- 1 year ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
01:30Kahitpit ang siguridad sa Batangas Port at dumagdag pa sa binabantayan ang umunay 20 pesos modus.
01:38May nagpost daw kasi online na may nangingikil daw ng 20 pesos mula sa mga pasahero bukod pa sa sinisingil na legal fees.
01:46Pero nang mag-ikot ang port manager kanina, wala naman daw sa mga tinanong niyang pasahero ang nakaranas ng modus.
02:24The last week, the passengers are on the way.
02:26It's a holiday.
02:28I'm sure it's helping the wellness break.
02:31It's like last week, they're traveling.
02:34At the end of the year,
02:36from October 23,
02:38until it's 11.30,
02:40it's 70,000 people.
02:44This is a year,
02:46it's 78,000 people
02:49from October 26,
02:53Ayon kay Mendoza, hindi problema ang overloading dahil mahigpit ang Philippine Coast Guard.
02:58Pero, kulang ang mga barko.
03:00Malit naman kasi ang capacity ng mga barko dito compared sa ibang mga passenger vessels, sa ibang mga pods.
03:06And then, ang isang naging problema yung pagbalik sa kabila.
03:10Let's say, pag alis dito, matagal bago din bumalik. So, naiipon talaga sila dito.
03:14Tuloy-tuloy raw ang biyahe ng mga barko kahit sa November 1.
03:18At mas mabuti kung mag-book na lang online.
03:21Uwasan na lang yung pagdadala ng mga primable materials, matutulis na bagay.
03:27At syempre, ang mga prohibited drugs. Syempre, ala ako.
03:30Pepsikal.
03:31Hanggang kaninang umaga ay maluwag pa rin sa Manila North 4th Passenger Terminal.
03:36Ang pamilyang ito, naggabi pa ang biyahe, maagang nagpunta sa Pantalan.
03:42Ang ibang pasaherong delayed ang biyahe, sa Pantalan na lang naghintay.
03:46Bukas din, inaasahan ang bulto ng mga pasahero sa Naiya.
03:50Pero marami ng bumiyahe kanina.
03:52Si Ronel, matutuloy na raw sa wakas ang pag-uwi sa probinsya.
03:57Na ilang beses nilang pinano sa loob ng 25 years.
04:01Eh, nami-miss din namin yung pinanggalingan namin yung lugar.
04:03Baka hindi mo nakilala yung mga tao doon?
04:05Hindi ko nakilala.
04:07Hindi ko nakilala.
04:08Si Neil na uuwi sana sa Roja City, naiwan ang eroplano.
04:13Dahilan po na naligaw po yung driver namin, tsaka traffic.
04:18Nag-rebook po kami ng PAL, 4.50am na po.
04:22Check-in po muna sa hotel.
04:24Ang ibang biyahe naman, nag-untas na raw in advance para makapasyal.
04:28Nagsimula lang ito sa ano, parang stress lahat.
04:31Kaya yun, naisipan namin na mag-book.
04:33Nagsim din na kami ng kandila bago umalis.
04:41Ang inaasahang lagsa naman ng mga pasahero pabalik dito sa Batangasport ay sa Sunday, November 2.
04:48Live mula rito sa Batangasport, para sa GMA Integrated News,
04:53ako po, si Tina Panganiban Perez, ang inyong saksi.
04:57Usad pagong na ang daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng North Ozona Expressway ngayong gabi.
05:02At hanggang bukas, inaasahan po ang dagsa ng mga motoris sa roon.
05:07Saksila, si Bea Pinla.
05:09Bea, kamusta na?
05:14Bea, para sa mga kapuso natin na makikipagsabayan sa mga babiyahe sa NLEX ngayong gabi,
05:19magbaon po ng mahabang pasensya dahil mabagal pa rin ang usad ng mga sasakyan
05:23mula rito sa Balintawak, Tall Plaza.
05:26Maluwag-luwag pa ang biyahe palabas ng Maynila papuntang NLEX.
05:33Pero habang papalapit na sa NLEX Balintawak, Tall Plaza,
05:37usad pagong na ang daloy ng mga sasakyan.
05:40May bahagyang pagluwag mula Valenzuela City papuntang Maykawayan, Bulacan.
05:44Pero paglusot dito, mahabang pasensya ulit ang kakailanganin.
