Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Naungkat sa pagdinig ng budget ng Senate Electoral Tribunal,
00:04ang nakabimbing co-warant o petition laban sa isang nakaupong senador.
00:08Bagamat hindi binanggit ang pangalan sa pagdinig,
00:11sinabi ni Senador Erwin Tulfo na handa siyang harapin ng petisyon.
00:15May unang balita si Rafi Tima.
00:19Sa pagharap ng kinatawan ng Senate Electoral Tribunal sa pagdinig
00:22ng Senate Committee on Finance kaugnay ng budget nito,
00:25lumabas na merong nakahain ditong petisyon laban sa isang senador.
00:28We have a petition for co-warant against one of the members of the Senate
00:33filed on July 15, 2025 on the ground of alleged ineligibility due to citizenship.
00:43Ang co-warant o petition ay isang legal na aksyon para kwestyonin
00:45ang legalidad ng paghawak sa pwesto ng isang pampublikong opisyal.
00:49Sa kaso ng senador, tungkol na ito sa kanyang citizenship.
00:53Hindi na nagbigay ng detalye sa anonsasyon at hindi niya rin niya pinangalanan ang senador.
00:57Pero sa isang slide na ipinakita sa pagdinig habang tinatalaki ang accomplishments ng tribunal,
01:03nakasaad na nakatanggap sila ng petisyon laban kay senador Erwin Tulfo noong July 2025.
01:08Pending daw ito ngayon sa tribunal at ginagawa ng seketaryat ang lahat ng preliminary actions
01:12nang naaayon sa kanilang panuntunan.
01:14Sa isang pahayag, sinabi ni Sen. Tulfo na alam niya ang tungkol sa nakabinbing co-waranto case
01:30at handa daw siyang harapin ito.
01:32Sabi ni Tulfo, ang petitioner, siya rin daw nagharap ng disqualification case laban sa kanya noong kampanya.
01:38Lahat daw ng disqualification case laban sa kanya ay dismissed na.
01:41Matatandaan noong panahon ng kampanya,
01:45kinwestyon sa Comelec ang citizenship ni Tulfo
01:47dahil hindi raw niya umano na renounce ang kanyang US citizenship.
01:51Ginismiss kalauna ng Comelec ang petisyon.
01:53Yan ang unang balita. Rafi Tima para sa GMA Integrated News.
01:58Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
02:01Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended