24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Sa murang edad, humaharap na sa matinding pagsubok ang mga batang tinutulungan ng Kapuso Cancer Champions Project ng GMA Kapuso Foundation.
00:13At ngayong papalapit na Kapaskuhan, handog po natin ang libreng chemotherapy sessions at iba pang mga regalo at sorpresa.
00:21Sana ipatuloy po natin sila samahan at tulungan sa kanilang labat.
00:30Natural na masayahin ang dalawang taong gulang na si Mira.
00:33Magana rin kumain at palaging umiindak sa mga paboritong tugtugin.
00:38Ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti, may iniinda pala siyang mabigat na karamdaman.
00:44December 2024, nang mapansin ng kanyang inang si Meljilin na hirap huminga at maglakad ang kanyang anak.
00:51Na-diagnose siyang may acute lymphoblastic leukemia.
00:55Sobrang sakit po siyempre po kasi hindi ko po matanggap na ganun po yung mangyayari sa baby ko kasi healthy naman po siya mami.
01:04Una, hindi po namin siya nakitaan ng sintomas na magkakaganyan po siya.
01:09Ang expect lang namin is normal lang po na sakit, like lagnat po, ganun.
01:14Natigil sa pagtatrabaho si Meljilin para matutukan ang kalusugan ng anak.
01:20Hindi rin sapat ang kinikita ng kanyang asawa na factory worker sa gamutan ni Mira.
01:25Kaya naman kabilang si Mira sa labing limang batang napabilang sa Kapuso Cancer Champions,
01:31isa sa sektor ng Give a Gift alay sa Batang Pinoy Christmas Project.
01:35Handog natin ang libreng six cycles ng chemotherapy session sa mga bata.
01:40Seeing to the treatment of children with cancer is very, very difficult.
01:48Ang GMA Kapuso Foundation, sinisigurado natin na meron kayong kaagapay.
01:55Hindi kayo nag-iisa.
01:57Hatid din natin ang mga regalo at iba't ibang activities para sa mga bata,
02:02kasama ang Kidzuna Iron Fantasy Group Philippines.
02:04Mga Kapuso, sana'y maging instrumento tayo ng pag-asa para sa mga batang nakikipaglaban sa cancer.
02:32Nagmistulang ilog ang ilang barangay sa Panitan Kapis dahil sa hagupit ng nagdaang bagyong ramil.
02:39Ilang araw din natigil ang kabuhayan ng mga residente roon.
02:42At upang maibsan ang kanilang hirap, agad na naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation.
02:48Malawak ang pagbaha ang naranasan sa bahay ng Panitan sa Kapis dahil sa walang tigil na buhos ng ulan dulot ng bagyong ramil.
03:01Isa sa matinding na pinsala ang mga taniman ng palay at mais na pangunahing ikinabubuhay ng mga residente roon.
03:08Ayon sa pinakahuling tala ng Emergency Operations Center ng Panitan, nasa mahigit 24 milyon na ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura.
03:18Ito yung pinaka-catch basin ng province of Kapis.
03:21Yung municipality yung Panitan, isang agricultural town po ito.
03:24So mababa yung area talaga.
03:27Mabilis umakyat yung water level sa Panay River hanggang sa nag-overflow na.
03:35Ang magsasakang sinikulas, kakatapos lang daw mag-ani noon.
03:40Yun nga lang, kahit sa mataas na lugar niya ibinilad ang inaning palay, inabot pa rin ito ng lampas taong baha.
03:48Kaya mula sa tatlongpong sakong palay na sanay maibibenta niya ng tig 500 pesos kada sako, anim na lang ang natira.
03:56Hindi ka man katangis roon kahit tungkol nga ano mo na ay naagyang kahit kalamidad na siyempre antuson na gilangin mo.
04:02Ang gusto naman makabawi kami, binhe ang mga kakwansa para makapanugod kami.
04:09Sa ilalim ng Operation Bayan Nihan ng GMA Kapuso Foundation, agad tayong nagtungo sa Bayan ng Panitan para maghatid ang food packs sa 4,000 individual na binaha.
04:21Matamawin na sa atyempre Kapuso Kapusyon!
04:27Magbibigay din tayo ng tulong sa mga apektadong residente sa Bayan ng Sigma Capis.
04:31Sa gitna po ng sunod-sunod na pagsubok sa ating bansa tulad ng mga bagyo, dama pa rin ang pagmamalasakit ng bawat isa.
04:40Patunay ang suporta nyo sa Operation Bayan Nihan ng GMA Kapuso Foundation kaya nakapaghatid po tayo ng tulong sa mga binaha sa Kapis dahil sa Bagyong Ramir.
04:50Ang paggawa ng mga bamboo furniture sa Barangay Manggoso sa Bayan ng Sigma sa Capis hindi lang daw kabuhayan kundi tradisyon na para sa mga residente.
05:05Sa iba't ibang probinsya pangaraw nakakarating ang kanila mga gawa.
05:08Si Rosanna kumikita ng 500 pesos kada salaset kaya malaking dagwok para sa mga manggagawa tulad niya tuwing may kalamidad gaya ng tumama ang bagyong ramil sa kanilang lugar nitong Sabado.
05:24Dahil sa pagbaha, tigil muna siya sa paggawa matapos makansilang ilang order.
05:30Halos lahat ng nangyari namin ng mga salaset, stand-by po talaga.
05:33Pagka nag-ano po yung bagyo at saka yung baha dito sa amin, talagang wala po kami makukuna ng makakain namin tulad ng mga gamit sa mga eskwela ng mga bata.
05:45Kasi ito po yung aming hanap buhay talaga dito.
05:48Kaya sa pagpapatuloy ng Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation para sa mga naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Capiz, sa Sigma naman tayo nagbigay ng food packs.
06:02More or less, nasa 380mm yung rainfall na binagsak dito sa Capiz.
06:07It's equivalent for one month na rainfall.
06:10Nagpapasalamat kami sa GMA Kapuso Foundation sa pagpunta niyo dito.
06:15Kahit papano, isang araw o dalawang araw nag-san po yung glutong ng mga tao dito.
06:21Sa kabuan, 8,000 individual ang ating natulungan sa Sigma at panitaan.
06:28Matawag kita sa alamang kapuso!
06:31Sa mga nais mag-donate, maaari kayong mag-deposito sa aming mga bank accounts o magpadala sa Cebuana Lumilier.
06:38Pwede rin online via Gcash, Shopee, Lazada, Globe Rewards at Petroback Credit Cards.
Be the first to comment