Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00May pangilan-gilan ng bumibisita sa puntod ng kanila mga yumaong mahal sa buhay sa Manila North Cemetery, isang linggo bago ang undas.
00:08Balit ang hatid ni Bea Pinlak.
00:12Galing pang bulakan ng pamilya ni Arlene.
00:15Kahit maulan, madaling araw pa lang, bumiyahin na sila papuntang Manila North Cemetery para linisin at bisitahin ang puntod ng kanyang kapatid.
00:23Death anniversary ng kapatid ko, tapos na paaga na rin kami gawa ng, ayaw namin sumubay sa mga maraming tao, then babalik na lang kami ng November 2.
00:33Tagi kami mas maaga.
00:35Kada taon, iniiwasan daw talaga nila ang dagsa ng mga tao sa sementeryo, lalo na at may mga bata silang kasama.
00:42Sinadya na raw nila ang puntod ng kapatid niya ngayong umaga, dahil hanggang Lunes, October 27 na lang,
00:48pwedeng maglinis, magkumpune at magpintura ng mga puntod sa Manila North Cemetery.
00:53Hanggang Linggo, October 26 naman sa Manila South Cemetery.
00:57Huling araw ng mga libing sa parehong sementeryo sa Martes, October 28.
01:02Simula October 29 hanggang November 2, bukas sa publiko ang Manila North at South Cemeteries mula 5 a.m. hanggang 9 p.m.
01:11Pero bawal pumasok ang anumang sasakyan sa loob.
01:14Ilan pa sa mga mahigpit na ipagbabawal sa loob ang mga baril, patalim, alcoholic beverage, alagang hayop, malalakas na sound system at flammable materials.
01:26Magagamit din ang digital platforms ng mga sementeryo na may puntod finder para makatulong sa paghahanap sa mga libingan ng mahal niyo sa buhay.
01:34May tagging system din dito para sa mga bata, senior citizen at persons with disability.
01:41Maglalatag ang Manila LGU ng free water stations, portable toilets at wheelchairs sa mga sementeryo sa undas.
01:49Para sa pamilya ni Arlene, walang pinipiling araw o panahon ng pagunita sa mga namayapa nilang mahal sa buhay.
01:55Hindi kami sumasablay dito every year talaga. Kasi yan lang talaga yung may alay namin sa mga namayapa namin lola, kuya, anak, kapatid, tsuhin. Kaya talagang yearly, nandito kami.
02:10Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended