00:00Samantala, lubog pa rin sa baha ang mahigit 2,000 puntod sa San Jose Public Cemetery sa Kalumpit, Bulacan.
00:07Ayon sa mga taga roon, high tide mula sa katabing Pampanga River na may kasamang pagulan ang nagdulot ng pagbaha sa lugar.
00:15Mula roon ng taasan ang mga kalsada sa barangay San Jose sa sementeryo na napupunta ang tubig.
00:21Kaya, ang mga bumibisita sa kanilang mga yumaong kaanak nagtitiis sa harap ng sementeryo at doon na lamang nagtitirik ng kandila.
00:29Nananawagan naman ang mga residente sa lokal na pamahalaan ng Kalumpit para masolusyonan ang problemang ito.
Comments