05:48Babagal na kasi ang daloy ng sasakyan hanggang Marilaw.
05:51Nagbukas na ng counterflow lane mula Balintawak patungong Maykawayan.
05:56Mabigat na rin ang daloy ng mga sasakyan patimog mula Balagtas hanggang Maykawayan.
06:01Ayon sa pamunuan ng NLEX,
06:03inaasahan ngayong araw hanggang bukas yung bulto ng mga sasakyan na dadaan dito para sa Undas.
06:08Nasa 450,000 ang daily average ng mga sasakyan na dumadaan sa NLEX,
06:14NLEX Connector at SC-Tex kada araw.
06:16Ngayong Undas, posibli raw itong tumaas ng 25,000.
06:21Para sa ilang motoristang nakausap natin,
06:24tiis-tiis lang daw muna sa traffic para masulit ang Undas break.
06:28Pinakailangan pong mahaba ang pasensya mo kasi talagang ganyan,
06:33mag-Undas eh, talagang uwi ang mga tao ngayon.
06:38No choice kami kundi sumabay talaga.
06:41Eh, ganun talaga eh.
06:42Naasahan natin ito pagdating ng Undas talaga traffic.
06:46Taon-taon naman, ganyan din ang nararanasan natin.
06:49Tsagaan na lang para makarating sa pupuntahan natin.
06:51Pia sa mga magkakaaberya o masiraan ng sasakyan sa NLEX,
07:00libre po yung towing papunta sa pinakamalapit na exit hanggang 6 a.m. sa November 3
07:05para sa mga Class 1 vehicle.
07:07Paalala naman ng pamunuan ng NLEX sa mga motorista kahit matrafik,
07:11maging maingat pa rin sa daan at sumunod pa rin sa batas trapiko.
07:14Live mula rito sa North Luzon Expresswayo, NLEX para sa GMA Integrated News.
07:19Ako si Bayapinlac, ang inyong saksi.
07:22Hawak na ng motoridad ang pangunahing suspect sa pananambang sa mga polis
07:26na nagsagawa ng operasyon kontra Gun for Hire noong isang linggo.
07:30Isang polis captain ang nasawi matapos malapit ang barili ng mga suspect.
07:35Saksi, si Marisol Abderaman.
07:40Sa gitna ng kanilang surveillance sa isang grupong sangkot sa gun running at gun for hire noong October 21,
07:46pinagbabaril ang dalawang polis ng dibababa sa pitong tao.
07:49Patay ang isang polis captain habang sugata naman ang isang polis non-commissioned officer
07:54sa tinawag ng CIDG na ambush.
07:57Kagabi, sumuko ang isa sa mga itinuturing na prime suspect.
08:00May conduit po na dalawang counselor, I think.
08:07Then pumunta sila sa passive police.
08:11Isa yung driver mismo na bumaba.
08:13At without any provocation or warning, pinutokan yung dalawang personnel namin
08:19who is undergoing illegitimate police surveillance.
08:24Napansin niya na bumubuntot yung police namin.
08:27So tumawag siya na mag-ready yung mga kasama niya na ano doon sa bahay niya.
08:35May mga baril na ginamit na nasa loob ng bahay.
08:37The ambush was staged doon sa harap ng bahay niya.
08:41Maraming mga basyon ang bala coming from high caliber and low caliber firearms na nakuha.
08:51Ayon pa sa CIDG, tad-tad ng tama ng bala sa katawan ang police captain
08:55na pinagbabaril pa ng malapitan kahit nakahandusay na.
08:59Kasi buhay pa naman siya eh.
09:00Pininising lang siya nung dalawang tama sa mukha.
09:03Sana, pag gano'n na nakahiga na rin ang tao namin, eh have pity also.
09:11Because they are just doing their job.
09:13Tumakas daw ang suspects matapos ng krimen.
09:16Ang mga ng ambush ay miyembre raw na malaking grupo na sangkot sa gun running at gun for hire
09:21hindi lang sa Western Visayas, kundi sa iba pang rehyon maging dito sa NCR.
09:26Sa ngayon, tatlo na sa pitong suspect ang naaresto.
09:29Bukod sa apat na pinaghahanap pa rin, hinahanap din daw ng CIDG ang minor de edad na anak ng sumukong suspect.
09:36The 17-year-old guy, siyap ko nag-distribute ng baril.
09:39Personal namang nagpaabot ng pakikiramay, ang hepe ng CIDG sa mga naulila ni Police Captain Joel Niparine.
09:46Para sa GMA Integrated News, ako si Marisol Abduraman, ang inyong saksi.
09:53Bumos na rin ang mga pasahero sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX
09:59at saksi live si Jamie Santos.
10:03Jamie?
10:07Pia, ngayong araw inaasahang magpipik o aabot sa pinakamaraming pasahero ang babyahe mula rito
10:13sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX na uuwi sa kanika nilang probinsya para mag-undas.
10:20Gabi na pero tuloy-tuloy pa rin ang dating ng mga pasahero rito sa PITX.
10:29Dahil karamihan wala nang pasok bukas, marami na ang bumiyahe ngayong araw para makauwi sa kanika nilang probinsya ngayong undas.
10:36Ayon sa pamunuan ng PITX, umabot na sa 180,000 ng mga pasahero ang dumaan sa terminal ngayong araw.
10:43Mas mataas sa inaasahang daily average na 180,000 mula October 27 hanggang November 5 para sa undas period.
10:51As of 19 po, nakita natin na 180,000 na po ang damagsa sa ating terminal.
10:56So until 12 a.m., nakita natin na more than na po yung in-expect nating number na daily average for disundas
11:03dahil ang expectation natin, 180,000 daily.
11:07However, given that sinabi po natin na today po ang dagsaan ng mga pasahero natin, mas mataas pa nga po ito.
11:14Sa kabila ng dagsaan ng mga biyahero, tiniyak naman ang pamunuan ng PITX na tuloy-tuloy ang operasyon
11:20at may mga available pang bus tickets para sa mga walk-in passengers, lalo na sa mga rutang patungong Bicol at iba pang rehyon.
11:28Tuloy-tuloy naman po operations natin and syempre, make sure naman po natin, marami pa po tumuro,
11:33then we heed at marami pa rin po mga ibang pasahero na haakol naman.
11:37Pagaman mataas na ang bilang ng mga pasahero, sinabi na Kalbasa na hindi pa ito ang peak ng undas Exodus.
11:43Bukod sa maayos na daloy ng biyahe, mahigpit pa rin ang pinatutupad na seguridad sa terminal.
11:49Tuloy-tuloy din ang random drag testing sa mga driver at konduktor ng mga bumabiyahing bus.
11:54Mula October 27 hanggang 29, 72 na bagay na ang nakumpis ka sa PITX Security Checkpoint,
12:01kabilang mga kutsilyo, gunting, lighter, cutter, itak at flammable materials.
12:06Samantala, bumibigat na ang daloy ng trapiko sa ilang expressways sa ilalim ng SMC.
12:11Simula pa kahapon, naka-full alert status na ang Skyway, South Luzon Expressway o SLEX, Star Tollway at T-PLEX para sa Undas 2025.
12:21Nakadeploy na raw ang lahat ng kanilang personal para sa tuloy-tuloy na patrolya at mabilis na pagresponde sa mga insidente.
12:28Pia, balik tayo dito sa PITX.
12:35Paalala sa mga babiyahe, tignan ng maigi o lage ang mga announcement o abiso sa social media page ng terminal
12:43at ng mga bus na kanilang sasakyan para sa update sa biyahe at oras ng kanilang biyahe.
12:48Live mula rito sa PITX para sa GMA Integrated News.
12:52Ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
12:55Dumipensa mga polis sa San Jose del Monte Bulacan sa aligasyong hindi sila nag-warning shot
13:01ng rumesponde sa lalaking nag-amok doon kahapon.
13:04Nakuno ng CCTV ang pagpapaputok ng baril ng lalaki.
13:08Saksi si John Consulta.
13:09Buminto at may kukunin lang dapat ang delivery rider na ito nang makunan siya ng CCTV sa isang lugar sa San Jose del Monte Bulacan.
13:20Pero bigla siyang naparangkada.
13:23Tinamaan pa na siya noon, nagbala sa hita.
13:27Isa lang ang rider sa mga nasukatan sa walang habas na pamamaril ng lalaking ito na nag-amok kahapon.
13:33Ayon sa mga polis, umalis at bumalik sa lugar ng suspect na hinahanap umano ang kanyang kapatid na babae.
