Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa kabila ng paalala ng otoridad, may ilan pa rin nahulihan na may pinagbabawal na gamit sa mga transport terminal.
00:07Marami pa rin ang bumiyahin ngayong araw para makaabot sa paggunitan ng undas sa mga probinsya.
00:13Saksi si June Veneracion.
00:19Bantay sarado ang mga otoridad sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX mula pa kaninang umaga.
00:26Nakumpis ka ang ilang gamit na bawal sa loob, gaya ng patalim, lighter at bitane canister.
00:33Kahapon, umabot sa 194,000 ang pasahero sa terminal.
00:37Nakita po natin na mas maunti na po ang mga pasahero natin compared po yesterday.
00:41Yung iba po natin mga pasahero ay nakapag-travel na since Monday pa lamang.
00:47Pero hindi ramdam ng ilang bus company ang dagsa ng mga pasahero.
00:51Gaya ng biyahing ito na patungong matnogsorsogon.
00:54Wala pang kalahati ng bus ang sakay.
00:56Ang napupunula naman po rito, sir, yung mga kilalang company.
01:01Katulad nung mga matatagal na po.
01:03Kung ang ilang pasahero excited makauwi sa probinsya,
01:06may ilang isinantabi muna ang tradisyon dahil sa trabaho.
01:12Medyo malungkot at wala tayong magagawa.
01:16Ako wala akong magagawa dahil nga una-una, trabaho.
01:19At ito yung nature ng trabaho ko, simulat sa pol.
01:22Sa isa sa mga bus terminal sa Cubao, Quezon City,
01:26dagsari ng mga pasahero kanina.
01:28Dagikot naman ang hepe ng NCRPO sa mga bus terminal sa Cubao
01:32para siguruhin ang siguridad.
01:34Ininspeksyon niya ang mga police outpost, pati mga assistance desk.
01:38Ang pinakaiwasan natin yung mangyari ngayon sa mga kababayan natin ay yung maging biktima sila ng krimen.
01:47Inaasahan naman hanggang ngayong araw ang buhos ng mga pasahero sa Batangas Port.
01:51Mukhang kahapon talaga yung pinaka-peak because yun yung last day of office.
01:56Mula October 23 hanggang kaninang tanghali,
02:00mahigit 87,000 ang mga pasahero sa Batangas Port.
02:03Mahigpit ang siguridad sa pantalan.
02:06May bag check papasok sa terminal at papasok sa passenger waiting area.
02:10Kinumpis ka rin ang mga pinagbabawal na gamit gaya ng mga lighter.
02:13Bukod sa Batangas Port Police,
02:15umiikot din ang EOD at K9 units ng Philippine Coast Guard.
02:19Habang may ilang taga Coast Guard Auxiliary ang namigay ng face mask sa mga pasahero.
02:26May mga oras namang maluwag ang mga paliparan ngayong araw,
02:30gaya sa NIA Terminal 3.
02:32Pero may mga pagkakataon ding matindi ang buhos sa mga pasahero,
02:35lalo na sa immigration.
02:37Bukod kasi sa dagsa ng mga pasahero,
02:40kulang din ang tauhan ng airport dahil sa mga ahenteng nagkasakit.
02:43Parang may flu season eh.
02:45Talagang dumarami ang absences because of that.
02:48Pero dagdag ng New NIA Infra Corporation,
02:51posibleng ito ang huling undas na mararanasan ng ganitong problema.
02:55Bumili ng immigration e-gates.
02:58Yung e-gates nga, yan ang mga nakikita natin sa other countries eh.
03:02Na talagang may biometrics yan.
03:05Mabilis.
03:06Mabilis na ang lalo-lalo na dun sa arrival.
03:09By December 12,
03:10readying ready na tayo ron.
03:12So in time for the holiday season natin sa December,
03:15Patirawang mahabang pila sa check-in.
03:17Maayos na nila ngayong taon.
03:19By November 17,
03:21gagana na ang ating automated passenger processing system.
03:26Yung sinasabi natin na
03:28scan mo lang yung passport mo,
03:31mapigrill na yung yung mga boarding pass.
03:34Mayroon ka ng mga bag tags.
03:36And then from there,
03:37pupunta ka na sa self-bag draft.
03:39Para sa GMA Integrated News,
03:42ako si Jimmy Van Arasyon,
03:43ang inyong saksi.
03:45Mga kapuso,
03:46maging una sa saksi.
03:48Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube
03:50para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended