner na hinost ni South Korean President Lee Jim Myung.
10:12Sa unang sasyon ng APEX Economic Leaders Meeting,
10:20isinulong ni Pangulong Bombo Marcos
10:21ang pagbabalik sa mekanismo ng World Trade Organization o WTO
10:25para resolbahin ng mga pagtatalo sa kalakalan ng mga bansa.
10:30Walang partikular na binanggit,
10:32pero kung matatandaan,
10:33naka-apekto sa mga ekonomiya sa buong mundo
10:35ang pagtataas ng ipinapataw na taripa ng Amerika
10:39sa mga produktong inaangkat nito sa ibang bansa.
10:43May appellate body ang WTO
10:44para desisyonan ang mga katulad na pagtatalo sa kalakalan,
10:48pero 2019 pa huling nakapagdinig
10:51dahil sa kakulangan ng quorum
10:53dahil sa mga hinarang na appointment.
10:57Pagkatapos niyan,
10:58nag-usap ang Pangulo at si South Korean President Lee Jim Myung
11:01na chairperson ng APEX Economic Leaders Meeting.
11:05Yes, I want to listen to that.
11:07When we were in a national crisis,
11:10the Philippines sent its military to Aedas.
11:13And so the people of Korea will never forget
11:15the contributions and dedication and sacrifices
11:17made by the Philippines.
11:19And I see a real opportunities for us
11:21to promote a rules-based order,
11:24a more secure, more prosperous region.
11:27And I'll make you invite you to come and visit us in the Philippines.
11:30I fully agree, and I will try to visit the Philippines
11:33as well as a family.
11:36Dahil sa Pilipinas ang 2026 ASEAN Summit,
11:40inimbitahan din ni Pangulong Marcos
11:42ang mga negosyante mula sa ibang bansa
11:44na bumisita sa Pilipinas
11:45nang magtalumpati siya sa APEX CEO Summit.
11:49The Philippines is open, ready, and eager
11:53to do business with you.
11:55The Philippines offers more than just a strategic location
11:58at the heart of the region.
11:59Samantala, nakasama naman ni First Lady Lisa Araneta Marcos
12:04ang mga spouses ng iba pang world and economic leaders
12:08sa Bulguk sa Temple.
12:09Niregaluhan sila ng traditional Korean pouch
12:12na may simbolo ng kasiyahan at swerte.
12:20Pia, ang menu ay dinisenyo ng sikat
12:22na American Korean chef na si Edward Lee.
12:25Samantala, nag-perform din sa naturang gala dinner
12:28ang K-pop star na G-Dragon.
12:31Live mula dito sa Busan, South Korea,
12:33ako si Brunadette Reyes, ang inyong saksi.
12:39Kahanga-hanga ang pagiging malikhain
12:42ng mga lumahok sa iba't ibang mga Halloween costume party.
12:46Pero ang simbahang katolika,
12:48may paalala tungkol sa tunay na diwa ng undas.
12:53Saksi, si JP Soriano.
12:54Zombie,
13:02Multo,
13:03at iba pang mga elemento.
13:08Level up ang costume party
13:10ng mga taga-barangay 587A,
13:13Zone 58, District 6 sa Maynila
13:15ngayong Halloween.
13:17Hindi lang simpleng trick or treat
13:18ang kanilang pinagkakaabalahan,
13:21kundi pabonggahan
13:22sa bihis pati na rin
13:24sa actingan.
13:27Madali po kasi yung acting.
13:29Paano ba ako ng zombie?
13:31Kagapang lang po.
13:35Bukod sa mga nakakatakot,
13:37meron din mga bumida
13:39na bihis kontrabida
13:40sa pelikula.
13:41Lahat po ng villain,
13:43tao pa rin po sila.
13:44Tapos,
13:45katulad lang din po sa realidad,
13:48may mga masama,
13:49pero may mga backstories po sila.
13:51Creepy rin ang bihis
13:55ng mga residenteng lumahok
13:57sa taonang
13:58Noches de los Espiritu
13:59sa Zamboanga City.
14:01Kabilang sa kanila
14:02ang isang nakabihis kontraktor
14:05na may mga ghost project o mano.
14:07Nagpalupitan din sa pananakot
14:10ang mga horror house
14:11na makapanindig balahibo
14:13ang mga disenyo.
14:16Sa Tay-Tay Rizal,
14:18nakisaya sa trick or treat
14:20ang mga anak
14:20ng mga polis
14:21at sibilyan
14:22sa paligid ng Rizal
14:23Provincial Office Parade Ground.
14:26Sa gitna nito,
14:27nagpaalala
14:28ang Catholic Bishops Conference
14:29of the Philippines
14:30o CBCP
14:31na gunitain
14:32ang kabanalan
14:33tuwing undas.
14:34Tulad ng Parade of Saints
14:36sa Tagbilaran City sa Bohol,
14:38anila ito ang simbolo
14:40ng pakilala nila
14:41sa kabanalan
14:42at kanilang pananampalataya.
14:45Para sa GMA Integrated News,
14:47ako po si JP Soriano,
14:49ang inyong Saksi.
14:52Mga kapuso,
14:53maging una sa Saksi.
14:54Mag-subscribe sa GMA Integrated News
14:56sa YouTube
14:57para sa ibat-ibang balita.
15:04outro
Comments