13:39Nag-away daw sila ng kapatid niya.
13:41Then umalis yung suspect natin.
13:44Pagbalik niya, wala din yung kapatid niya.
13:46That's the time na nag-amok na siya.
13:49May possibility na may gusto niyang sakitan o gusto niyang takutin.
13:53Agad remisponde ang ilang nagpapatuloy ang polis.
14:03Pero napilitan daw silang gumantin ang putok nang hindi pakinggan ng suspect ang kanilang pakiusap.
14:09Nasukatan din sa shootout ang remisponding tauan ng BJMP na napadaan lang sa lugar noon papunta sa trabaho.
14:18Dinipinsa na lang po namin ang sarili namin.
14:21Kaya po nagkaroon po ng palitan ng putok.
14:23Sinubukan pang isugod sa ospital ng suspect.
14:25Pero itinikla rang dead on arrival.
14:27Kinwestiyon ng misis ng suspect ang naging aksyon ng mga polis.
14:31Hindi ba lang po sininagwali ng isi. Talagang tinuloyan po talaga nila.
14:35Tinausap po namin na ano ba problema mo, ibaba mo yung baril mo.
14:40Kaya bigla po kami pinagtutukan na.
14:43Na-recover ang 9mm na baril at 17 basyo ng palang nang galing sa suspect.
14:47Napag-alamang ding nahaharap siya sa ibang kaso.
14:50Yung ginawa niyang pamamarel at saka yung pag-aamok doon sa lugar, hindi ito normal na gawain ng isang tao.
14:58Kung baga nakita natin yung kanyang criminal tendencies.
15:03And then after investigation nga po, nalaman natin na ito po lang suspect na ito ay may pending warrant of arrest for murder sa RTC brand sa 286 ng Nabota City.
15:15Para sa GMA Integrated News, ako si John Consulta, ang inyong saksi.
15:22Nauwi sa suntukan at sigawan ang pagtatalo na isang driver at isang siklista sa Marikina.
15:28Saksi si EJ Gomez.
15:29Nagiinit ang away kalsada itong Martes ng umaga.
15:37Habang nakahambalang ang isang bisikleta at isang kotse sa gitna ng Hill Fernando Avenue sa Barangay Santo Niño, Marikina City.
15:45Ang nagtatalog siklista at motorista nagsuntukan pa sa loob ng kotse.
15:50Sinubukan silang awati ng ilang nakakita, pero patuloy ang sagutan.
15:54Pagdating sa gilid ng kalsada, muntik na namang magpangabot ang dalawa.
16:04Kwento ng isang saksi.
16:06Ang biker, napikun siya.
16:09Ang ginawa niya, sinugod niya yung driver ng kotse.
16:12Pinagsusuntok niya.
16:14Sinubukan daw umalis ng siklista, pero pinigilan siya ng driver.
16:18Hinila niya yung bike.
16:19Nakakailahan silang dalawa para hindi siya makatakas.
16:21Kasi nasaktan yung driver eh. Nagkamura silang dalawa.
16:25Ayon sa Marikina Police, tumagal ng halos kalahating oras ang away.
16:30Base sa investigasyon, nagugat ang gulo ng binusinahan ng 41-anyos na driver ng kotse
16:36ang 40-anyos na siklista na nasa gitna raw ng kalsada imbis na sa bike lane.
16:41Mayroon pong iniwasan yung ating biker dahil basa po yung kalsada.
16:45At siya po'y napapunta sa gitna.
16:47Binusinahan po ng kotse yung nakabike po.
16:49Doon po nag-trigger po yung kwan, yung nakabike.
16:52Nakabulin yung sasakyan.
16:54Sinugod niya po talaga yung nasa sasakyan at nagkaroon nga po ng konting sakitan.
16:58Hindi naman napinsala ang bisikleta at kotse.
17:01Nagkaayos na rin daw ang dalawang panig.
17:04Dapat po habaan po natin yung ating PC o yung pasensya po natin
17:07at huwag pong mainit ang ating ulo.
17:09Give and take lang naman yan eh.
17:10Para sa GMA Integrated News,
17:12ako si EJ Gomez, ang inyong saksi.
17:15Idinekla ng medyas pero nabis ng mga peking branded na damit pala
17:20ang laman ng naharang na dalawang shipping containers sa Maynila.
17:24At sa Bureau of Customs,
17:26may gitapat na rin ang milyon piso
17:27ang halaga ng padala galing Bangladesh.
17:30Nilalagyan daw ang mga damit ng peking QR code
17:33at price tag ng isang shopping mall
17:35para magmukha orihinal kapag ibinenta.
17:38Itinuturing na persons of interest
17:40ang mga nakasulat na pangalan sa mga kahon.
17:45Kasunod ng pagkabiso ng mga hindi natapos na farm-to-market road,
17:54planong ilipat sa Department of Agriculture
17:55ang pangasiwa sa konstruksyon ng mga naturang proyekto.
17:59Saksi si Ivan Marina.
18:01Batay sa record 2021 patapos,
18:07ang farm-to-market road na ito sa Davao Occidental.
18:10Pero nampuntahan ni Agriculture Secretary Kiko Laurel
18:13na bistong ang dapat ay kalsada
18:15na nanatiling lupa at graba.
18:18Sa pag-usad nila sa isang bahagi ito naman,
18:20kitang-kitang kakabuhos lang ng semento.
18:23Ilang araw pa lang itong tapos,
18:24ayon sa mga taga roon.
18:25Sinukad din nilang kapal ng semento.
18:328 inches ang kapal.
18:33Yun nga lang, walang bakal.
18:35May mga na-confirm talaga na wala yung project
18:39at may na-confirm din na luma na yung pondo,
18:42ibig sabihin 21 hanggang 23,
18:44pero makikita na fresh pa yung mga concrete,
18:48ibig sabihin tinatry na habulin
18:50na gawin yung pagsasayos ng kalsada.
18:54Isa lamang ito sa hindi bababasa
18:55pitong natutuklas ang ghost farm-to-market road.
18:58Matapos si audit ang 4,000 km
19:00ng mga kalsadang ipinagawa mula 2021 hanggang 2025.
19:04Makaling kung natapos sana,
19:06ay bakapagpapabili sa dalay ng mga produkto
19:08mula taniman patungo sa mga pamilihan.
19:11Makakatulong sa pagpapababa ng presyo
19:13at makapagbibigay ng mas magandang kita
19:15sa mga magsasaka.
19:17Dahil sa nabisto,
19:18babaguhin na ang kasalukoyang sistema
19:20na Department of Public Works and Highways o DPWH
19:23ang magpapatupad ng mga proyekto katuwang
19:26ang primadong kontraktor.
19:27Sa halip,
19:28Agriculture Department na maangasiwa ng construction
19:31ng mga farm-to-market road.
19:32Suportado ito ng DPWH.
19:35Nag-meeting kami nung isang araw
19:37para mag-coordinate kami ng reports
19:38sa pag-imbestiga
19:41at pagsisigurado din
19:43na hindi na tumawulit.
19:45At ang mga mapapatunayan
19:46umunong nagsabuatan.
19:48Matatanggal sa trabaho,
19:50kakasuan,
19:51makukulong,
19:52babawiin natin
19:53pati yung mga area.
19:54Biyahing South Korea
19:56si Pangulong Bongbong Marcos
19:58ngayong araw
19:58para dumalo
19:59sa APEC Economic Leaders Meeting.
20:01Isa sa mga pangonahing mission niya,
20:03manghihikayat
20:04ng mga mamumuhonan sa bansa.
20:06At sa layo ninyo,
20:07patuloy daw
20:08ang paglililis sa korupsyon
20:10sa gobyerno.
20:11We continue to cleanse
20:13our bureaucracy of corruption
20:14because only a transparent government
20:17can build a fair economy.
20:18At kung noon ng aralinggo,
20:20iniutos niyang babaan ng DPWH
20:22ang halaga ng mga proyekto nito
20:23na overpriced
20:24o manunang hanggang 50%
20:25ngayong araw.
20:27Pinalawig niya sa ibang ahensya
20:28ang utos na ito.
20:30We are reducing costs
20:31for 2026
20:33of the FMRs,
20:34the irrigation,
20:35classrooms,
20:36and hospitals.
20:37The savings we secure
20:39will go where they matter small.
20:41The programs that
20:42uplift families,
20:42support livelihoods,
20:43and strengthen communities.
20:45Para sa GMA Integrated News,
20:48Ivan Mayrina,
20:49ang inyo,
20:49Saksi!
20:51Ipasusubasa ng Bureau of Customs
20:53ang 7 luxury vehicle
20:54ng mag-asawang Pasifiko
20:55at Sara Descaya.
20:57Kasama rito ang Rolls Royce
20:58na nagkakahalaga
20:59ng 42 milyon piso.
21:01Ayon sa BOC,
21:02nagsumitin ng voluntary forfeiture
21:04ang mag-asawa.
21:06Ibig sabihin,
21:08hindi na sila pumalag
21:09sa pagsusubasta
21:10ng mga sasakyang lumabas
21:11na walang kaukulang dokumento.
21:14Posibleng makakolekta
21:15ang gobyerno
21:16ng 200 milyon piso
21:17mula sa bidding.
21:19Dagdag pa na BOC,
21:21aning pang sasakya
21:22ng ayaw pakawalan
21:23ng mga diskaya
21:24at gusto nilang
21:25bayaran ang multa.
21:29Pinagaaralan ngayon
21:30ng Office of the Ombudsman
21:31ang desisyon
21:32ni dating Ombudsman
21:33Conchita Carpio Morales
21:34na i-dismiss
21:35si Sen.
21:36Joel Villanueva
21:37kaglay sa paggamit
21:38ng kanyang pidaaf
21:39noong kongresista pa siya.
21:41Pinagaaralan din
21:42ang pagbaligtad
21:43ni dating Ombudsman
21:44Samuel Martires
21:45sa naturang desisyon.
21:48Saksi
21:48si Salimare Frank.
21:49We will make public
21:54the resolutions
21:54of the Office of the Ombudsman.
21:56Tinawag ni Ombudsman
21:58Jesus Crispin Remulia
21:59na secret desisyon
22:00ang resolusyo
22:01ni Nooy Ombudsman
22:02Samuel Martires
22:03para baligtarin
22:04ang utos
22:05na i-dismiss sa pwesto
22:07si Sen. Joel Villanueva.
22:09Nagulat kasi si Remulia
22:11nang malamang
22:12may ganitong desisyon
22:13kung kailan
22:14hihingi na sana niya
22:15sa Senado
22:16na ipatupad ang utos
22:18ng naonang Ombudsman
22:19na si Conchita Carpio Morales.
22:22Kanina,
22:23inilabas na Remulia
22:24ang desisyon ni Morales
22:25para sa dismissal
22:26ni Villanueva
22:26at ni Martires
22:28na nagbabaligtad dito.
22:30For the information lang
22:31kasi nga
22:32people are speculating
22:33as to
22:33what is which is which
22:35and what is what.
22:36So you can
22:37it's
22:39actually
22:40it's
22:40public property
22:41these are ready
22:42decisions
22:43that are
22:43presumed to be valid.
22:45Sa desisyon ni Morales
22:46noong October 2016
22:48nakakita ng sapat
22:49na ebedensya
22:50para panagutin
22:51sinuoy si Buck
22:52Partly's Representative
22:53Joel Villanueva
22:54sa grave misconduct
22:55serious dishonesty
22:57at conduct prejudicial
22:58to the best interest
22:59of service.
23:00Kawugnay yan
23:01sa umano'y
23:0210 milyong pisong
23:03kickback
23:03mula sa kanyang
23:04PDAF
23:04o Priority Development
23:06Assistance Fund
23:07sa pamamagitan
23:08ng Peking NGO
23:09ni Janet Napolis.
23:11Bukod sa dismissal
23:12sa serbisyo
23:12habang buhay
23:13na hindi maaaring
23:14humawak
23:15ng anumang posisyon
23:16sa gobyerno
23:17si Villanueva
23:18at hindi rin
23:19makakatanggap
23:19ng retirement benefits.
23:21Lumalabas na inapila
23:23ni Villanueva
23:23ang desisyon
23:24noong November
23:25at December 2016
23:26at noong October 2019
23:28pinaligtad
23:30ng nakaupuna
23:31noong ombudsman
23:32na si Martres
23:32ang desisyon
23:33ni Morales.
23:35Sabi ni Martres
23:36walang nakitang
23:37sapat na ebedensya
23:38para sabihin
23:39sangkot talaga
23:40si Villanueva
23:40sa pagnanakaw
23:42ng 9.7 million pesos
23:44mula sa kaban
23:45ng bayat.
23:46Nakita rin daw
23:46ng NBI
23:47na pinike
23:48ang mga pirma
23:49ni Villanueva
23:50sa mga nasa sulat
23:51kaugnay ng pag-release
23:53ng kanyang PIDAF.
23:54Joel Villanueva
23:55raised two defenses.
23:57Hindi siya representative
23:58ng Buhay Party List
23:59dahil siya representative
24:01ng si Buck.
24:02Ang nag-request
24:03ng pondo
24:04para sa PIDAF
24:05ay ang Buhay Party List.
24:07Pangalawa,
24:08yung signature
24:09doon sa sulat
24:11ng Buhay Party List
24:12na allegedly
24:13kay Joel Villanueva
24:15ay according
24:16sa question
24:17documents division
24:18ng NBI
24:19is not the same
24:20as the signature
24:21of Joel Villanueva
24:22therefore false.
24:23Inalabas din
24:24ang ombudsman
24:25ang resolusyong
24:26nagbasura
24:26sa mga hiwalay
24:28na kasong kriminal
24:28na graft,
24:30malversation
24:30at falsification
24:31laban kay Villanueva
24:33na sa pareho
24:34mga dahilan
24:34at kawalan umano
24:36ng probable cause.
24:38Ang mga desisyon
24:39ni Morales at Martires
24:41pinag-aaralan
24:42ng Office of the Ombudsman
24:43lalo tatlong taon
24:45ang pagitan nila.
24:47And there's a lot of things
24:47that could have happened
24:48in the three years.
24:50So we are trying
24:52to sift through
24:53the records now
24:54para makita talaga
24:55kung ano
24:56yung nangyari noon
24:57and why it wasn't
24:59it wasn't resolved
25:00in such a long time.
25:03Para sa GMA Integrated News,
25:05Sanima Refran,
25:06ang inyong sexy.
25:07Nakaparada ang truck na yan
25:11sa gilid ng kalsada
25:12sa Iloilo City
25:13ng salpokin nito
25:14ng isang SUV.
25:15Wasak ang harapang bahagi
25:16ng SUV.
25:17Ang sa pulisya,
25:18sugatan ng driver
25:19at dalawang sakay nito
25:20na agad dinala sa ospital.
25:22Sa San Miguel,
25:22Iloilo naman,
25:23nahulog ang isang lalaki
25:25mula sa sinasakyan
25:27niyang truck.
25:28Ang sa pulisya,
25:29pababa na sana
25:30ang lalaki
25:30pero posibleng
25:31hindi niya natansya
25:32ang pagtalon.
25:33Agad namang dinala
25:34sa ospital
25:35ang lalaki
25:35na nakaramdam
25:36ng pananakit sa paa.
25:39Muling nagbuga
25:40ng usok at aboh
25:41ang vulkan Kanlaon
25:42sa Negros Island
25:43pasado tanghali kanina.
25:44Tumagal po yan
25:45ng 20 minuto.
25:47Umabot ang usok
25:48sa taas na 300 metro.
25:50At ayon sa Kanlaon
25:51Volcano Observatory,
25:52kabilang ito
25:53sa mga aktibidad
25:54ng vulkan
25:54na nananatili
25:55sa Alert Level 2.
25:57Walang naiulat
25:58na naapektuhan
25:58ng ashfall.
26:02May katamtamang
26:03sansa ng maging bagyo
26:04ang low pressure area
26:05sa labas ng
26:05Philippine Area
26:06of Responsibility
26:07ayon sa pag-asa.
26:09Sakaling pumasok
26:10sa PAR
26:10at maging bagyo
26:11tatawagin itong
26:12Pino.
26:14Huling na mataan
26:14ng LPA
26:15sa layong
26:151,830 kilometers
26:17silangan ng
26:18southeastern Mindanao.
26:20Wala pa itong
26:20epekto sa bansa
26:21ngayon.
26:22Pero bukas
26:22maaaring magpaulan
26:23ang Intertropical
26:25Convergence Zone
26:25o ITCZ,
26:27Amihan
26:27at Shear Line.
26:29Posible rin
26:29ang localized
26:30thunderstorms.
26:31Sa datos ng Metro Weather,
26:33may tsansa na ulaan
26:34bukas sa ilang bahagi
26:35ng Northern Luzon,
26:36Central Luzon
26:37at Calabar Zone,
26:38Mimaropa
26:38at Bicol Region.
26:40Gayun din
26:40sa ilang probinsya
26:41sa Visayas
26:42at Mindanao.
26:44Sa Metro Manila,
26:45posibleng umulaan
26:46sa tanghali
26:46sa hapon,
26:48sa tanghali
26:49o sa hapon
26:50at pwede pong
26:50maulit sa gabi.
26:51Kinagiliwan online
26:55ng isang bata
26:56dahil sa kanyang
26:57Halloween costume
26:58na hango
26:58sa mga
26:59ghost
27:00project.
27:02Ang ilang kapuso
27:03stars naman
27:03sinamahan ng
27:04style
27:05ang kanilang paandar
27:06ngayong Halloween.
27:08Ating saksihan!
27:09Walang pakakabog
27:13sa katatakutan
27:14with glam
27:15sa isang Halloween
27:16ball kagabi.
27:18Vengeful Bride
27:19si Jillian Ward.
27:20Alabatman villain
27:21si Kailin Alcantara
27:23at si Michelle D
27:24bilang clown
27:25in Red and Black.
27:27Black Witch
27:28si Mika Salamanka.
27:29Si Roxy Smith
27:30ginawang inspirasyon
27:31si Galinda
27:32ng wikid.
27:38Inid
27:38ng online series
27:39na Wednesday
27:40pati ang
27:41Fate of Ophelia
27:42look
27:42ni Taylor Swift.
27:44Trick or Treat
27:45is in the air.
27:47Sa dinalupihan
27:47bataan
27:48Gina G
27:49papabata
27:49o matanda
27:50may nagbihis
27:51donut pa.
27:53Ang isang
27:54netizen
27:54pinaandar
27:55ang pagkakreative
27:57online.
27:58A for effort
27:59kung manakot
27:59si Minnie
28:00sadako.
28:02A for effort
28:02din sila
28:03ng kanyang nanay
28:04sa pagbuo
28:04ng costume
28:05na inabot
28:06daw ng limang araw.
28:07Pero sabi nga
28:08ng iba
28:09online
28:09ang tunay
28:10na horror
28:11nasa kamayraon
28:12ng mga
28:13kurakot.
28:14Engineer
28:15ang biis
28:15ng batang
28:16sikal
28:17na may
28:17bako pa
28:18na ang
28:18tatak
28:19DPWH.
28:21Ang kahulugan
28:22pala niyan
28:22Department
28:23of Paranormal
28:24Witches
28:25and Hauntings
28:26na nasa
28:26likod daw
28:27ng mga
28:27ghost
28:28projects.
28:30Para sa
28:31GMA Integrated
28:32News,
28:32ako si
28:33Ove de Carampel
28:33ang inyong
28:34saksi.
28:34Mga kapuso,
28:38maging updated
28:38sa mga sitwasyon
28:39sa mga
28:40sementeryo
28:40sa Metro Manila
28:41at sa iba't
28:42ibang panig
28:43ng bansa.
28:44Tutukan po
28:44ang aming
28:45special
28:45live stream
28:46coverage
28:47para sa
28:47Undas 2025.
28:49Mapapanood po
28:50ang live stream
28:51sa Facebook
28:51at YouTube
28:52accounts
28:52ng GMA
28:53Integrated
28:53News
28:54at GMA
28:54Regional TV.
28:56At salamat po
28:57sa inyong
28:57pagsaksi.
28:58Ako pa si
28:59Pia Arcangel
29:00para sa mas
29:00malaki
29:01misyon
29:01at sa mas
29:02malawak
29:03na paglilingkod
29:04sa bayan.
29:05Mula sa
29:05GMA Integrated
29:06News,
29:07ang news
29:08authority
29:08ng Pilipino.
29:10Hanggang bukas,
29:11sama-sama po
29:12tayong magiging
29:13Saksi!
29:17Mga kapuso,
29:19maging una
29:19sa Saksi.
29:20Mag-subscribe
29:21sa GMA Integrated
29:22News sa YouTube
29:22para sa
29:23ibat-ibang
29:24balita.
29:28Mga kapuso,
29:29mga kapuso,
29:30ma-yba- obedek
29:31nyo-enko-bo
29:56ma-yba-audek